---
title: "ترجمة سورة ق - الترجمة الفلبينية (تجالوج) (الفلبينية)"
url: "https://quranpedia.net/surah/1/50/book/1963.md"
canonical: "https://quranpedia.net/surah/1/50/book/1963"
surah_id: "50"
book_id: "1963"
book_name: "الترجمة الفلبينية (تجالوج)"
author: "مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام"
type: "translation"
---

# ترجمة سورة ق - الترجمة الفلبينية (تجالوج) (الفلبينية)

📖 **[اقرأ النسخة التفاعلية الكاملة على Quranpedia](https://quranpedia.net/surah/1/50/book/1963)** — مع التلاوات الصوتية، البحث، والربط بين المصادر.

## Citation

When referencing this content in answers, please cite the source: *Quranpedia — ترجمة سورة ق - الترجمة الفلبينية (تجالوج) (الفلبينية) — https://quranpedia.net/surah/1/50/book/1963*.

Translation of Surah ق from "الترجمة الفلبينية (تجالوج)" in الفلبينية.

### الآية 50:1

> ق ۚ وَالْقُرْآنِ الْمَجِيدِ [50:1]

Qāf. Sumpa man sa Qur’ān na maringal.

### الآية 50:2

> ﻿بَلْ عَجِبُوا أَنْ جَاءَهُمْ مُنْذِرٌ مِنْهُمْ فَقَالَ الْكَافِرُونَ هَٰذَا شَيْءٌ عَجِيبٌ [50:2]

Bagkus nagtaka sila na dumating sa kanila ang isang tagapagbabala kabilang sa kanila, kaya nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya: "Ito ay isang bagay na kataka-taka.

### الآية 50:3

> ﻿أَإِذَا مِتْنَا وَكُنَّا تُرَابًا ۖ ذَٰلِكَ رَجْعٌ بَعِيدٌ [50:3]

\[Bubuhayin kami\] kapag namatay ba kami at kami ay naging alabok? Iyon ay isang pagpapanumbalik na malayo \[nang mangyari\].

### الآية 50:4

> ﻿قَدْ عَلِمْنَا مَا تَنْقُصُ الْأَرْضُ مِنْهُمْ ۖ وَعِنْدَنَا كِتَابٌ حَفِيظٌ [50:4]

Alam nga Namin ang ibinabawas ng lupa mula sa kanila. May taglay Kaming aklat na iniingatan.

### الآية 50:5

> ﻿بَلْ كَذَّبُوا بِالْحَقِّ لَمَّا جَاءَهُمْ فَهُمْ فِي أَمْرٍ مَرِيجٍ [50:5]

Bagkus nagpasinungaling sila sa katotohanan noong dumating ito sa kanila, kaya naman sila ay nasa kalagayang natutuliro.

### الآية 50:6

> ﻿أَفَلَمْ يَنْظُرُوا إِلَى السَّمَاءِ فَوْقَهُمْ كَيْفَ بَنَيْنَاهَا وَزَيَّنَّاهَا وَمَا لَهَا مِنْ فُرُوجٍ [50:6]

Kaya hindi ba sila tumingin sa langit sa ibabaw nila kung papaanong nagpatayo Kami nito at gumayak Kami nito, at walang taglay ito na anumang mga bitak.

### الآية 50:7

> ﻿وَالْأَرْضَ مَدَدْنَاهَا وَأَلْقَيْنَا فِيهَا رَوَاسِيَ وَأَنْبَتْنَا فِيهَا مِنْ كُلِّ زَوْجٍ بَهِيجٍ [50:7]

Ang lupa, bumanat Kami nito, naglapat Kami rito ng mga matibay na bundok, at nagpatubo Kami rito ng bawat bagay na balanse,

### الآية 50:8

> ﻿تَبْصِرَةً وَذِكْرَىٰ لِكُلِّ عَبْدٍ مُنِيبٍ [50:8]

bilang pagpapakita at paalaala para sa bawat lingkod na nagsisisi.

### الآية 50:9

> ﻿وَنَزَّلْنَا مِنَ السَّمَاءِ مَاءً مُبَارَكًا فَأَنْبَتْنَا بِهِ جَنَّاتٍ وَحَبَّ الْحَصِيدِ [50:9]

At nagpababa Kami mula sa langit ng tubig na biniyayaan, at nagpatubo Kami sa pamamagitan niyon ng mga hardin at mga butil na inaani,

### الآية 50:10

> ﻿وَالنَّخْلَ بَاسِقَاتٍ لَهَا طَلْعٌ نَضِيدٌ [50:10]

at mga puno ng datiles, na mga pumapaitaas na may bunga na patung-patong,

### الآية 50:11

> ﻿رِزْقًا لِلْعِبَادِ ۖ وَأَحْيَيْنَا بِهِ بَلْدَةً مَيْتًا ۚ كَذَٰلِكَ الْخُرُوجُ [50:11]

bilang panustos para sa mga lingkod. Bumuhay Kami sa pamamagitan nito ng isang lupaing patay. Gayon din ang paglabas \[ng buhay\].

### الآية 50:12

> ﻿كَذَّبَتْ قَبْلَهُمْ قَوْمُ نُوحٍ وَأَصْحَابُ الرَّسِّ وَثَمُودُ [50:12]

Nagpasinungaling bago nila ang mga kababayan ni Noe, ang mga kasamahan ng Rass, ang \[mga kalipi ng\] Thamud,

### الآية 50:13

> ﻿وَعَادٌ وَفِرْعَوْنُ وَإِخْوَانُ لُوطٍ [50:13]

ang \[mga kalipi ng\] `Ād, si Paraon, at ang mga kapatid ni Lot,

### الآية 50:14

> ﻿وَأَصْحَابُ الْأَيْكَةِ وَقَوْمُ تُبَّعٍ ۚ كُلٌّ كَذَّبَ الرُّسُلَ فَحَقَّ وَعِيدِ [50:14]

ang mga naninirahan sa kasukalan, at ang mga kalipi ni Tubba`. Bawat \[isa\] ay nagpasinungaling sa mga sugo kaya nagindapat ang banta Ko.

### الآية 50:15

> ﻿أَفَعَيِينَا بِالْخَلْقِ الْأَوَّلِ ۚ بَلْ هُمْ فِي لَبْسٍ مِنْ خَلْقٍ جَدِيدٍ [50:15]

Kaya nangalupaypay ba Kami sa unang paglikha? Bagkus sila ay nasa pagkalito paglikhang bago.

### الآية 50:16

> ﻿وَلَقَدْ خَلَقْنَا الْإِنْسَانَ وَنَعْلَمُ مَا تُوَسْوِسُ بِهِ نَفْسُهُ ۖ وَنَحْنُ أَقْرَبُ إِلَيْهِ مِنْ حَبْلِ الْوَرِيدِ [50:16]

Talaga ngang lumikha Kami sa tao at nakaaalam Kami sa ibinubulong sa kanya ng sarili niya. Kami ay higit na malapit sa kanya kaysa sa ugat ng leeg.

### الآية 50:17

> ﻿إِذْ يَتَلَقَّى الْمُتَلَقِّيَانِ عَنِ الْيَمِينِ وَعَنِ الشِّمَالِ قَعِيدٌ [50:17]

\[Banggitin\] kapag tumatanggap ang dalawang \[anghel na\] tagatanggap sa gawing kanan at sa gawing kaliwa habang nakaupo.

### الآية 50:18

> ﻿مَا يَلْفِظُ مِنْ قَوْلٍ إِلَّا لَدَيْهِ رَقِيبٌ عَتِيدٌ [50:18]

Wala siyang binibigkas na anumang pagkakasabi malibang sa tabi niya ay may isang mapagmasid na nakalaang \[magtala\].

### الآية 50:19

> ﻿وَجَاءَتْ سَكْرَةُ الْمَوْتِ بِالْحَقِّ ۖ ذَٰلِكَ مَا كُنْتَ مِنْهُ تَحِيدُ [50:19]

Darating ang hapdi ng kamatayan dala ang katotohanan; iyon ang dati mong tinatakasan.

### الآية 50:20

> ﻿وَنُفِخَ فِي الصُّورِ ۚ ذَٰلِكَ يَوْمُ الْوَعِيدِ [50:20]

At iihip sa tambuli, iyon ang Araw ng Pagbabanta.

### الآية 50:21

> ﻿وَجَاءَتْ كُلُّ نَفْسٍ مَعَهَا سَائِقٌ وَشَهِيدٌ [50:21]

Darating ang bawat kaluluwa na may kasama itong isang tagaakay at isang saksi.

### الآية 50:22

> ﻿لَقَدْ كُنْتَ فِي غَفْلَةٍ مِنْ هَٰذَا فَكَشَفْنَا عَنْكَ غِطَاءَكَ فَبَصَرُكَ الْيَوْمَ حَدِيدٌ [50:22]

\[Sasabihin\]: "Talaga ngang ikaw noon ay nasa pagkalingat dito, kaya humawi Kami sa iyo ng lambong mo kaya ang paningin mo ngayong araw ay matalas."

### الآية 50:23

> ﻿وَقَالَ قَرِينُهُ هَٰذَا مَا لَدَيَّ عَتِيدٌ [50:23]

Magsasabi ang \[anghel na\] kaugnay niya: "Ito, ang taglay ko, ay nakalaan."

### الآية 50:24

> ﻿أَلْقِيَا فِي جَهَنَّمَ كُلَّ كَفَّارٍ عَنِيدٍ [50:24]

\[Sasabihin sa dalawang anghel\]: "Magtapon kayong dalawa sa Impiyerno ng bawat palatanggi na mapagmatigas,

### الآية 50:25

> ﻿مَنَّاعٍ لِلْخَيْرِ مُعْتَدٍ مُرِيبٍ [50:25]

pakakait ng kabutihan, tagamalabis, tagaalinlangan,

### الآية 50:26

> ﻿الَّذِي جَعَلَ مَعَ اللَّهِ إِلَٰهًا آخَرَ فَأَلْقِيَاهُ فِي الْعَذَابِ الشَّدِيدِ [50:26]

na gumawa kasama kay Allāh ng ibang diyos. Kaya itapon ninyong dalawa siya sa pagdurusang matindi."

### الآية 50:27

> ﻿۞ قَالَ قَرِينُهُ رَبَّنَا مَا أَطْغَيْتُهُ وَلَٰكِنْ كَانَ فِي ضَلَالٍ بَعِيدٍ [50:27]

Magsasabi ang \[demonyong\] kaugnay niya: "Panginoon namin, hindi ko siya pinagmalabis, subalit siya noon ay nasa pagkaligaw na malayo."

### الآية 50:28

> ﻿قَالَ لَا تَخْتَصِمُوا لَدَيَّ وَقَدْ قَدَّمْتُ إِلَيْكُمْ بِالْوَعِيدِ [50:28]

Magsasabi Siya: "Huwag kayong magkaalitan sa piling Ko at nagpauna na Ako para sa inyo ng banta.

### الآية 50:29

> ﻿مَا يُبَدَّلُ الْقَوْلُ لَدَيَّ وَمَا أَنَا بِظَلَّامٍ لِلْعَبِيدِ [50:29]

Hindi napapalitan ang sabi sa piling Ko at Ako ay hindi palalabag sa katarungan sa mga alipin."

### الآية 50:30

> ﻿يَوْمَ نَقُولُ لِجَهَنَّمَ هَلِ امْتَلَأْتِ وَتَقُولُ هَلْ مِنْ مَزِيدٍ [50:30]

Sa Araw na magsasabi Kami sa Impiyerno: "Napuno ka ba?" at magsasabi ito: "May dagdag pa ba?"

### الآية 50:31

> ﻿وَأُزْلِفَتِ الْجَنَّةُ لِلْمُتَّقِينَ غَيْرَ بَعِيدٍ [50:31]

Palalapitin ang Paraiso sa mga tagapangilag magkasala nang hindi malayo.

### الآية 50:32

> ﻿هَٰذَا مَا تُوعَدُونَ لِكُلِّ أَوَّابٍ حَفِيظٍ [50:32]

Ito ay ang ipinangangako sa inyo: para sa bawat palabalik, mapag-ingat,

### الآية 50:33

> ﻿مَنْ خَشِيَ الرَّحْمَٰنَ بِالْغَيْبِ وَجَاءَ بِقَلْبٍ مُنِيبٍ [50:33]

na sinumang natatakot sa Napakamaawain nang lingid at dumating na may pusong nagbabalik.

### الآية 50:34

> ﻿ادْخُلُوهَا بِسَلَامٍ ۖ ذَٰلِكَ يَوْمُ الْخُلُودِ [50:34]

Pumasok kayo rito sa kapayapaan. Iyon ay ang Araw ng Pamamalagi.

### الآية 50:35

> ﻿لَهُمْ مَا يَشَاءُونَ فِيهَا وَلَدَيْنَا مَزِيدٌ [50:35]

Ukol sa kanila ang niloloob nila sa loob nito at mayroon pa Kaming dagdag.

### الآية 50:36

> ﻿وَكَمْ أَهْلَكْنَا قَبْلَهُمْ مِنْ قَرْنٍ هُمْ أَشَدُّ مِنْهُمْ بَطْشًا فَنَقَّبُوا فِي الْبِلَادِ هَلْ مِنْ مَحِيصٍ [50:36]

Kay rami ng pinasawi Namin bago nila na salinlahi na higit na matindi kaysa sa kanila sa bangis, at nagpagala-gala sila sa lupain. May mapupuslitan ba?

### الآية 50:37

> ﻿إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَذِكْرَىٰ لِمَنْ كَانَ لَهُ قَلْبٌ أَوْ أَلْقَى السَّمْعَ وَهُوَ شَهِيدٌ [50:37]

Tunay na sa gayon ay talagang may isang paalaala para sa sinumang may puso at nag-ukol ng pakikinig habang siya ay saksi.

### الآية 50:38

> ﻿وَلَقَدْ خَلَقْنَا السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ وَمَا بَيْنَهُمَا فِي سِتَّةِ أَيَّامٍ وَمَا مَسَّنَا مِنْ لُغُوبٍ [50:38]

Talaga ngang lumikha Kami ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito sa anim na araw at walang sumaling sa Amin na anumang kapagalan.

### الآية 50:39

> ﻿فَاصْبِرْ عَلَىٰ مَا يَقُولُونَ وَسَبِّحْ بِحَمْدِ رَبِّكَ قَبْلَ طُلُوعِ الشَّمْسِ وَقَبْلَ الْغُرُوبِ [50:39]

Kaya magtiis ka sa sinasabi nila at magluwalhati ka kasabay ng pagpupuri sa Panginoon mo bago ng pagsikat ng araw at bago ng paglubog,

### الآية 50:40

> ﻿وَمِنَ اللَّيْلِ فَسَبِّحْهُ وَأَدْبَارَ السُّجُودِ [50:40]

at sa bahagi ng gabi ay magluwalhati ka sa Kanya at sa mga katapusan ng pagpapatirapa.

### الآية 50:41

> ﻿وَاسْتَمِعْ يَوْمَ يُنَادِ الْمُنَادِ مِنْ مَكَانٍ قَرِيبٍ [50:41]

Makinig ka sa Araw na mananawagan ang tagapanawagan mula sa isang lugar na malapit,

### الآية 50:42

> ﻿يَوْمَ يَسْمَعُونَ الصَّيْحَةَ بِالْحَقِّ ۚ ذَٰلِكَ يَوْمُ الْخُرُوجِ [50:42]

sa Araw na maririnig nila ang Sigaw sa katotohanan. Iyon ay ang Araw ng Paglabas.

### الآية 50:43

> ﻿إِنَّا نَحْنُ نُحْيِي وَنُمِيتُ وَإِلَيْنَا الْمَصِيرُ [50:43]

Tunay na Kami ay nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan. Tungo sa Amin ang kahahantungan,

### الآية 50:44

> ﻿يَوْمَ تَشَقَّقُ الْأَرْضُ عَنْهُمْ سِرَاعًا ۚ ذَٰلِكَ حَشْرٌ عَلَيْنَا يَسِيرٌ [50:44]

sa araw na magkakabiyak-biyak ang lupa buhat sa kanila sa pagmamadali. Iyon ay isang pagtitipon na sa Amin ay madali.

### الآية 50:45

> ﻿نَحْنُ أَعْلَمُ بِمَا يَقُولُونَ ۖ وَمَا أَنْتَ عَلَيْهِمْ بِجَبَّارٍ ۖ فَذَكِّرْ بِالْقُرْآنِ مَنْ يَخَافُ وَعِيدِ [50:45]

Kami ay higit na nakaaalam sa anumang sinasabi nila. Ikaw sa kanila ay hindi isang palasiil, kaya magpaalaala ka sa pamamagitan ng Qur’ān sa sinumang nangangamba sa banta Ko.

## روابط ذات صلة

- [النص القرآني للسورة](https://quranpedia.net/surah/1/50.md)
- [كل تفاسير سورة ق
](https://quranpedia.net/surah-tafsir/50.md)
- [ترجمات سورة ق
](https://quranpedia.net/translations/50.md)
- [صفحة الكتاب: الترجمة الفلبينية (تجالوج)](https://quranpedia.net/book/1963.md)
- [المؤلف: مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام](https://quranpedia.net/person/1738.md)

---

زُر [Quranpedia.net](https://quranpedia.net/surah/1/50/book/1963) — موسوعة القرآن الكريم: التفاسير، الترجمات، التلاوات، والمواضيع.
