ﰎ
ترجمة معاني سورة القدر
باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
.
من تأليف:
مركز تفسير للدراسات القرآنية
.
ﰡ
Tunay na Kami ay nagpababa ng Qur'ān ng isang buo tungo sa langit na pinakamalapit gaya ng pagpasimula Namin sa pagpapababa nito sa Propeta - ang basbas at ang pangangalaga ay sumakanya - sa Gabi ng Pagtatakda ng buwan ng Ramaḍān.
Nakababatid ka ba, O Propeta, kung ano ang nasa gabing ito na kabutihan at pagpapala?
Ang gabing ito ay isang gabing dakila sa kabutihan sapagkat ito ay higit na mabuti kaysa sa isang libong buwan para sa sinumang nagdasal sa oras nito ayon sa pananampalataya at pag-asang gagantimpalaan.
Nagbababaan ang mga Anghel at bumababa si Anghel Gabriel - sumakanya ang pangangalaga - rito ayon sa pahintulot ng Panginoon Nila - kaluwalhatian sa Kanya - dahil sa bawat utos na itinadhana ni Allāh sa taon na iyon, maging ito man ay panustos o kamatayan o pagkapanganak o iba pa rito kabilang sa itinatakda ni Allāh.
Ang biniyayaang gabing ito ay kabutihan sa kabuuan nito mula sa pagsisumula nito hanggang sa wakas nito sa paglitaw ng madaling-araw.