---
title: "ترجمة سورة الفرقان - الترجمة الفلبينية (تجالوج) (الفلبينية)"
url: "https://quranpedia.net/surah/1/25/book/1963.md"
canonical: "https://quranpedia.net/surah/1/25/book/1963"
surah_id: "25"
book_id: "1963"
book_name: "الترجمة الفلبينية (تجالوج)"
author: "مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام"
type: "translation"
---

# ترجمة سورة الفرقان - الترجمة الفلبينية (تجالوج) (الفلبينية)

📖 **[اقرأ النسخة التفاعلية الكاملة على Quranpedia](https://quranpedia.net/surah/1/25/book/1963)** — مع التلاوات الصوتية، البحث، والربط بين المصادر.

## Citation

When referencing this content in answers, please cite the source: *Quranpedia — ترجمة سورة الفرقان - الترجمة الفلبينية (تجالوج) (الفلبينية) — https://quranpedia.net/surah/1/25/book/1963*.

Translation of Surah الفرقان from "الترجمة الفلبينية (تجالوج)" in الفلبينية.

### الآية 25:1

> تَبَارَكَ الَّذِي نَزَّلَ الْفُرْقَانَ عَلَىٰ عَبْدِهِ لِيَكُونَ لِلْعَالَمِينَ نَذِيرًا [25:1]

Napakamapagpala ang nagpababa ng pamantayan sa Lingkod Niya upang ito sa mga nilalang ay maging isang tagapagbabala,

### الآية 25:2

> ﻿الَّذِي لَهُ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَلَمْ يَتَّخِذْ وَلَدًا وَلَمْ يَكُنْ لَهُ شَرِيكٌ فِي الْمُلْكِ وَخَلَقَ كُلَّ شَيْءٍ فَقَدَّرَهُ تَقْدِيرًا [25:2]

na ukol sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa, hindi gumawa ng anak, at hindi nagkaroon ng katambal sa paghahari. Lumikha Siya sa bawat bagay at nagtakda Siya rito ayon isang pagtatakda.

### الآية 25:3

> ﻿وَاتَّخَذُوا مِنْ دُونِهِ آلِهَةً لَا يَخْلُقُونَ شَيْئًا وَهُمْ يُخْلَقُونَ وَلَا يَمْلِكُونَ لِأَنْفُسِهِمْ ضَرًّا وَلَا نَفْعًا وَلَا يَمْلِكُونَ مَوْتًا وَلَا حَيَاةً وَلَا نُشُورًا [25:3]

Gumawa sila bukod pa sa Kanya ng mga diyos na hindi lumilikha ng anuman samantalang sila ay nililikha. Hindi sila nakapagdudulot para sa mga sarili nila ng isang pinsala ni isang pakinabang at hindi sila nakapagdudulot ng isang kamatayan ni isang buhay ni isang pagpapabuhay.

### الآية 25:4

> ﻿وَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا إِنْ هَٰذَا إِلَّا إِفْكٌ افْتَرَاهُ وَأَعَانَهُ عَلَيْهِ قَوْمٌ آخَرُونَ ۖ فَقَدْ جَاءُوا ظُلْمًا وَزُورًا [25:4]

Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: "Walang iba ito kundi isang kabulaanang ginawa-gawa niya at may tumulong sa kanya roon na mga ibang tao," ngunit gumawa sila ng isang kawalang-katarungan at isang kasinungalingan.

### الآية 25:5

> ﻿وَقَالُوا أَسَاطِيرُ الْأَوَّلِينَ اكْتَتَبَهَا فَهِيَ تُمْلَىٰ عَلَيْهِ بُكْرَةً وَأَصِيلًا [25:5]

Nagsabi sila: "Mga alamat ng mga sinauna na itinala niya sapagkat ang mga ito ay idinidikta sa kanya sa umaga at hapon."

### الآية 25:6

> ﻿قُلْ أَنْزَلَهُ الَّذِي يَعْلَمُ السِّرَّ فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ إِنَّهُ كَانَ غَفُورًا رَحِيمًا [25:6]

Sabihin mo: "Nagbaba nito ang nakaaalam sa lihim sa mga langit at lupa. Tunay na Siya ay laging Mapagpatawad, Maawain."

### الآية 25:7

> ﻿وَقَالُوا مَالِ هَٰذَا الرَّسُولِ يَأْكُلُ الطَّعَامَ وَيَمْشِي فِي الْأَسْوَاقِ ۙ لَوْلَا أُنْزِلَ إِلَيْهِ مَلَكٌ فَيَكُونَ مَعَهُ نَذِيرًا [25:7]

Nagsabi sila: "Ano ang mayroon sa Sugong ito na kumakain ng pagkain at naglalakad sa mga palengke? Bakit nga ba hindi nagbaba sa kanya ng isang anghel na kasama para sa kanya ay maging isang tagapagbabala?

### الآية 25:8

> ﻿أَوْ يُلْقَىٰ إِلَيْهِ كَنْزٌ أَوْ تَكُونُ لَهُ جَنَّةٌ يَأْكُلُ مِنْهَا ۚ وَقَالَ الظَّالِمُونَ إِنْ تَتَّبِعُونَ إِلَّا رَجُلًا مَسْحُورًا [25:8]

O magpupukol sa kanya ng isang kayamanan, o magkakaroon siya ng isang hardin na kakain siya mula roon?" Nagsabi ang mga tagalabag sa katarungan: "Hindi kayo sumusunod kundi sa isang lalaking nagaway."

### الآية 25:9

> ﻿انْظُرْ كَيْفَ ضَرَبُوا لَكَ الْأَمْثَالَ فَضَلُّوا فَلَا يَسْتَطِيعُونَ سَبِيلًا [25:9]

Tumingin ka kung papaanong gumawa sila para sa iyo ng mga paghahalimbawa ngunit naligaw sila kaya hindi sila nakakakaya \[na magkaroon\] ng isang landas.

### الآية 25:10

> ﻿تَبَارَكَ الَّذِي إِنْ شَاءَ جَعَلَ لَكَ خَيْرًا مِنْ ذَٰلِكَ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ وَيَجْعَلْ لَكَ قُصُورًا [25:10]

Napakamapagpala Siya na kung niloob Niya ay gumawa Siya para sa iyo ng higit na mabuti kaysa roon: mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog, at gagawa Siya para sa iyo ng mga palasyo.

### الآية 25:11

> ﻿بَلْ كَذَّبُوا بِالسَّاعَةِ ۖ وَأَعْتَدْنَا لِمَنْ كَذَّبَ بِالسَّاعَةِ سَعِيرًا [25:11]

Bagkus nagpasinungaling sila sa Huling Sandali. Naglaan Kami para sa sinumang nagpasinungaling sa Huling Sandali ng Liyab.

### الآية 25:12

> ﻿إِذَا رَأَتْهُمْ مِنْ مَكَانٍ بَعِيدٍ سَمِعُوا لَهَا تَغَيُّظًا وَزَفِيرًا [25:12]

Kapag nakakita ito sa kanila mula sa isang pook na malayo ay makaririnig sila para rito ng pagngingitngit at pagsinghal.

### الآية 25:13

> ﻿وَإِذَا أُلْقُوا مِنْهَا مَكَانًا ضَيِّقًا مُقَرَّنِينَ دَعَوْا هُنَالِكَ ثُبُورًا [25:13]

Kapag ipinukol sila mula roon sa isang lugar na masikip habang mga nakagapos ay mananawagan sila roon ng pagkagupo.

### الآية 25:14

> ﻿لَا تَدْعُوا الْيَوْمَ ثُبُورًا وَاحِدًا وَادْعُوا ثُبُورًا كَثِيرًا [25:14]

Huwag kayong manawagan ngayong Araw ng pagkagupong nag-iisa; manawagan kayo ng pagkagupong marami.

### الآية 25:15

> ﻿قُلْ أَذَٰلِكَ خَيْرٌ أَمْ جَنَّةُ الْخُلْدِ الَّتِي وُعِدَ الْمُتَّقُونَ ۚ كَانَتْ لَهُمْ جَزَاءً وَمَصِيرًا [25:15]

Sabihin mo: "Iyon ba ay higit na mabuti o ang hardin ng kawalang-hanggan na ipinangako sa mga tagapangilag sa pagkakasala?" Itong ukol sa kanila ay magiging isang gantimpala at isang kahahantungan.

### الآية 25:16

> ﻿لَهُمْ فِيهَا مَا يَشَاءُونَ خَالِدِينَ ۚ كَانَ عَلَىٰ رَبِّكَ وَعْدًا مَسْئُولًا [25:16]

Ukol sa kanila roon ang anumang niloloob nila habang mga mamamalagi. Laging iyon sa Panginoon mo ay isang pangakong hinihingi.

### الآية 25:17

> ﻿وَيَوْمَ يَحْشُرُهُمْ وَمَا يَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ فَيَقُولُ أَأَنْتُمْ أَضْلَلْتُمْ عِبَادِي هَٰؤُلَاءِ أَمْ هُمْ ضَلُّوا السَّبِيلَ [25:17]

\[Banggitin\] ang Araw na titipunin Niya sila at ang sinasamba nila bukod pa kay Allāh kaya magsasabi Siya: "Kayo ba ay nagpaligaw sa mga lingkod Kong ito o sila ay naligaw sa landas?"

### الآية 25:18

> ﻿قَالُوا سُبْحَانَكَ مَا كَانَ يَنْبَغِي لَنَا أَنْ نَتَّخِذَ مِنْ دُونِكَ مِنْ أَوْلِيَاءَ وَلَٰكِنْ مَتَّعْتَهُمْ وَآبَاءَهُمْ حَتَّىٰ نَسُوا الذِّكْرَ وَكَانُوا قَوْمًا بُورًا [25:18]

Nagsabi sila: "Kaluwalhatian sa Iyo! Hindi noon nararapat para sa amin na gumawa Kami bukod pa sa Iyo na mga tagatangkilik, subalit nagpatamasa Ka sa kanila at mga magulang nila hanggang sa nakalimutan nila ang paalaala. Sila noon ay mga taong nasawi."

### الآية 25:19

> ﻿فَقَدْ كَذَّبُوكُمْ بِمَا تَقُولُونَ فَمَا تَسْتَطِيعُونَ صَرْفًا وَلَا نَصْرًا ۚ وَمَنْ يَظْلِمْ مِنْكُمْ نُذِقْهُ عَذَابًا كَبِيرًا [25:19]

Magpapasinungaling nga sila sa inyo sa sinasabi ninyo at hindi kayo makakakaya ng pagbaling ni ng pag-aadya. Ang sinumang lalabag sa katarungan kabilang sa inyo ay magpapatikim Kami sa kanya ng isang pagdurusang malaki.

### الآية 25:20

> ﻿وَمَا أَرْسَلْنَا قَبْلَكَ مِنَ الْمُرْسَلِينَ إِلَّا إِنَّهُمْ لَيَأْكُلُونَ الطَّعَامَ وَيَمْشُونَ فِي الْأَسْوَاقِ ۗ وَجَعَلْنَا بَعْضَكُمْ لِبَعْضٍ فِتْنَةً أَتَصْبِرُونَ ۗ وَكَانَ رَبُّكَ بَصِيرًا [25:20]

Hindi Kami nagsugo sa mga una sa iyo ng anumang mga isinugo malibang tunay na sila ay talagang kumakain ng pagkain at lumalakad sa mga palengke. Gumawa Kami sa ilan sa inyo para sa iba pa bilang isang pagsubok. Makatitiis ba kayo? Laging ang Panginoon mo ay Nakakikita.

### الآية 25:21

> ﻿۞ وَقَالَ الَّذِينَ لَا يَرْجُونَ لِقَاءَنَا لَوْلَا أُنْزِلَ عَلَيْنَا الْمَلَائِكَةُ أَوْ نَرَىٰ رَبَّنَا ۗ لَقَدِ اسْتَكْبَرُوا فِي أَنْفُسِهِمْ وَعَتَوْا عُتُوًّا كَبِيرًا [25:21]

Nagsabi ang mga hindi umaasa sa pakikipagkita sa Amin: "Bakit nga ba hindi ibinaba sa amin ang mga anghel o \[hindi\] kami nakakikita sa Panginoon namin." Talaga ngang nagmalaki sila sa mga sarili nila at nagpakalabis-labis sa isang pagpapakalabis-labis na malaki.

### الآية 25:22

> ﻿يَوْمَ يَرَوْنَ الْمَلَائِكَةَ لَا بُشْرَىٰ يَوْمَئِذٍ لِلْمُجْرِمِينَ وَيَقُولُونَ حِجْرًا مَحْجُورًا [25:22]

Sa Araw na makikita nila ang mga anghel ay walang balitang nakagagalak sa araw na iyon para sa mga salarin at magsasabi \[ang mga anghel\]: "Hadlang, hinadlangan!"

### الآية 25:23

> ﻿وَقَدِمْنَا إِلَىٰ مَا عَمِلُوا مِنْ عَمَلٍ فَجَعَلْنَاهُ هَبَاءً مَنْثُورًا [25:23]

Pupunta Kami sa anumang ginawa nila na gawain at gagawa Kami rito na alabok na ikinalat.

### الآية 25:24

> ﻿أَصْحَابُ الْجَنَّةِ يَوْمَئِذٍ خَيْرٌ مُسْتَقَرًّا وَأَحْسَنُ مَقِيلًا [25:24]

Ang mga maninirahan sa Paraiso sa Araw na iyon ay higit na mabuti sa pinagtitigilan at higit na maganda sa pinahihingahan.

### الآية 25:25

> ﻿وَيَوْمَ تَشَقَّقُ السَّمَاءُ بِالْغَمَامِ وَنُزِّلَ الْمَلَائِكَةُ تَنْزِيلًا [25:25]

\[Banggitin\] ang araw na magkakabiyak-biyak ang langit na may mga ulap at pabababain ang mga anghel sa \[maramihang\] pagpapababa.

### الآية 25:26

> ﻿الْمُلْكُ يَوْمَئِذٍ الْحَقُّ لِلرَّحْمَٰنِ ۚ وَكَانَ يَوْمًا عَلَى الْكَافِرِينَ عَسِيرًا [25:26]

Ang paghahari, sa Araw na iyon, na totoo ay ukol sa Pinakamaawain. Iyon ay magiging isang Araw na mahirap laban sa mga tagatangging sumampalataya.

### الآية 25:27

> ﻿وَيَوْمَ يَعَضُّ الظَّالِمُ عَلَىٰ يَدَيْهِ يَقُولُ يَا لَيْتَنِي اتَّخَذْتُ مَعَ الرَّسُولِ سَبِيلًا [25:27]

\[Banggitin\] ang araw na kakagat ang tagalabag sa katarungan sa mga kamay niya, na nagsasabi: "O kung sana ako ay tumahak kasama sa Sugo sa landas.

### الآية 25:28

> ﻿يَا وَيْلَتَىٰ لَيْتَنِي لَمْ أَتَّخِذْ فُلَانًا خَلِيلًا [25:28]

O kapighatian sa akin! Kung sana ako ay hindi gumawa kay Polano bilang isang matalik na kaibigan.

### الآية 25:29

> ﻿لَقَدْ أَضَلَّنِي عَنِ الذِّكْرِ بَعْدَ إِذْ جَاءَنِي ۗ وَكَانَ الشَّيْطَانُ لِلْإِنْسَانِ خَذُولًا [25:29]

Talaga ngang nagpaligaw siya sa akin palayo sa pag-alaala matapos noong dumating ito sa akin. Laging ang demonyo sa tao ay mapagkanulo."

### الآية 25:30

> ﻿وَقَالَ الرَّسُولُ يَا رَبِّ إِنَّ قَوْمِي اتَّخَذُوا هَٰذَا الْقُرْآنَ مَهْجُورًا [25:30]

Nagsabi ang Sugo: "O Panginoon ko, tunay na ang mga kababayan ko ay gumawa sa Qur’ān na ito bilang isang isinasaisang-tabi."

### الآية 25:31

> ﻿وَكَذَٰلِكَ جَعَلْنَا لِكُلِّ نَبِيٍّ عَدُوًّا مِنَ الْمُجْرِمِينَ ۗ وَكَفَىٰ بِرَبِّكَ هَادِيًا وَنَصِيرًا [25:31]

Gayon nagtalaga Kami para sa bawat propeta ng kaaway kabilang sa mga salarin. Nakasapat ang Panginoon mo bilang isang tagapagpatnubay at isang mapag-adya.

### الآية 25:32

> ﻿وَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا لَوْلَا نُزِّلَ عَلَيْهِ الْقُرْآنُ جُمْلَةً وَاحِدَةً ۚ كَذَٰلِكَ لِنُثَبِّتَ بِهِ فُؤَادَكَ ۖ وَرَتَّلْنَاهُ تَرْتِيلًا [25:32]

Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: "Bakit nga ba hindi ibinaba sa kanya ang Qur’ān nang iisang kabuuan?" Gayon nga upang magpatatag Kami sa puso mo sa pamamagitan niyon. Bumigkas Kami rito nang \[unti-unting\] pagbigkas.

### الآية 25:33

> ﻿وَلَا يَأْتُونَكَ بِمَثَلٍ إِلَّا جِئْنَاكَ بِالْحَقِّ وَأَحْسَنَ تَفْسِيرًا [25:33]

Wala silang inihahatid sa iyo na isang paghahalintulad malibang nagdala Kami sa iyo ng katotohanan at higit na maganda sa pagpapaliwanag.

### الآية 25:34

> ﻿الَّذِينَ يُحْشَرُونَ عَلَىٰ وُجُوهِهِمْ إِلَىٰ جَهَنَّمَ أُولَٰئِكَ شَرٌّ مَكَانًا وَأَضَلُّ سَبِيلًا [25:34]

Ang mga titipunin \[na nakasubsob\] sa mga mukha nila patungo sa Impiyerno, ang mga iyon ay higit na masama sa lugar at higit na ligaw sa landas.

### الآية 25:35

> ﻿وَلَقَدْ آتَيْنَا مُوسَى الْكِتَابَ وَجَعَلْنَا مَعَهُ أَخَاهُ هَارُونَ وَزِيرًا [25:35]

Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng kasulatan at gumawa Kami kasama sa kanya ng kapatid niyang si Aaron bilang isang katuwang.

### الآية 25:36

> ﻿فَقُلْنَا اذْهَبَا إِلَى الْقَوْمِ الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا فَدَمَّرْنَاهُمْ تَدْمِيرًا [25:36]

Kaya nagsabi Kami: "Pumunta kayong dalawa sa mga taong nagpasinungaling sa mga tanda Namin." Kaya winasak Namin sila nang \[lubusang\] pagwasak.

### الآية 25:37

> ﻿وَقَوْمَ نُوحٍ لَمَّا كَذَّبُوا الرُّسُلَ أَغْرَقْنَاهُمْ وَجَعَلْنَاهُمْ لِلنَّاسِ آيَةً ۖ وَأَعْتَدْنَا لِلظَّالِمِينَ عَذَابًا أَلِيمًا [25:37]

Ang mga tao ni Noe, noong nagpasinungaling sila sa mga sugo, ay nilunod Namin at ginawa Namin sila para sa mga tao bilang isang tanda. Naglaan Kami para sa mga tagalabag sa katarungan ng isang pagdurusang masakit.

### الآية 25:38

> ﻿وَعَادًا وَثَمُودَ وَأَصْحَابَ الرَّسِّ وَقُرُونًا بَيْنَ ذَٰلِكَ كَثِيرًا [25:38]

\[Nagpahamak Kami\] sa `Ād, Thamūd, mga kasama ng balon, at sa maraming salinlahi sa pagitan niyon.

### الآية 25:39

> ﻿وَكُلًّا ضَرَبْنَا لَهُ الْأَمْثَالَ ۖ وَكُلًّا تَبَّرْنَا تَتْبِيرًا [25:39]

Sa bawat isa ay gumawa Kami ng mga paghahalimbawa at sa bawat isa ay dumurog Kami nang \[lubos na\] pagdurog.

### الآية 25:40

> ﻿وَلَقَدْ أَتَوْا عَلَى الْقَرْيَةِ الَّتِي أُمْطِرَتْ مَطَرَ السَّوْءِ ۚ أَفَلَمْ يَكُونُوا يَرَوْنَهَا ۚ بَلْ كَانُوا لَا يَرْجُونَ نُشُورًا [25:40]

Talaga ngang pumunta sila sa pamayanan na pinaulanan ng ulan ng kasagwaan. Kaya hindi ba dati sila nakakikita niyon? Bagkus sila dati ay hindi nag-aasam sa pagbubuhay.

### الآية 25:41

> ﻿وَإِذَا رَأَوْكَ إِنْ يَتَّخِذُونَكَ إِلَّا هُزُوًا أَهَٰذَا الَّذِي بَعَثَ اللَّهُ رَسُولًا [25:41]

Kapag nakakita sila sa iyo, wala silang ginagawa sa iyo kundi pangungutya, \[na nagsasabi\]: "Ito ba ang ipinadala ni Allāh bilang isang sugo?

### الآية 25:42

> ﻿إِنْ كَادَ لَيُضِلُّنَا عَنْ آلِهَتِنَا لَوْلَا أَنْ صَبَرْنَا عَلَيْهَا ۚ وَسَوْفَ يَعْلَمُونَ حِينَ يَرَوْنَ الْعَذَابَ مَنْ أَضَلُّ سَبِيلًا [25:42]

Tunay na halos talagang magpapaligaw siya sa atin palayo sa mga diyos natin kung hindi dahil nagtiis tayo sa mga ito." Malalaman nila kapag nakikita na nila ang pagdurusa kung sino ang higit na ligaw sa landas.

### الآية 25:43

> ﻿أَرَأَيْتَ مَنِ اتَّخَذَ إِلَٰهَهُ هَوَاهُ أَفَأَنْتَ تَكُونُ عَلَيْهِ وَكِيلًا [25:43]

Nakita mo ba ang ginawa niyang diyos niya ay ang pithaya niya? Kaya ikaw ba sa kanya ay magiging isang katiwala?

### الآية 25:44

> ﻿أَمْ تَحْسَبُ أَنَّ أَكْثَرَهُمْ يَسْمَعُونَ أَوْ يَعْقِلُونَ ۚ إِنْ هُمْ إِلَّا كَالْأَنْعَامِ ۖ بَلْ هُمْ أَضَلُّ سَبِيلًا [25:44]

O nag-aakala ka na ang higit na marami sa kanila ay dumidinig o umuunawa? Walang iba sila kundi gaya ng mga hayupan, bagkus sila ay higit na ligaw sa landas.

### الآية 25:45

> ﻿أَلَمْ تَرَ إِلَىٰ رَبِّكَ كَيْفَ مَدَّ الظِّلَّ وَلَوْ شَاءَ لَجَعَلَهُ سَاكِنًا ثُمَّ جَعَلْنَا الشَّمْسَ عَلَيْهِ دَلِيلًا [25:45]

Hindi ka ba nagsaalang-alang sa Panginoon mo kung papaano Siya bumanat ng anino? Kung sakaling niloob Niya ay talaga sanang ginawa Niya ito na nakatigil. Pagkatapos ay ginawa ang araw bilang isang pahiwatig dito.

### الآية 25:46

> ﻿ثُمَّ قَبَضْنَاهُ إِلَيْنَا قَبْضًا يَسِيرًا [25:46]

Pagkatapos ay humawak Kami rito patungo sa Amin nang isang madaliang paghawak.

### الآية 25:47

> ﻿وَهُوَ الَّذِي جَعَلَ لَكُمُ اللَّيْلَ لِبَاسًا وَالنَّوْمَ سُبَاتًا وَجَعَلَ النَّهَارَ نُشُورًا [25:47]

Siya ang gumawa para sa inyo ng gabi bilang kasuutan at ng pagtulog bilang pamamahinga, at gumawa ng maghapon bilang pagbuhay.

### الآية 25:48

> ﻿وَهُوَ الَّذِي أَرْسَلَ الرِّيَاحَ بُشْرًا بَيْنَ يَدَيْ رَحْمَتِهِ ۚ وَأَنْزَلْنَا مِنَ السَّمَاءِ مَاءً طَهُورًا [25:48]

Siya ang nagsugo ng mga hangin bilang balitang nakagagalak bago ng awa Niya. Nagbaba mula sa langit ng tubig na naipandadalisay

### الآية 25:49

> ﻿لِنُحْيِيَ بِهِ بَلْدَةً مَيْتًا وَنُسْقِيَهُ مِمَّا خَلَقْنَا أَنْعَامًا وَأَنَاسِيَّ كَثِيرًا [25:49]

upang magbigay-buhay Kami sa pamamagitan niyon sa isang bayang patay at magpainom Kami niyon sa kabilang sa nilikha Namin na maraming hayupan at tao.

### الآية 25:50

> ﻿وَلَقَدْ صَرَّفْنَاهُ بَيْنَهُمْ لِيَذَّكَّرُوا فَأَبَىٰ أَكْثَرُ النَّاسِ إِلَّا كُفُورًا [25:50]

Talaga ngang nagsarisari Kami nito sa pagitan nila upang mapaalalahanan sila ngunit tumutol ang higit na marami sa mga tao \[sa anuman\] maliban sa kawalang-pasasalamat.

### الآية 25:51

> ﻿وَلَوْ شِئْنَا لَبَعَثْنَا فِي كُلِّ قَرْيَةٍ نَذِيرًا [25:51]

Kung sakaling niloob Namin ay talaga sanang nagpadala Kami sa bawat pamayanan ng isang tagapagbabala.

### الآية 25:52

> ﻿فَلَا تُطِعِ الْكَافِرِينَ وَجَاهِدْهُمْ بِهِ جِهَادًا كَبِيرًا [25:52]

Kaya huwag kang tumalima sa mga tagatangging sumampalataya at makibaka ka sa kanila nang pakikibakang malaki.

### الآية 25:53

> ﻿۞ وَهُوَ الَّذِي مَرَجَ الْبَحْرَيْنِ هَٰذَا عَذْبٌ فُرَاتٌ وَهَٰذَا مِلْحٌ أُجَاجٌ وَجَعَلَ بَيْنَهُمَا بَرْزَخًا وَحِجْرًا مَحْجُورًا [25:53]

Siya ang nagpadikit sa dalawang dagat: itong isa ay naiinom na matamis at itong isa pa ay maalat na mapait. Naglagay Siya sa pagitan ng dalawang ito ng isang harang at isang hadlang na inihadlang.

### الآية 25:54

> ﻿وَهُوَ الَّذِي خَلَقَ مِنَ الْمَاءِ بَشَرًا فَجَعَلَهُ نَسَبًا وَصِهْرًا ۗ وَكَانَ رَبُّكَ قَدِيرًا [25:54]

Siya ang lumikha mula sa tubig ng isang tao at gumawa rito ng kamag-anakan sa angkan at kamag-anak sa pag-aasawa. Laging ang Panginoon mo ay May-kakayahan.

### الآية 25:55

> ﻿وَيَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ مَا لَا يَنْفَعُهُمْ وَلَا يَضُرُّهُمْ ۗ وَكَانَ الْكَافِرُ عَلَىٰ رَبِّهِ ظَهِيرًا [25:55]

Sumasamba sila bukod pa kay Allāh sa hindi nakapagpapakinabang sa kanila at hindi nakapipinsala sa kanila. Laging ang tagatangging sumampalataya ay laban sa Panginoon niya, tagapagtaguyod \[ng demonyo\].

### الآية 25:56

> ﻿وَمَا أَرْسَلْنَاكَ إِلَّا مُبَشِّرًا وَنَذِيرًا [25:56]

Hindi Kami nagsugo sa iyo kundi bilang isang tagapagbalita ng nakagagalak at isang tagapagbabala.

### الآية 25:57

> ﻿قُلْ مَا أَسْأَلُكُمْ عَلَيْهِ مِنْ أَجْرٍ إِلَّا مَنْ شَاءَ أَنْ يَتَّخِذَ إِلَىٰ رَبِّهِ سَبِيلًا [25:57]

Sabihin mo: "Hindi ako nanghihingi sa inyo para rito ng anumang pabuya – maliban sa sinumang lumuob na gumawa patungo sa Panginoon niya ng isang landas."

### الآية 25:58

> ﻿وَتَوَكَّلْ عَلَى الْحَيِّ الَّذِي لَا يَمُوتُ وَسَبِّحْ بِحَمْدِهِ ۚ وَكَفَىٰ بِهِ بِذُنُوبِ عِبَادِهِ خَبِيرًا [25:58]

Manalig ka sa Buhay na hindi namamatay at magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Kanya. Nakasapat Siya sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niya bilang isang nakababatid.

### الآية 25:59

> ﻿الَّذِي خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ وَمَا بَيْنَهُمَا فِي سِتَّةِ أَيَّامٍ ثُمَّ اسْتَوَىٰ عَلَى الْعَرْشِ ۚ الرَّحْمَٰنُ فَاسْأَلْ بِهِ خَبِيرًا [25:59]

\[Siya\] ang lumikha sa mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito sa anim na araw, pagkatapos ay lumuklok Siya sa Trono. \[Siya\] ang Napakamaawain, kaya humiling ka sa Kanya bilang isang nakababatid.

### الآية 25:60

> ﻿وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ اسْجُدُوا لِلرَّحْمَٰنِ قَالُوا وَمَا الرَّحْمَٰنُ أَنَسْجُدُ لِمَا تَأْمُرُنَا وَزَادَهُمْ نُفُورًا ۩ [25:60]

Kapag sinabi sa kanila: "Magpatirapa kayo sa Napakamaawain," nagsasabi sila: "Ano ang Napakamaawain? Magpapatirapa ba kami sa ipinag-uutos mo sa amin?" Nakadagdag ito sa kanila ng pag-ayaw.

### الآية 25:61

> ﻿تَبَارَكَ الَّذِي جَعَلَ فِي السَّمَاءِ بُرُوجًا وَجَعَلَ فِيهَا سِرَاجًا وَقَمَرًا مُنِيرًا [25:61]

Napakamapagpala ang gumawa sa langit ng mga pulutong ng bituin at gumawa roon ng sulo at isang buwang tagabigay-liwanag.

### الآية 25:62

> ﻿وَهُوَ الَّذِي جَعَلَ اللَّيْلَ وَالنَّهَارَ خِلْفَةً لِمَنْ أَرَادَ أَنْ يَذَّكَّرَ أَوْ أَرَادَ شُكُورًا [25:62]

Siya ang gumawa sa gabi at maghapon na magkasalitan para sa sinumang nagnais na makapag-alaala o nagnais ng pasasalamat.

### الآية 25:63

> ﻿وَعِبَادُ الرَّحْمَٰنِ الَّذِينَ يَمْشُونَ عَلَى الْأَرْضِ هَوْنًا وَإِذَا خَاطَبَهُمُ الْجَاهِلُونَ قَالُوا سَلَامًا [25:63]

Ang mga lingkod ng Napakamaawain ay ang mga naglalakad sa lupa sa kahinahunan at kapag kumausap sa kanila ang mga mangmang ay nagsasabi sila ng kapayapaan.

### الآية 25:64

> ﻿وَالَّذِينَ يَبِيتُونَ لِرَبِّهِمْ سُجَّدًا وَقِيَامًا [25:64]

\[Sila\] ang mga nagpapagabi para sa Panginoon nila habang mga nakapatirapa at mga nakatayo.

### الآية 25:65

> ﻿وَالَّذِينَ يَقُولُونَ رَبَّنَا اصْرِفْ عَنَّا عَذَابَ جَهَنَّمَ ۖ إِنَّ عَذَابَهَا كَانَ غَرَامًا [25:65]

\[Sila\] ang mga nagsasabi: "Panginoon namin, magbaling Ka palayo sa amin ng pagdurusa sa Impiyerno; tunay na ang pagdurusa roon ay laging makapit.

### الآية 25:66

> ﻿إِنَّهَا سَاءَتْ مُسْتَقَرًّا وَمُقَامًا [25:66]

Tunay na sumagwa iyon bilang isang pinagtitigilan at isang pinananatilihan."

### الآية 25:67

> ﻿وَالَّذِينَ إِذَا أَنْفَقُوا لَمْ يُسْرِفُوا وَلَمْ يَقْتُرُوا وَكَانَ بَيْنَ ذَٰلِكَ قَوَامًا [25:67]

\[Sila\] ang mga kapag gumugol ay hindi nagsasayang at hindi sila nagkukuripot, at laging nasa pagitan niyon ay katamtaman.

### الآية 25:68

> ﻿وَالَّذِينَ لَا يَدْعُونَ مَعَ اللَّهِ إِلَٰهًا آخَرَ وَلَا يَقْتُلُونَ النَّفْسَ الَّتِي حَرَّمَ اللَّهُ إِلَّا بِالْحَقِّ وَلَا يَزْنُونَ ۚ وَمَنْ يَفْعَلْ ذَٰلِكَ يَلْقَ أَثَامًا [25:68]

\[Sila\] ang mga hindi dumadalangin kasama kay Allāh sa iba pang diyos, hindi pumapatay ng taong ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa karapatan, at hindi nangangalunya. Ang sinumang gumawa niyon ay makatatagpo siya ng parusa sa kasalanan:

### الآية 25:69

> ﻿يُضَاعَفْ لَهُ الْعَذَابُ يَوْمَ الْقِيَامَةِ وَيَخْلُدْ فِيهِ مُهَانًا [25:69]

pag-iibayuhin sa kanya ang pagdurusa sa Araw ng Pagkabuhay at mamalagi siya roon na hinahamak,

### الآية 25:70

> ﻿إِلَّا مَنْ تَابَ وَآمَنَ وَعَمِلَ عَمَلًا صَالِحًا فَأُولَٰئِكَ يُبَدِّلُ اللَّهُ سَيِّئَاتِهِمْ حَسَنَاتٍ ۗ وَكَانَ اللَّهُ غَفُورًا رَحِيمًا [25:70]

maliban sa sinumang nagbalik-loob, sumampalataya, at gumawa ng gawang maayos sapagkat ang mga iyon ay papalitan ni Allāh ng mga gawang maganda ang mga gawang masagwa nila. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.

### الآية 25:71

> ﻿وَمَنْ تَابَ وَعَمِلَ صَالِحًا فَإِنَّهُ يَتُوبُ إِلَى اللَّهِ مَتَابًا [25:71]

Ang sinumang nagbalik-loob at gumawa ng maayos, tunay na siya ay nagbabalik-loob kay Allāh nang \[tanggap na\] pagbabalik-loob.

### الآية 25:72

> ﻿وَالَّذِينَ لَا يَشْهَدُونَ الزُّورَ وَإِذَا مَرُّوا بِاللَّغْوِ مَرُّوا كِرَامًا [25:72]

\[Sila\] ang mga hindi sumasaksi sa kabulaanan, at kapag naparaan sila sa kabalbalan ay dumaraan sila bilang mga marangal.

### الآية 25:73

> ﻿وَالَّذِينَ إِذَا ذُكِّرُوا بِآيَاتِ رَبِّهِمْ لَمْ يَخِرُّوا عَلَيْهَا صُمًّا وَعُمْيَانًا [25:73]

\[Sila\] ang mga kapag pinaalalahanan ng mga tanda ng Panginoon nila ay hindi sumusubsob sa mga ito bilang mga bingi at mga bulag.

### الآية 25:74

> ﻿وَالَّذِينَ يَقُولُونَ رَبَّنَا هَبْ لَنَا مِنْ أَزْوَاجِنَا وَذُرِّيَّاتِنَا قُرَّةَ أَعْيُنٍ وَاجْعَلْنَا لِلْمُتَّقِينَ إِمَامًا [25:74]

\[Sila\] ang mga nagsasabi: "Panginoon namin, magkaloob Ka sa amin mula sa mga asawa namin at mga supling namin ng galak ng mga mata, at gumawa Ka sa amin para sa mga tagapangilag sa pagkasasala bilang tagapanguna."

### الآية 25:75

> ﻿أُولَٰئِكَ يُجْزَوْنَ الْغُرْفَةَ بِمَا صَبَرُوا وَيُلَقَّوْنَ فِيهَا تَحِيَّةً وَسَلَامًا [25:75]

Ang mga iyon ay gagantihan ng Silid dahil nagtiis sila, at gagawaran doon ng pagbati at kapayapaan

### الآية 25:76

> ﻿خَالِدِينَ فِيهَا ۚ حَسُنَتْ مُسْتَقَرًّا وَمُقَامًا [25:76]

bilang mga mananatili roon. Gumanda iyon bilang isang pinagtitigilan at isang pinananatilihan.

### الآية 25:77

> ﻿قُلْ مَا يَعْبَأُ بِكُمْ رَبِّي لَوْلَا دُعَاؤُكُمْ ۖ فَقَدْ كَذَّبْتُمْ فَسَوْفَ يَكُونُ لِزَامًا [25:77]

Sabihin mo: "Hindi nagmamalasakit sa inyo ang Panginoon ko kung hindi dahil sa panalangin ninyo, ngunit nagpasinungaling kayo kaya ito ay magiging kumakapit."

## روابط ذات صلة

- [النص القرآني للسورة](https://quranpedia.net/surah/1/25.md)
- [كل تفاسير سورة الفرقان
](https://quranpedia.net/surah-tafsir/25.md)
- [ترجمات سورة الفرقان
](https://quranpedia.net/translations/25.md)
- [صفحة الكتاب: الترجمة الفلبينية (تجالوج)](https://quranpedia.net/book/1963.md)
- [المؤلف: مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام](https://quranpedia.net/person/1738.md)

---

زُر [Quranpedia.net](https://quranpedia.net/surah/1/25/book/1963) — موسوعة القرآن الكريم: التفاسير، الترجمات، التلاوات، والمواضيع.
