ﰆ
ترجمة معاني سورة الفجر
باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
.
من تأليف:
مركز تفسير للدراسات القرآنية
.
ﰡ
ﭤ
ﰀ
Sumumpa si Allāh - kaluwalhatian sa Kanya - sa madaling-araw,
ﭦﭧ
ﰁ
sumumpa Siya sa Unang Sampung Gabi ng Dhulḥijjah,
ﭩﭪ
ﰂ
sumumpa Siya sa magkapares at bukod-tangi sa mga bagay,
sumumpa Siya sa gabi kapag dumating ito, nagpatuloy ito, at lumisan ito. Ang sagot sa mga panunumpang ito ay: talagang gagantihan nga kayo sa mga gawa ninyo.
Sa nabanggit na iyon ba ay may panunumpang kukumbinsi sa may pang-unawa?
Hindi mo ba napag-alaman, o Sugo, kung papaano ang ginawa ng Panginoon mo sa [liping] `Ād, na mga kalipi ni Hūd, noong nagpasinungaling sila sa sugo nila,
ang liping `Ād na iniugnay sa lolo nitong si Irām na may mga haliging mahaba,
na hindi lumikha si Allāh ng tulad ng mga iyon sa bayan.
Hindi mo ba napag-alaman kung papaano ang ginawa ng Panginoon mo sa [liping] Thamūd, na mga kalipi ni Ṣāliḥ, na mga bumiyak ng mga malaking bato sa mga bundok at gumawa mula sa mga ito ng mga bahay sa pamamagitan ng bato.
Hindi mo ba napag-alaman kung papaano ang ginawa ng Panginoon mo kay Paraon na noon ay may mga tulos na pinagdurusa niya sa pamamagitan ng mga ito ang mga tao?
Ang lahat ng mga ito ay lumampas sa hangganan sa paniniil at paglabag sa katarungan; bawat isa ay nagmalabis sa bayan niya
sapagkat nagparami sila sa mga iyon ng katiwalian dahil sa ipinalaganap nila na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway,
kaya nagpalasap sa kanila si Allāh ng matinding pagdurusang dulot Niya at pumuksa Siya sa kanila sa lupain.
Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay talagang tumatambang sa mga gawain ng mga tao at nagmamatyag sa mga ito upang gumanti ng Paraiso sa sinumang nagpaganda ng gawa at ng Impiyerno sa sinumang nagpasagwa ng gawa.
Kaya tungkol naman sa tao, bahagi ng kalikasan nito na kapag sumubok dito ang Panginoon nito at nagparangal dito at nagbiyaya rito ng yaman, mga anak, at impluwensiya, ay nagpapalagay ito na iyon ay dahil sa isang karangalan para rito sa ganang kay Allāh kaya nagsasabi ito: "Ang Panginoon ko ay nagparangal sa akin dahil sa pagiging karapat-dapat ko sa pagpaparangal Niya."
Tungkol naman sa kapag sumulit Siya rito at nagpasikip Siya rito sa panustos dito, tunay na ito ay nagpapalagay na iyon ay talagang pagkahamak nito sa Panginoon nito kaya nagsasabi ito: "Ang Panginoon ko ay humamak sa akin."
Ang usapin ay hindi gaya ng ginuniguni ng taong ito na ang mga biyaya ay patunay sa lugod ni Allāh sa lingkod Niya at na ang mga kawalang-biyaya ay patunay sa pagkahamak ng tao sa ganang Panginoon nito. Bagkus ang reyalidad ay na kayo ay hindi nagpaparangal sa ulila mula sa ibinigay sa inyo ni Allāh na panustos.
at hindi nag-uudyok ang isa't isa sa inyo sa pagpapakain sa maralitang hindi nakatatagpo ng makakain niya.
Lumalamon kayo sa mga karapatan ng mahihina kabilang sa mga babae at mga ulila nang paglamong matindi nang walang pagsasaalang-alang sa pagkaipinahihintulot nito.
Umiibig kayo sa yaman nang pag-ibig na sobra sapagkat nagmamaramot kayo sa paggugol nito sa landas ni Allāh dala ng pagkasabik dito.
Hindi nararapat na ito ay maging gawain ninyo. Tandaan ninyo, kapag pinagalaw ang lupa nang pagpapagalaw na matindi at pinalindol,
at dumating ang Panginoon mo, O Sugo, para magpasya sa pagitan ng mga lingkod Niya, at dumating ang mga anghel na mga nakahanay sa mga hanay,
at maglalahad sa Araw na iyon ng Impiyerno na may pitumpung libong panghatak, na kalakip ng bawat panghatak ay pitumpung libong anghel na hihila niyon. Sa Araw na iyon ay magsasaalaala ang tao sa anumang nagpabaya siya sa pumapatungkol kay Allāh, at paano pa para sa kanya na magpakinabang sa kanya ang pagsasaalaala sa Araw na iyon dahil iyon ay araw ng pagganti hindi araw ng paggawa?
Magsasabi siya dala ng tindi ng pagsisisi: "O kung sana ako ay nagpauna ng mga gawang maayos para sa buhay ko na pangkabilang-buhay na siyang buhay na tunay."
Kaya sa araw na iyon ay walang isang magpaparusa tulad ng pagpaparusa ni Allāh dahil ang parusa ni Allāh ay pinakamatindi at pinakanananatili,
at walang isang gagapos sa mga tanikala tulad ng paggapos Niya sa mga tagatangging sumampalataya roon.
Tungkol naman sa kaluluwa ng mananampalataya, sasabihin sa kanya sa sandali ng kamatayan at sa Araw ng Pagbangon: "O kaluluwang napapanatag sa pananampalataya at gawang maayos,
manumbalik ka sa Panginoon mo nang nalulugod sa Kanya dahil makakamit mo na gantimpalang masagana, na kinalulugdan sa ganang Kanya - kaluwalhatian sa Kanya - dahil sa taglay mong gawang maayos,
saka pumasok ka sa kabuuan ng mga lingkod Kong maaayos,
ﭺﭻ
ﰝ
at pumasok ka kasama sa kanila sa Paraiso Ko na inihanda Ko para sa kanila."