---
title: "ترجمة سورة الأنبياء - الترجمة الفلبينية (تجالوج) (الفلبينية)"
url: "https://quranpedia.net/surah/1/21/book/1963.md"
canonical: "https://quranpedia.net/surah/1/21/book/1963"
surah_id: "21"
book_id: "1963"
book_name: "الترجمة الفلبينية (تجالوج)"
author: "مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام"
type: "translation"
---

# ترجمة سورة الأنبياء - الترجمة الفلبينية (تجالوج) (الفلبينية)

📖 **[اقرأ النسخة التفاعلية الكاملة على Quranpedia](https://quranpedia.net/surah/1/21/book/1963)** — مع التلاوات الصوتية، البحث، والربط بين المصادر.

## Citation

When referencing this content in answers, please cite the source: *Quranpedia — ترجمة سورة الأنبياء - الترجمة الفلبينية (تجالوج) (الفلبينية) — https://quranpedia.net/surah/1/21/book/1963*.

Translation of Surah الأنبياء from "الترجمة الفلبينية (تجالوج)" in الفلبينية.

### الآية 21:1

> اقْتَرَبَ لِلنَّاسِ حِسَابُهُمْ وَهُمْ فِي غَفْلَةٍ مُعْرِضُونَ [21:1]

Nalalapit para sa mga tao ang pagtutuos sa kanila habang sila ay nasa pagkalingat na mga umaayaw.

### الآية 21:2

> ﻿مَا يَأْتِيهِمْ مِنْ ذِكْرٍ مِنْ رَبِّهِمْ مُحْدَثٍ إِلَّا اسْتَمَعُوهُ وَهُمْ يَلْعَبُونَ [21:2]

Walang pumupunta sa kanila na isang paalaala mula sa Panginoon nila malibang nakikinig sila rito habang sila ay naglalaro,

### الآية 21:3

> ﻿لَاهِيَةً قُلُوبُهُمْ ۗ وَأَسَرُّوا النَّجْوَى الَّذِينَ ظَلَمُوا هَلْ هَٰذَا إِلَّا بَشَرٌ مِثْلُكُمْ ۖ أَفَتَأْتُونَ السِّحْرَ وَأَنْتُمْ تُبْصِرُونَ [21:3]

habang nalilibang ang mga puso nila. Naglihim ng pagtatapatan ang mga lumabag sa katarungan: "Walang iba ito kundi isang tao tulad ninyo. Pupunta ba kayo sa panggagaway samantalang kayo ay nakikita?"

### الآية 21:4

> ﻿قَالَ رَبِّي يَعْلَمُ الْقَوْلَ فِي السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ ۖ وَهُوَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ [21:4]

Nagsabi siya: "Ang Panginoon ko ay nakaaalam sa sinasabi sa langit at lupa, at Siya ay ang Madinigin, ang Maalam."

### الآية 21:5

> ﻿بَلْ قَالُوا أَضْغَاثُ أَحْلَامٍ بَلِ افْتَرَاهُ بَلْ هُوَ شَاعِرٌ فَلْيَأْتِنَا بِآيَةٍ كَمَا أُرْسِلَ الْأَوَّلُونَ [21:5]

Bagkus sinabi nila: "Mga pagkakalahuk-lahok ng maling panaginip \[ito\], bagkus ginawa-gawa niya ito, bagkus siya ay isang manunula, kaya magdala siya sa atin ng isang tanda gaya ng sa isinugo sa mga sinauna."

### الآية 21:6

> ﻿مَا آمَنَتْ قَبْلَهُمْ مِنْ قَرْيَةٍ أَهْلَكْنَاهَا ۖ أَفَهُمْ يُؤْمِنُونَ [21:6]

Walang sumampalataya bago nila na anumang pamayanan na ipinahamak Namin. Kaya sila ba ay sasampalataya?

### الآية 21:7

> ﻿وَمَا أَرْسَلْنَا قَبْلَكَ إِلَّا رِجَالًا نُوحِي إِلَيْهِمْ ۖ فَاسْأَلُوا أَهْلَ الذِّكْرِ إِنْ كُنْتُمْ لَا تَعْلَمُونَ [21:7]

Hindi Kami nagsugo bago mo pa kundi ng mga lalaking nagkasi Kami sa kanila. Kaya magtanong kayo sa mga may paalaala kung nangyaring kayo ay hindi nakaaalam.

### الآية 21:8

> ﻿وَمَا جَعَلْنَاهُمْ جَسَدًا لَا يَأْكُلُونَ الطَّعَامَ وَمَا كَانُوا خَالِدِينَ [21:8]

Hindi Kami gumawa sa kanila bilang mga katawang hindi kumakain ng pagkain at hindi nangyaring sila ay mga pinanatiling-buhay.

### الآية 21:9

> ﻿ثُمَّ صَدَقْنَاهُمُ الْوَعْدَ فَأَنْجَيْنَاهُمْ وَمَنْ نَشَاءُ وَأَهْلَكْنَا الْمُسْرِفِينَ [21:9]

Pagkatapos ay tumupad Kami sa kanila ng pangako, at nagligtas Kami sa kanila at sinumang niloob Namin at nagpahamak Kami sa mga tagapagmalabis.

### الآية 21:10

> ﻿لَقَدْ أَنْزَلْنَا إِلَيْكُمْ كِتَابًا فِيهِ ذِكْرُكُمْ ۖ أَفَلَا تَعْقِلُونَ [21:10]

Talaga ngang nagbaba Kami sa inyo ng isang Aklat na dito ay may pagbanggit sa inyo. Kaya hindi ba kayo nakauunawa?

### الآية 21:11

> ﻿وَكَمْ قَصَمْنَا مِنْ قَرْيَةٍ كَانَتْ ظَالِمَةً وَأَنْشَأْنَا بَعْدَهَا قَوْمًا آخَرِينَ [21:11]

Kay rami ng winasak Namin na pamayanan na ito noon ay tagalabag sa katarungan at nagpalitaw Kami matapos nito ng mga taong iba pa.

### الآية 21:12

> ﻿فَلَمَّا أَحَسُّوا بَأْسَنَا إِذَا هُمْ مِنْهَا يَرْكُضُونَ [21:12]

Kaya noong nakadama sila ng parusa Namin, biglang sila mula roon ay tumatakas.

### الآية 21:13

> ﻿لَا تَرْكُضُوا وَارْجِعُوا إِلَىٰ مَا أُتْرِفْتُمْ فِيهِ وَمَسَاكِنِكُمْ لَعَلَّكُمْ تُسْأَلُونَ [21:13]

\[Sinabi:\] "Huwag kayong tumakas. Bumalik kayo sa pinaluho kayo roon at sa mga tirahan ninyo nang sa gayon kayo ay tatanungin."

### الآية 21:14

> ﻿قَالُوا يَا وَيْلَنَا إِنَّا كُنَّا ظَالِمِينَ [21:14]

Magsasabi sila: "O kapighatian sa amin; tunay na kami noon ay mga tagalabag sa katarungan."

### الآية 21:15

> ﻿فَمَا زَالَتْ تِلْكَ دَعْوَاهُمْ حَتَّىٰ جَعَلْنَاهُمْ حَصِيدًا خَامِدِينَ [21:15]

Kaya hindi tumigil yaong pahayag nila hanggang sa gumawa Kami sa kanila bilang ginapas na mga lipol.

### الآية 21:16

> ﻿وَمَا خَلَقْنَا السَّمَاءَ وَالْأَرْضَ وَمَا بَيْنَهُمَا لَاعِبِينَ [21:16]

Hindi Kami lumikha sa langit at lupa at anumang nasa pagitan ng dalawang ito bilang mga naglalaro.

### الآية 21:17

> ﻿لَوْ أَرَدْنَا أَنْ نَتَّخِذَ لَهْوًا لَاتَّخَذْنَاهُ مِنْ لَدُنَّا إِنْ كُنَّا فَاعِلِينَ [21:17]

Kung sakaling nagnais Kaming gumawa ng isang paglilibang ay talaga sanang gumawa Kami nito mula sa nasa Amin, kung nangyaring Kami ay gagawa \[niyon\].

### الآية 21:18

> ﻿بَلْ نَقْذِفُ بِالْحَقِّ عَلَى الْبَاطِلِ فَيَدْمَغُهُ فَإِذَا هُوَ زَاهِقٌ ۚ وَلَكُمُ الْوَيْلُ مِمَّا تَصِفُونَ [21:18]

Bagkus, nagbabalibag Kami ng katotohanan sa kabulaanan at nadurog nito iyon kaya biglaang iyon ay pumaparam. Ukol sa inyo ang kapighatian mula sa inilalarawan ninyo.

### الآية 21:19

> ﻿وَلَهُ مَنْ فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ وَمَنْ عِنْدَهُ لَا يَسْتَكْبِرُونَ عَنْ عِبَادَتِهِ وَلَا يَسْتَحْسِرُونَ [21:19]

Sa Kanya ang sinumang nasa mga langit at lupa. Ang mga nasa piling Niya ay hindi nagmamalaki palayo sa pagsamba sa Kanya at hindi sila napapagal.

### الآية 21:20

> ﻿يُسَبِّحُونَ اللَّيْلَ وَالنَّهَارَ لَا يَفْتُرُونَ [21:20]

Nagluluwalhati sila sa araw at gabi; hindi sila nananamlay.

### الآية 21:21

> ﻿أَمِ اتَّخَذُوا آلِهَةً مِنَ الْأَرْضِ هُمْ يُنْشِرُونَ [21:21]

O gumawa ba sila ng mga diyos mula sa lupa, na sila ay nagpapabuhay \[sa patay\]?

### الآية 21:22

> ﻿لَوْ كَانَ فِيهِمَا آلِهَةٌ إِلَّا اللَّهُ لَفَسَدَتَا ۚ فَسُبْحَانَ اللَّهِ رَبِّ الْعَرْشِ عَمَّا يَصِفُونَ [21:22]

Kung sakaling nangyaring sa mga \[langit at lupa na\] ito ay may mga diyos maliban kay Allāh, talaga sanang nagulo ang mga ito. Kaya kaluwalhatian kay Allāh, ang Panginoon ng Trono, higit sa mga inilalarawan nila.

### الآية 21:23

> ﻿لَا يُسْأَلُ عَمَّا يَفْعَلُ وَهُمْ يُسْأَلُونَ [21:23]

Hindi Siya tinatanong tungkol sa ginagawa Niya samantalang sila ay tatanungin.

### الآية 21:24

> ﻿أَمِ اتَّخَذُوا مِنْ دُونِهِ آلِهَةً ۖ قُلْ هَاتُوا بُرْهَانَكُمْ ۖ هَٰذَا ذِكْرُ مَنْ مَعِيَ وَذِكْرُ مَنْ قَبْلِي ۗ بَلْ أَكْثَرُهُمْ لَا يَعْلَمُونَ الْحَقَّ ۖ فَهُمْ مُعْرِضُونَ [21:24]

O gumawa ba sila bukod pa sa Kanya ng mga diyos? Sabihin mo: "Magbigay kayo ng patunay ninyo." Ito ay paalaala sa sinumang kasama sa akin at paalaala sa sinumang nauna sa akin. Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam sa katotohanan, kaya sila ay mga tagaayaw."

### الآية 21:25

> ﻿وَمَا أَرْسَلْنَا مِنْ قَبْلِكَ مِنْ رَسُولٍ إِلَّا نُوحِي إِلَيْهِ أَنَّهُ لَا إِلَٰهَ إِلَّا أَنَا فَاعْبُدُونِ [21:25]

Hindi Kami nagsugo noong bago mo ng anumang sugo malibang nagkasi Kami sa kanya na walang Diyos kundi Ako kaya sumamba kayo sa Akin.

### الآية 21:26

> ﻿وَقَالُوا اتَّخَذَ الرَّحْمَٰنُ وَلَدًا ۗ سُبْحَانَهُ ۚ بَلْ عِبَادٌ مُكْرَمُونَ [21:26]

Nagsabi sila: "Gumawa ang Napakamaawain ng anak." Kaluwalhatian sa Kanya; bagkus mga lingkod na pinarangalan \[sila\].

### الآية 21:27

> ﻿لَا يَسْبِقُونَهُ بِالْقَوْلِ وَهُمْ بِأَمْرِهِ يَعْمَلُونَ [21:27]

Hindi sila nakauuna sa Kanya sa pagsabi samantalang sila sa utos Niya ay gumagawa.

### الآية 21:28

> ﻿يَعْلَمُ مَا بَيْنَ أَيْدِيهِمْ وَمَا خَلْفَهُمْ وَلَا يَشْفَعُونَ إِلَّا لِمَنِ ارْتَضَىٰ وَهُمْ مِنْ خَشْيَتِهِ مُشْفِقُونَ [21:28]

Nakaaalam Siya sa anumang nasa harapan nila at anumang nasa likuran nila. Hindi sila nakapamamagitan maliban para sa sinumang kinalugdan Niya. Sila, dahil sa takot sa Kanya, ay mga nababagabag.

### الآية 21:29

> ﻿۞ وَمَنْ يَقُلْ مِنْهُمْ إِنِّي إِلَٰهٌ مِنْ دُونِهِ فَذَٰلِكَ نَجْزِيهِ جَهَنَّمَ ۚ كَذَٰلِكَ نَجْزِي الظَّالِمِينَ [21:29]

Ang sinumang nagsasabi kabilang sa kanila: "Tunay na ako ay diyos bukod pa sa Kanya," iyon ay gagantihan naman ng Impiyerno. Gayon Kami gaganti sa mga tagalabag sa katarungan.

### الآية 21:30

> ﻿أَوَلَمْ يَرَ الَّذِينَ كَفَرُوا أَنَّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ كَانَتَا رَتْقًا فَفَتَقْنَاهُمَا ۖ وَجَعَلْنَا مِنَ الْمَاءِ كُلَّ شَيْءٍ حَيٍّ ۖ أَفَلَا يُؤْمِنُونَ [21:30]

Hindi ba nakabatid ang mga tumangging sumampalataya na ang mga langit at ang lupa dati ay magkasanib, pagkadaka ay nagpawatak-watak Kami sa mga ito? Gumawa Kami mula sa tubig ng bawat bagay na buhay. Kaya hindi ba sila sasampalataya?

### الآية 21:31

> ﻿وَجَعَلْنَا فِي الْأَرْضِ رَوَاسِيَ أَنْ تَمِيدَ بِهِمْ وَجَعَلْنَا فِيهَا فِجَاجًا سُبُلًا لَعَلَّهُمْ يَهْتَدُونَ [21:31]

Gumawa Kami sa lupa ng mga matatag na bundok nang hindi gumalaw-galaw ito kasama sa kanila at naglagay Kami rito ng mga daanang maluwang bilang mga landas nang sa gayon sila ay mapatnubayan.

### الآية 21:32

> ﻿وَجَعَلْنَا السَّمَاءَ سَقْفًا مَحْفُوظًا ۖ وَهُمْ عَنْ آيَاتِهَا مُعْرِضُونَ [21:32]

Gumawa Kami ng langit bilang isang bubong na pinangangalagaan, samantalang sila, sa mga tanda nito, ay mga tagaayaw.

### الآية 21:33

> ﻿وَهُوَ الَّذِي خَلَقَ اللَّيْلَ وَالنَّهَارَ وَالشَّمْسَ وَالْقَمَرَ ۖ كُلٌّ فِي فَلَكٍ يَسْبَحُونَ [21:33]

Siya ang lumikha ng gabi at maghapon, at ng araw at buwan – lahat, sa isang ligiran, ay lumalangoy.

### الآية 21:34

> ﻿وَمَا جَعَلْنَا لِبَشَرٍ مِنْ قَبْلِكَ الْخُلْدَ ۖ أَفَإِنْ مِتَّ فَهُمُ الْخَالِدُونَ [21:34]

Hindi Kami gumawa para sa isang tao noong bago mo pa ng pananatili. Kaya kung namatay ka, sila ba ay ang mga mananatili?

### الآية 21:35

> ﻿كُلُّ نَفْسٍ ذَائِقَةُ الْمَوْتِ ۗ وَنَبْلُوكُمْ بِالشَّرِّ وَالْخَيْرِ فِتْنَةً ۖ وَإِلَيْنَا تُرْجَعُونَ [21:35]

Bawat kaluluwa ay makalalasap ng kamatayan. Susubok Kami sa inyo sa pamamagitan ng kasamaan at kabutihan bilang tukso, at sa Amin kayo magbabalik.

### الآية 21:36

> ﻿وَإِذَا رَآكَ الَّذِينَ كَفَرُوا إِنْ يَتَّخِذُونَكَ إِلَّا هُزُوًا أَهَٰذَا الَّذِي يَذْكُرُ آلِهَتَكُمْ وَهُمْ بِذِكْرِ الرَّحْمَٰنِ هُمْ كَافِرُونَ [21:36]

Kapag nakita ka ng mga tumangging sumampalataya ay wala silang ginagawa sa iyo kundi pangungutya, \[na nagsasabi\]: "Ito ba ang bumabanggit sa mga diyos ninyo?" samantalang sila, sa pagbanggit sa Pinakamaawain, sila ay mga tagatangging sumampalataya.

### الآية 21:37

> ﻿خُلِقَ الْإِنْسَانُ مِنْ عَجَلٍ ۚ سَأُرِيكُمْ آيَاتِي فَلَا تَسْتَعْجِلُونِ [21:37]

Nilikha ang tao mula sa pagmamadali. Magpapakita Ako sa inyo ng mga tanda Ko kaya huwag kayong magmadali sa Akin.

### الآية 21:38

> ﻿وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا الْوَعْدُ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ [21:38]

Nagsasabi sila: "Kailan ang pangakong ito kung kayo ay mga nagpapakatotoo?"

### الآية 21:39

> ﻿لَوْ يَعْلَمُ الَّذِينَ كَفَرُوا حِينَ لَا يَكُفُّونَ عَنْ وُجُوهِهِمُ النَّارَ وَلَا عَنْ ظُهُورِهِمْ وَلَا هُمْ يُنْصَرُونَ [21:39]

Kung sakaling nakaaalam ang mga tumangging sumampalataya kapag hindi nila napipigilan sa mga mukha nila ang apoy ni sa mga likod nila at sila ay hindi maiaadya.

### الآية 21:40

> ﻿بَلْ تَأْتِيهِمْ بَغْتَةً فَتَبْهَتُهُمْ فَلَا يَسْتَطِيعُونَ رَدَّهَا وَلَا هُمْ يُنْظَرُونَ [21:40]

Bagkus pupunta ito sa kanila nang biglaan at gugulantang ito sa kanila kaya hindi sila makakakaya sa pagtataboy nito at hindi sila palulugitan.

### الآية 21:41

> ﻿وَلَقَدِ اسْتُهْزِئَ بِرُسُلٍ مِنْ قَبْلِكَ فَحَاقَ بِالَّذِينَ سَخِرُوا مِنْهُمْ مَا كَانُوا بِهِ يَسْتَهْزِئُونَ [21:41]

Talaga ngang nangutya sa mga sugo noong wala ka pa kaya pumaligid sa mga nanuya kabilang sa kanila ang dating dahil doon ay nangungutya sila.

### الآية 21:42

> ﻿قُلْ مَنْ يَكْلَؤُكُمْ بِاللَّيْلِ وَالنَّهَارِ مِنَ الرَّحْمَٰنِ ۗ بَلْ هُمْ عَنْ ذِكْرِ رَبِّهِمْ مُعْرِضُونَ [21:42]

Sabihin mo: "Sino ang nag-iingat sa inyo sa gabi at maghapon laban sa Napakamaawain?" Bagkus sila, sa pag-aalaala sa Panginoon nila, ay mga tagaayaw.

### الآية 21:43

> ﻿أَمْ لَهُمْ آلِهَةٌ تَمْنَعُهُمْ مِنْ دُونِنَا ۚ لَا يَسْتَطِيعُونَ نَصْرَ أَنْفُسِهِمْ وَلَا هُمْ مِنَّا يُصْحَبُونَ [21:43]

O mayroon ba silang mga diyos na nagtatanggol sa kanila bukod pa sa Amin? Hindi sila nakakakaya sa pag-adya sa mga sarili nila at hindi sila laban sa Amin maipagsasanggalang.

### الآية 21:44

> ﻿بَلْ مَتَّعْنَا هَٰؤُلَاءِ وَآبَاءَهُمْ حَتَّىٰ طَالَ عَلَيْهِمُ الْعُمُرُ ۗ أَفَلَا يَرَوْنَ أَنَّا نَأْتِي الْأَرْضَ نَنْقُصُهَا مِنْ أَطْرَافِهَا ۚ أَفَهُمُ الْغَالِبُونَ [21:44]

Bagkus nagpatamasa Kami sa mga ito at sa mga magulang nila hanggang sa humaba sa kanila ang buhay. Kaya hindi ba nila nababatid na Kami ay pumupunta sa lupa, na nagbabawas rito mula sa mga gilid nito? Kaya sila ba ang mga tagapanaig?"

### الآية 21:45

> ﻿قُلْ إِنَّمَا أُنْذِرُكُمْ بِالْوَحْيِ ۚ وَلَا يَسْمَعُ الصُّمُّ الدُّعَاءَ إِذَا مَا يُنْذَرُونَ [21:45]

Sabihin mo: "Nagbibigay-babala lamang ako sa inyo sa pamamagitan ng pagkakasi." Hindi nakaririnig ang mga bingi ng panalangin kapag binigyang-babala sila."

### الآية 21:46

> ﻿وَلَئِنْ مَسَّتْهُمْ نَفْحَةٌ مِنْ عَذَابِ رَبِّكَ لَيَقُولُنَّ يَا وَيْلَنَا إِنَّا كُنَّا ظَالِمِينَ [21:46]

Talagang kung nasaling sila ng isang singaw ng pagdurusang dulot ng Panginoon mo ay talagang magsasabi sila: "O kapighatian sa amin! Tunay na kami dati ay mga tagalabag sa katarungan."

### الآية 21:47

> ﻿وَنَضَعُ الْمَوَازِينَ الْقِسْطَ لِيَوْمِ الْقِيَامَةِ فَلَا تُظْلَمُ نَفْسٌ شَيْئًا ۖ وَإِنْ كَانَ مِثْقَالَ حَبَّةٍ مِنْ خَرْدَلٍ أَتَيْنَا بِهَا ۗ وَكَفَىٰ بِنَا حَاسِبِينَ [21:47]

Maglalagay Kami ng mga timbangang makatarungan sa Araw ng Pagbangon, kaya hindi lalabag sa katarungan sa isang kaluluwa sa anuman. Kung ito man ay kasimbigat ng buto ng mustasa ay magtatanghal Kami nito. Nakasapat na Kami bilang Tagapagtuos.

### الآية 21:48

> ﻿وَلَقَدْ آتَيْنَا مُوسَىٰ وَهَارُونَ الْفُرْقَانَ وَضِيَاءً وَذِكْرًا لِلْمُتَّقِينَ [21:48]

Talaga ngang nagbigay Kami kina Moises at Aaron ng Pamantayan, isang tanglaw, at isang paalaala para sa mga tagapangilag sa pagkakasala,

### الآية 21:49

> ﻿الَّذِينَ يَخْشَوْنَ رَبَّهُمْ بِالْغَيْبِ وَهُمْ مِنَ السَّاعَةِ مُشْفِقُونَ [21:49]

na natatakot sa Panginoon nila sa lingid samantalang sila sa Huling Sandali ay mga nababagabag.

### الآية 21:50

> ﻿وَهَٰذَا ذِكْرٌ مُبَارَكٌ أَنْزَلْنَاهُ ۚ أَفَأَنْتُمْ لَهُ مُنْكِرُونَ [21:50]

Ito ay isang paalaalang pinagpala na ibinaba Namin. Kaya kayo ba rito ay mga tagapagkaila?

### الآية 21:51

> ﻿۞ وَلَقَدْ آتَيْنَا إِبْرَاهِيمَ رُشْدَهُ مِنْ قَبْلُ وَكُنَّا بِهِ عَالِمِينَ [21:51]

Talaga ngang nagbigay Kami kay Abraham ng gabay noon pa, at Kami noon sa kanya ay nakaaalam.

### الآية 21:52

> ﻿إِذْ قَالَ لِأَبِيهِ وَقَوْمِهِ مَا هَٰذِهِ التَّمَاثِيلُ الَّتِي أَنْتُمْ لَهَا عَاكِفُونَ [21:52]

\[Banggitin\] noong nagsabi siya sa ama niya at mga kababayan niya: "Ano ang mga estatwang ito na kayo sa mga ito ay mga namimintuho?"

### الآية 21:53

> ﻿قَالُوا وَجَدْنَا آبَاءَنَا لَهَا عَابِدِينَ [21:53]

Nagsabi sila: "Nakatagpo Kami sa mga magulang namin na sa mga ito ay mga tagasamba."

### الآية 21:54

> ﻿قَالَ لَقَدْ كُنْتُمْ أَنْتُمْ وَآبَاؤُكُمْ فِي ضَلَالٍ مُبِينٍ [21:54]

Nagsabi siya: "Talaga ngang nangyaring kayo at ang mga ninuno ninyo ay nasa isang pagkaligaw na malinaw."

### الآية 21:55

> ﻿قَالُوا أَجِئْتَنَا بِالْحَقِّ أَمْ أَنْتَ مِنَ اللَّاعِبِينَ [21:55]

Nagsabi sila: "Naghatid ka ba sa amin ng katotohanan o ikaw ay kabilang sa mga tagapaglaro?"

### الآية 21:56

> ﻿قَالَ بَلْ رَبُّكُمْ رَبُّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ الَّذِي فَطَرَهُنَّ وَأَنَا عَلَىٰ ذَٰلِكُمْ مِنَ الشَّاهِدِينَ [21:56]

Nagsabi siya: "Bagkus ang Panginoon ninyo ay ang Panginoon ng mga langit at lupa, na lumalang sa mga ito, at ako ayon doon ay kabilang sa mga tagasaksi.

### الآية 21:57

> ﻿وَتَاللَّهِ لَأَكِيدَنَّ أَصْنَامَكُمْ بَعْدَ أَنْ تُوَلُّوا مُدْبِرِينَ [21:57]

Sumpa man kay Allāh, talagang magpapakana nga ako laban sa mga diyus-diyusan ninyo matapos na tumalikod kayo na mga lumilisan."

### الآية 21:58

> ﻿فَجَعَلَهُمْ جُذَاذًا إِلَّا كَبِيرًا لَهُمْ لَعَلَّهُمْ إِلَيْهِ يَرْجِعُونَ [21:58]

Kaya gumawa siya sa mga ito na mga pira-piraso maliban sa malaki para sa mga ito, nang sa gayon sila dito ay babalik.

### الآية 21:59

> ﻿قَالُوا مَنْ فَعَلَ هَٰذَا بِآلِهَتِنَا إِنَّهُ لَمِنَ الظَّالِمِينَ [21:59]

Nagsabi sila: "Sino ang gumawa nito sa mga diyos natin? Tunay na siya ay talagang kabilang sa mga tagalabag sa katarungan."

### الآية 21:60

> ﻿قَالُوا سَمِعْنَا فَتًى يَذْكُرُهُمْ يُقَالُ لَهُ إِبْرَاهِيمُ [21:60]

Nagsabi sila: "Nakarinig kami ng isang binatang bumabanggit sa kanila, na tinatawag siyang Abraham."

### الآية 21:61

> ﻿قَالُوا فَأْتُوا بِهِ عَلَىٰ أَعْيُنِ النَّاسِ لَعَلَّهُمْ يَشْهَدُونَ [21:61]

Nagsabi sila: "Kaya maglahad kayo sa kanya sa mga mata ng mga tao nang sa gayon sila ay sasaksi."

### الآية 21:62

> ﻿قَالُوا أَأَنْتَ فَعَلْتَ هَٰذَا بِآلِهَتِنَا يَا إِبْرَاهِيمُ [21:62]

Nagsabi sila: "Ikaw ba ay gumawa nito sa mga diyos namin, o Abraham?"

### الآية 21:63

> ﻿قَالَ بَلْ فَعَلَهُ كَبِيرُهُمْ هَٰذَا فَاسْأَلُوهُمْ إِنْ كَانُوا يَنْطِقُونَ [21:63]

Nagsabi siya: "Bagkus ginawa iyan ng malaki nilang ito kaya magtanong kayo sa kanila kung sila ay makabibigkas."

### الآية 21:64

> ﻿فَرَجَعُوا إِلَىٰ أَنْفُسِهِمْ فَقَالُوا إِنَّكُمْ أَنْتُمُ الظَّالِمُونَ [21:64]

Kaya nanumbalik sila sa mga sarili nila at nagsabi sila: "Tunay na kayo ay ang mga tagalabag sa katarungan."

### الآية 21:65

> ﻿ثُمَّ نُكِسُوا عَلَىٰ رُءُوسِهِمْ لَقَدْ عَلِمْتَ مَا هَٰؤُلَاءِ يَنْطِقُونَ [21:65]

Pagkatapos ay bumalik sila sa katigasan ng mga ulo nila: "Talaga ngang nalaman mong ang mga ito ay hindi nakabibigkas."

### الآية 21:66

> ﻿قَالَ أَفَتَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ مَا لَا يَنْفَعُكُمْ شَيْئًا وَلَا يَضُرُّكُمْ [21:66]

Nagsabi siya: "Kaya sumasamba ba kayo bukod pa kay Allāh sa hindi nagpapakinabang sa inyo ng anuman at hindi nakapipinsala sa inyo?

### الآية 21:67

> ﻿أُفٍّ لَكُمْ وَلِمَا تَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ ۖ أَفَلَا تَعْقِلُونَ [21:67]

Kaabahan ay ukol sa inyo at ukol sa anumang sinasamba ninyo bukod kay Allāh! Kaya hindi ba kayo nakauunawa?"

### الآية 21:68

> ﻿قَالُوا حَرِّقُوهُ وَانْصُرُوا آلِهَتَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ فَاعِلِينَ [21:68]

Nagsabi sila: "Sunugin ninyo siya at iadya ninyo ang mga diyos ninyo kung kayo ay mga gagawa."

### الآية 21:69

> ﻿قُلْنَا يَا نَارُ كُونِي بَرْدًا وَسَلَامًا عَلَىٰ إِبْرَاهِيمَ [21:69]

Nagsabi Kami: "O apoy, maging kalamigan at kaligtasan ka kay Abraham."

### الآية 21:70

> ﻿وَأَرَادُوا بِهِ كَيْدًا فَجَعَلْنَاهُمُ الْأَخْسَرِينَ [21:70]

Nagnais sila sa kanya ng isang pakana ngunit gumawa Kami sa kanila bilang ang mga pinakalugi.

### الآية 21:71

> ﻿وَنَجَّيْنَاهُ وَلُوطًا إِلَى الْأَرْضِ الَّتِي بَارَكْنَا فِيهَا لِلْعَالَمِينَ [21:71]

Nagligtas Kami sa kanya at kay Lot patungo sa lupaing nagpala Kami roon para sa mga nilalang.

### الآية 21:72

> ﻿وَوَهَبْنَا لَهُ إِسْحَاقَ وَيَعْقُوبَ نَافِلَةً ۖ وَكُلًّا جَعَلْنَا صَالِحِينَ [21:72]

Nagkaloob Kami para sa kanya kina Isaac at Jacob bilang karagdagan. Bawat isa ay ginawa Naming mga maayos.

### الآية 21:73

> ﻿وَجَعَلْنَاهُمْ أَئِمَّةً يَهْدُونَ بِأَمْرِنَا وَأَوْحَيْنَا إِلَيْهِمْ فِعْلَ الْخَيْرَاتِ وَإِقَامَ الصَّلَاةِ وَإِيتَاءَ الزَّكَاةِ ۖ وَكَانُوا لَنَا عَابِدِينَ [21:73]

Gumawa Kami sa kanila bilang mga tagapanguna na pumapatnubay sa pamamagitan ng utos Namin. Nagkasi Kami sa kanila sa paggawa ng mga mabuti, pagpapanatili sa mga dasal, at pagbibigay ng zakāh. Laging sila sa Amin ay mga tagasamba.

### الآية 21:74

> ﻿وَلُوطًا آتَيْنَاهُ حُكْمًا وَعِلْمًا وَنَجَّيْنَاهُ مِنَ الْقَرْيَةِ الَّتِي كَانَتْ تَعْمَلُ الْخَبَائِثَ ۗ إِنَّهُمْ كَانُوا قَوْمَ سَوْءٍ فَاسِقِينَ [21:74]

Kay Lot ay nagbigay Kami ng paghahatol at kaalaman at nagligtas Kami sa kanya mula sa pamayanang gumagawa noon ng mga karima-rimarim. Tunay na sila ay laging mga tao ng kasagwaan, na mga suwail.

### الآية 21:75

> ﻿وَأَدْخَلْنَاهُ فِي رَحْمَتِنَا ۖ إِنَّهُ مِنَ الصَّالِحِينَ [21:75]

Nagpapasok Kami sa kanya sa awa Namin. Tunay na siya ay kabilang sa mga maayos.

### الآية 21:76

> ﻿وَنُوحًا إِذْ نَادَىٰ مِنْ قَبْلُ فَاسْتَجَبْنَا لَهُ فَنَجَّيْنَاهُ وَأَهْلَهُ مِنَ الْكَرْبِ الْعَظِيمِ [21:76]

\[Bumanggit ka\] kay Noe, noong nanawagan siya noong una kaya tumugon Kami sa kanya at nagligtas Kami sa kanya at sa mag-anak niya mula sa dalamhating sukdulan.

### الآية 21:77

> ﻿وَنَصَرْنَاهُ مِنَ الْقَوْمِ الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا ۚ إِنَّهُمْ كَانُوا قَوْمَ سَوْءٍ فَأَغْرَقْنَاهُمْ أَجْمَعِينَ [21:77]

Nag-adya Kami sa kanya mula sa mga taong nagpasinungaling sa mga tanda Namin. Tunay na sila noon ay mga tao ng kasagwaan kaya lumunod Kami sa kanila nang magkakasama.

### الآية 21:78

> ﻿وَدَاوُودَ وَسُلَيْمَانَ إِذْ يَحْكُمَانِ فِي الْحَرْثِ إِذْ نَفَشَتْ فِيهِ غَنَمُ الْقَوْمِ وَكُنَّا لِحُكْمِهِمْ شَاهِدِينَ [21:78]

\[Bumanggit ka\] kina David at Solomon noong humahatol silang dalawa kaugnay sa sakahan noong naglipana roon ang mga tupa ng mga tao \[sa gabi\] at laging Kami sa paghahatol nila ay tagasaksi.

### الآية 21:79

> ﻿فَفَهَّمْنَاهَا سُلَيْمَانَ ۚ وَكُلًّا آتَيْنَا حُكْمًا وَعِلْمًا ۚ وَسَخَّرْنَا مَعَ دَاوُودَ الْجِبَالَ يُسَبِّحْنَ وَالطَّيْرَ ۚ وَكُنَّا فَاعِلِينَ [21:79]

Nagpaintindi Kami nito kay Solomon. Sa bawat isa ay nagbigay Kami ng paghahatol at kaalaman. Pinaglingkod Namin kasama kay David ang mga bundok, na nagluluwalhati, at ang mga ibon. Kami noon ay gumagawa \[niyon\].

### الآية 21:80

> ﻿وَعَلَّمْنَاهُ صَنْعَةَ لَبُوسٍ لَكُمْ لِتُحْصِنَكُمْ مِنْ بَأْسِكُمْ ۖ فَهَلْ أَنْتُمْ شَاكِرُونَ [21:80]

Nagturo Kami sa kanya ng pagyari ng mga kutamaya para sa inyo upang magsanggalang sa inyo laban sa digmaan ninyo kaya kayo ba ay mga tagapagpasalamat?

### الآية 21:81

> ﻿وَلِسُلَيْمَانَ الرِّيحَ عَاصِفَةً تَجْرِي بِأَمْرِهِ إِلَى الْأَرْضِ الَّتِي بَارَكْنَا فِيهَا ۚ وَكُنَّا بِكُلِّ شَيْءٍ عَالِمِينَ [21:81]

\[Pinaglingkod\] kay Solomon ang hangin habang humihihip, na dumadaloy ayon sa utos niya patungo sa lupaing nagpala Kami roon. Laging Kami sa bawat bagay ay nakaaalam.

### الآية 21:82

> ﻿وَمِنَ الشَّيَاطِينِ مَنْ يَغُوصُونَ لَهُ وَيَعْمَلُونَ عَمَلًا دُونَ ذَٰلِكَ ۖ وَكُنَّا لَهُمْ حَافِظِينَ [21:82]

Mayroon sa mga demonyo na sumisisid para sa kanya at gumagawa ng gawaing iba pa roon. Kami noon sa kanila ay tagapag-ingat.

### الآية 21:83

> ﻿۞ وَأَيُّوبَ إِذْ نَادَىٰ رَبَّهُ أَنِّي مَسَّنِيَ الضُّرُّ وَأَنْتَ أَرْحَمُ الرَّاحِمِينَ [21:83]

\[Bumanggit ka\] kay Job noong nanawagan siya sa Panginoon niya: "Tunay na ako ay dinapuan ng kapinsalaan, at Ikaw ay ang pinakamaawain ng mga naaawa."

### الآية 21:84

> ﻿فَاسْتَجَبْنَا لَهُ فَكَشَفْنَا مَا بِهِ مِنْ ضُرٍّ ۖ وَآتَيْنَاهُ أَهْلَهُ وَمِثْلَهُمْ مَعَهُمْ رَحْمَةً مِنْ عِنْدِنَا وَذِكْرَىٰ لِلْعَابِدِينَ [21:84]

Kaya tumugon Kami sa kanya at pumawi Kami sa anumang taglay niyang kapinsalaan. Nagbigay Kami sa kanya ng mag-anak niya at ng tulad nila kasama nila bilang isang awa mula sa ganang Amin at bilang isang paalaala sa mga tagasamba.

### الآية 21:85

> ﻿وَإِسْمَاعِيلَ وَإِدْرِيسَ وَذَا الْكِفْلِ ۖ كُلٌّ مِنَ الصَّابِرِينَ [21:85]

\[Bumanggit ka\] kina Ismael, Enoc, at Dhulkifl. Lahat ay kabilang sa mga tagapagtiis.

### الآية 21:86

> ﻿وَأَدْخَلْنَاهُمْ فِي رَحْمَتِنَا ۖ إِنَّهُمْ مِنَ الصَّالِحِينَ [21:86]

Nagpapasok Kami sa kanila sa awa Namin. Tunay na sila ay kabilang sa mga maayos.

### الآية 21:87

> ﻿وَذَا النُّونِ إِذْ ذَهَبَ مُغَاضِبًا فَظَنَّ أَنْ لَنْ نَقْدِرَ عَلَيْهِ فَنَادَىٰ فِي الظُّلُمَاتِ أَنْ لَا إِلَٰهَ إِلَّا أَنْتَ سُبْحَانَكَ إِنِّي كُنْتُ مِنَ الظَّالِمِينَ [21:87]

\[Bumanggit ka\] sa May Isda noong umalis siya habang nagagalit at nag-akala siya na hindi Kami makakakaya sa kanya, ngunit nanawagan siya sa loob ng mga kadiliman, na \[nagsasabi\]: "Walang Diyos kundi Ikaw; kaluwalhatian sa Iyo! Tunay na ako noon ay kabilang sa mga tagalabag sa katarungan."

### الآية 21:88

> ﻿فَاسْتَجَبْنَا لَهُ وَنَجَّيْنَاهُ مِنَ الْغَمِّ ۚ وَكَذَٰلِكَ نُنْجِي الْمُؤْمِنِينَ [21:88]

Kaya tumugon Kami sa kanya at nagpaligtas Kami sa kanya mula sa hapis. Gayon Kami nagliligtas sa mga mananampalataya.

### الآية 21:89

> ﻿وَزَكَرِيَّا إِذْ نَادَىٰ رَبَّهُ رَبِّ لَا تَذَرْنِي فَرْدًا وَأَنْتَ خَيْرُ الْوَارِثِينَ [21:89]

\[Bumanggit ka\] kay Zacarias noong nanawagan siya sa Panginoon niya: "Panginoon ko, huwag Mo akong pabayaang namumukod. Ikaw ay ang pinakamabuti sa mga tagapagpamana."

### الآية 21:90

> ﻿فَاسْتَجَبْنَا لَهُ وَوَهَبْنَا لَهُ يَحْيَىٰ وَأَصْلَحْنَا لَهُ زَوْجَهُ ۚ إِنَّهُمْ كَانُوا يُسَارِعُونَ فِي الْخَيْرَاتِ وَيَدْعُونَنَا رَغَبًا وَرَهَبًا ۖ وَكَانُوا لَنَا خَاشِعِينَ [21:90]

Kaya tumugon Kami sa kanya. Ipinagkaloob Namin sa kanya si Juan at pinagaling Namin para sa kanya ang maybahay niya. Tunay na sila ay nagmamadali noon sa mga kabutihan, dumadalangin sa Amin nang may pagmimithi at pangingilabot, at laging sila sa Amin ay mga tagapagpakumbaba.

### الآية 21:91

> ﻿وَالَّتِي أَحْصَنَتْ فَرْجَهَا فَنَفَخْنَا فِيهَا مِنْ رُوحِنَا وَجَعَلْنَاهَا وَابْنَهَا آيَةً لِلْعَالَمِينَ [21:91]

\[Bumanggit ka\] sa \[babaing\] nag-ingat sa kalinisang-puri niya kaya umihip Kami sa kanya mula sa espiritu Namin at gumawa Kami sa kanya at anak niya bilang tanda para sa mga nilalang.

### الآية 21:92

> ﻿إِنَّ هَٰذِهِ أُمَّتُكُمْ أُمَّةً وَاحِدَةً وَأَنَا رَبُّكُمْ فَاعْبُدُونِ [21:92]

Tunay na itong kalipunan ninyo ay kalipunang nag-iisa at Ako ay Panginoon ninyo kaya sumamba kayo sa Akin.

### الآية 21:93

> ﻿وَتَقَطَّعُوا أَمْرَهُمْ بَيْنَهُمْ ۖ كُلٌّ إِلَيْنَا رَاجِعُونَ [21:93]

Nagkaputul-putol sila sa lagay nila sa pagitan nila. Lahat ay sa Amin mga babalik.

### الآية 21:94

> ﻿فَمَنْ يَعْمَلْ مِنَ الصَّالِحَاتِ وَهُوَ مُؤْمِنٌ فَلَا كُفْرَانَ لِسَعْيِهِ وَإِنَّا لَهُ كَاتِبُونَ [21:94]

Kaya ang sinumang gumagawa ng mga maayos habang siya ay mananampalataya, walang pagtanggi para sa pagsisikap niya at tunay na Kami rito ay magtatala.

### الآية 21:95

> ﻿وَحَرَامٌ عَلَىٰ قَرْيَةٍ أَهْلَكْنَاهَا أَنَّهُمْ لَا يَرْجِعُونَ [21:95]

May ipinagbabawal sa isang pamayanan na ipinahamak Namin, na sila ay hindi babalik

### الآية 21:96

> ﻿حَتَّىٰ إِذَا فُتِحَتْ يَأْجُوجُ وَمَأْجُوجُ وَهُمْ مِنْ كُلِّ حَدَبٍ يَنْسِلُونَ [21:96]

hanggang sa kapag binuksan ang Gog at ang Magog habang sila mula sa bawat bakulod ay magmamatulin,

### الآية 21:97

> ﻿وَاقْتَرَبَ الْوَعْدُ الْحَقُّ فَإِذَا هِيَ شَاخِصَةٌ أَبْصَارُ الَّذِينَ كَفَرُوا يَا وَيْلَنَا قَدْ كُنَّا فِي غَفْلَةٍ مِنْ هَٰذَا بَلْ كُنَّا ظَالِمِينَ [21:97]

at nalapit ang pangakong totoo ay biglang nandidilat ang mga paningin ng mga tumangging sumampalataya: "O kapighatian sa amin! Kami nga noon ay nasa isang pagkalingat mula dito; bagkus Kami noon ay mga tagalabag sa katarungan."

### الآية 21:98

> ﻿إِنَّكُمْ وَمَا تَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ حَصَبُ جَهَنَّمَ أَنْتُمْ لَهَا وَارِدُونَ [21:98]

Tunay na kayo at ang sinasamba ninyo bukod kay Allāh ay mga panggatong ng Impiyerno, na kayo ay doon mga papasok.

### الآية 21:99

> ﻿لَوْ كَانَ هَٰؤُلَاءِ آلِهَةً مَا وَرَدُوهَا ۖ وَكُلٌّ فِيهَا خَالِدُونَ [21:99]

Kung sakaling nangyaring ang mga ito ay mga diyos, hindi sana sila pumasok doon. Lahat doon ay mga mananatili.

### الآية 21:100

> ﻿لَهُمْ فِيهَا زَفِيرٌ وَهُمْ فِيهَا لَا يَسْمَعُونَ [21:100]

Ukol sa kanila roon ay singhal at sila roon ay hindi nakaririnig.

### الآية 21:101

> ﻿إِنَّ الَّذِينَ سَبَقَتْ لَهُمْ مِنَّا الْحُسْنَىٰ أُولَٰئِكَ عَنْهَا مُبْعَدُونَ [21:101]

Tunay na ang mga nauna sa kanila mula sa Amin ang pinakamaganda, ang mga iyon buhat doon ay mga inilayo.

### الآية 21:102

> ﻿لَا يَسْمَعُونَ حَسِيسَهَا ۖ وَهُمْ فِي مَا اشْتَهَتْ أَنْفُسُهُمْ خَالِدُونَ [21:102]

Hindi sila makaririnig ng huni nito samantalang sila sa ninanasa ng mga sarili nila ay mga mamamalagi.

### الآية 21:103

> ﻿لَا يَحْزُنُهُمُ الْفَزَعُ الْأَكْبَرُ وَتَتَلَقَّاهُمُ الْمَلَائِكَةُ هَٰذَا يَوْمُكُمُ الَّذِي كُنْتُمْ تُوعَدُونَ [21:103]

Hindi magpapalungkot sa kanila ang panghihilakbot na pinakamalaki at makikipagkita sa kanila ang mga anghel, \[na nagsasabi\]: "Ito ay ang Araw ninyong noon ay ipinangangako sa inyo,

### الآية 21:104

> ﻿يَوْمَ نَطْوِي السَّمَاءَ كَطَيِّ السِّجِلِّ لِلْكُتُبِ ۚ كَمَا بَدَأْنَا أَوَّلَ خَلْقٍ نُعِيدُهُ ۚ وَعْدًا عَلَيْنَا ۚ إِنَّا كُنَّا فَاعِلِينَ [21:104]

sa Araw na magbabalumbon Kami sa langit gaya ng pagbabalumbon ng pahina para sa mga talaan. Kung papaano Kaming nagpasimula ng unang paglikha ay mag-uulit Kami niyon. Isang pangakong ukol sa Amin, tunay na Kami ay laging magsasagawa.

### الآية 21:105

> ﻿وَلَقَدْ كَتَبْنَا فِي الزَّبُورِ مِنْ بَعْدِ الذِّكْرِ أَنَّ الْأَرْضَ يَرِثُهَا عِبَادِيَ الصَّالِحُونَ [21:105]

Talaga ngang nagsulat Kami sa Salmo matapos ng pagbanggit na ang lupa ay mamanahin ng mga lingkod Kong maayos.

### الآية 21:106

> ﻿إِنَّ فِي هَٰذَا لَبَلَاغًا لِقَوْمٍ عَابِدِينَ [21:106]

Tunay na sa \[Qur’ān na\] ito ay talagang may ipinaaabot para sa mga taong sumasamba.

### الآية 21:107

> ﻿وَمَا أَرْسَلْنَاكَ إِلَّا رَحْمَةً لِلْعَالَمِينَ [21:107]

Hindi Kami nagsugo sa iyo kundi bilang isang awa sa mga nilalang.

### الآية 21:108

> ﻿قُلْ إِنَّمَا يُوحَىٰ إِلَيَّ أَنَّمَا إِلَٰهُكُمْ إِلَٰهٌ وَاحِدٌ ۖ فَهَلْ أَنْتُمْ مُسْلِمُونَ [21:108]

Sabihin mo: "Ikinasi lamang sa akin na ang Diyos ninyo ay Diyos na nag-iisa lamang. Kaya kayo ba ay mga magpapasakop?"

### الآية 21:109

> ﻿فَإِنْ تَوَلَّوْا فَقُلْ آذَنْتُكُمْ عَلَىٰ سَوَاءٍ ۖ وَإِنْ أَدْرِي أَقَرِيبٌ أَمْ بَعِيدٌ مَا تُوعَدُونَ [21:109]

Ngunit kung tatalikod sila ay sabihin mo: "Nagpahayag ako sa inyo nang magkatulad at hindi ako nakaaalam kung malapit na ba o malayo pa ang ipinangangako sa inyo.

### الآية 21:110

> ﻿إِنَّهُ يَعْلَمُ الْجَهْرَ مِنَ الْقَوْلِ وَيَعْلَمُ مَا تَكْتُمُونَ [21:110]

Tunay na Siya ay nakaaalam sa lantad kabilang sa sinasabi at nakaaalam sa anumang itinatago ninyo.

### الآية 21:111

> ﻿وَإِنْ أَدْرِي لَعَلَّهُ فِتْنَةٌ لَكُمْ وَمَتَاعٌ إِلَىٰ حِينٍ [21:111]

Hindi ako nakaaalam; marahil ito ay isang tukso para sa inyo at isang pagtatamasa hanggang sa isang panahon."

### الآية 21:112

> ﻿قَالَ رَبِّ احْكُمْ بِالْحَقِّ ۗ وَرَبُّنَا الرَّحْمَٰنُ الْمُسْتَعَانُ عَلَىٰ مَا تَصِفُونَ [21:112]

Nagsabi \[ang Sugo\]: "Panginoon ko, humatol Ka ayon sa katotohanan. Ang Panginoon namin, ang Napakamaawain, ay ang Pinatutulong laban sa inilalarawan ninyo."

## روابط ذات صلة

- [النص القرآني للسورة](https://quranpedia.net/surah/1/21.md)
- [كل تفاسير سورة الأنبياء
](https://quranpedia.net/surah-tafsir/21.md)
- [ترجمات سورة الأنبياء
](https://quranpedia.net/translations/21.md)
- [صفحة الكتاب: الترجمة الفلبينية (تجالوج)](https://quranpedia.net/book/1963.md)
- [المؤلف: مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام](https://quranpedia.net/person/1738.md)

---

زُر [Quranpedia.net](https://quranpedia.net/surah/1/21/book/1963) — موسوعة القرآن الكريم: التفاسير، الترجمات، التلاوات، والمواضيع.
