---
title: "ترجمة سورة النجم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) (الفلبينية)"
url: "https://quranpedia.net/surah/1/53/book/1963.md"
canonical: "https://quranpedia.net/surah/1/53/book/1963"
surah_id: "53"
book_id: "1963"
book_name: "الترجمة الفلبينية (تجالوج)"
author: "مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام"
type: "translation"
---

# ترجمة سورة النجم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) (الفلبينية)

📖 **[اقرأ النسخة التفاعلية الكاملة على Quranpedia](https://quranpedia.net/surah/1/53/book/1963)** — مع التلاوات الصوتية، البحث، والربط بين المصادر.

## Citation

When referencing this content in answers, please cite the source: *Quranpedia — ترجمة سورة النجم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) (الفلبينية) — https://quranpedia.net/surah/1/53/book/1963*.

Translation of Surah النجم from "الترجمة الفلبينية (تجالوج)" in الفلبينية.

### الآية 53:1

> وَالنَّجْمِ إِذَا هَوَىٰ [53:1]

Sumpa man sa bituin kapag naglaho ito,

### الآية 53:2

> ﻿مَا ضَلَّ صَاحِبُكُمْ وَمَا غَوَىٰ [53:2]

Hindi naligaw ang kasamahan ninyo at hindi siya nalisya.

### الآية 53:3

> ﻿وَمَا يَنْطِقُ عَنِ الْهَوَىٰ [53:3]

At hindi siya bumibigkas ayon sa pithaya.

### الآية 53:4

> ﻿إِنْ هُوَ إِلَّا وَحْيٌ يُوحَىٰ [53:4]

Walang iba ito kundi isang kasi na ikinakasi sa kanya.

### الآية 53:5

> ﻿عَلَّمَهُ شَدِيدُ الْقُوَىٰ [53:5]

Nagturo sa kanya ang \[anghel na\] matindi ang lakas,

### الآية 53:6

> ﻿ذُو مِرَّةٍ فَاسْتَوَىٰ [53:6]

na may kapangyarihan, at saka lumitaw sa tunay na anyo,

### الآية 53:7

> ﻿وَهُوَ بِالْأُفُقِ الْأَعْلَىٰ [53:7]

habang ito ay nasa \[bahagi ng\] abot-tanaw na pinakamataas.

### الآية 53:8

> ﻿ثُمَّ دَنَا فَتَدَلَّىٰ [53:8]

Pagkatapos ay lumapit ito at saka nagpakalapit-lapit ito.

### الآية 53:9

> ﻿فَكَانَ قَابَ قَوْسَيْنِ أَوْ أَدْنَىٰ [53:9]

Kaya ito ay naging nasa layong dalawang pana o higit na malapit.

### الآية 53:10

> ﻿فَأَوْحَىٰ إِلَىٰ عَبْدِهِ مَا أَوْحَىٰ [53:10]

Kaya nagkasi ito sa lingkod Niya ng ikinasi Niya.

### الآية 53:11

> ﻿مَا كَذَبَ الْفُؤَادُ مَا رَأَىٰ [53:11]

Hindi nagsinungaling ang puso \[ng Propeta\] sa nakita niya.

### الآية 53:12

> ﻿أَفَتُمَارُونَهُ عَلَىٰ مَا يَرَىٰ [53:12]

Kaya makikipangatwiran ba kayo sa kanya sa nakikita niya?

### الآية 53:13

> ﻿وَلَقَدْ رَآهُ نَزْلَةً أُخْرَىٰ [53:13]

At talaga ngang nakita niya ito sa isa pang pagkababa,

### الآية 53:14

> ﻿عِنْدَ سِدْرَةِ الْمُنْتَهَىٰ [53:14]

sa tabi ng punong Sidrah ng pinagwawakasan,

### الآية 53:15

> ﻿عِنْدَهَا جَنَّةُ الْمَأْوَىٰ [53:15]

sa tabi nito ang paraiso ng kanlungan,

### الآية 53:16

> ﻿إِذْ يَغْشَى السِّدْرَةَ مَا يَغْشَىٰ [53:16]

noong bumabalot sa punong Sidrah ang bumabalot.

### الآية 53:17

> ﻿مَا زَاغَ الْبَصَرُ وَمَا طَغَىٰ [53:17]

Hindi luminga ang paningin \[ng Propeta\] at hindi ito lumampas.

### الآية 53:18

> ﻿لَقَدْ رَأَىٰ مِنْ آيَاتِ رَبِّهِ الْكُبْرَىٰ [53:18]

Talaga ngang may nakita siya mula sa mga pinakamalaking tanda ng Panginoon Niya.

### الآية 53:19

> ﻿أَفَرَأَيْتُمُ اللَّاتَ وَالْعُزَّىٰ [53:19]

Kaya nagsaalang-alang ba kayo kina Allāt at Al`uzzā,

### الآية 53:20

> ﻿وَمَنَاةَ الثَّالِثَةَ الْأُخْرَىٰ [53:20]

at kay Manah, ang ikatlong iba pa?

### الآية 53:21

> ﻿أَلَكُمُ الذَّكَرُ وَلَهُ الْأُنْثَىٰ [53:21]

Ukol ba sa inyo ang lalaki at ukol sa Kanya ang babae?

### الآية 53:22

> ﻿تِلْكَ إِذًا قِسْمَةٌ ضِيزَىٰ [53:22]

Iyon, sa makatuwid, ay isang paghahating baluktot.

### الآية 53:23

> ﻿إِنْ هِيَ إِلَّا أَسْمَاءٌ سَمَّيْتُمُوهَا أَنْتُمْ وَآبَاؤُكُمْ مَا أَنْزَلَ اللَّهُ بِهَا مِنْ سُلْطَانٍ ۚ إِنْ يَتَّبِعُونَ إِلَّا الظَّنَّ وَمَا تَهْوَى الْأَنْفُسُ ۖ وَلَقَدْ جَاءَهُمْ مِنْ رَبِّهِمُ الْهُدَىٰ [53:23]

Walang iba ang mga \[diyus-diyusang\] ito kundi mga pangalang ipinangalan ninyo mismo at ng mga ninuno ninyo. Hindi nagbaba si Allāh sa mga ito ng anumang katunayan. Wala silang sinusunod kundi ang pagpapalagay at ang pinipithaya ng mga sarili. Talaga ngang dumating sa kanila mula sa Panginoon nila ang patnubay.

### الآية 53:24

> ﻿أَمْ لِلْإِنْسَانِ مَا تَمَنَّىٰ [53:24]

O ukol ba sa tao ang minithi niya?

### الآية 53:25

> ﻿فَلِلَّهِ الْآخِرَةُ وَالْأُولَىٰ [53:25]

Ngunit sa kay Allāh ang huling buhay at ang unang buhay.

### الآية 53:26

> ﻿۞ وَكَمْ مِنْ مَلَكٍ فِي السَّمَاوَاتِ لَا تُغْنِي شَفَاعَتُهُمْ شَيْئًا إِلَّا مِنْ بَعْدِ أَنْ يَأْذَنَ اللَّهُ لِمَنْ يَشَاءُ وَيَرْضَىٰ [53:26]

Kay rami ng anghel sa mga langit na hindi nakapagdudulot ang pamamagitan nila ng anuman maliban noong matapos na magpahintulot si Allāh sa sinumang niloloob Niya at kinalulugdan Niya.

### الآية 53:27

> ﻿إِنَّ الَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِالْآخِرَةِ لَيُسَمُّونَ الْمَلَائِكَةَ تَسْمِيَةَ الْأُنْثَىٰ [53:27]

Tunay na ang mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay ay talagang nagpapangalan sa mga anghel ng pagpapangalan sa babae.

### الآية 53:28

> ﻿وَمَا لَهُمْ بِهِ مِنْ عِلْمٍ ۖ إِنْ يَتَّبِعُونَ إِلَّا الظَّنَّ ۖ وَإِنَّ الظَّنَّ لَا يُغْنِي مِنَ الْحَقِّ شَيْئًا [53:28]

Walang ukol sa kanila dahil dito na anumang kaalaman. Wala silang sinusunod kundi ang pagpapalagay. Tunay na ang pagpapalagay ay hindi nakapagdudulot kapalit ng katotohanan ng anuman.

### الآية 53:29

> ﻿فَأَعْرِضْ عَنْ مَنْ تَوَلَّىٰ عَنْ ذِكْرِنَا وَلَمْ يُرِدْ إِلَّا الْحَيَاةَ الدُّنْيَا [53:29]

Kaya umayaw ka sa tumalikod sa pag-alaala sa Amin at walang ninais kundi ang buhay na pangmundo.

### الآية 53:30

> ﻿ذَٰلِكَ مَبْلَغُهُمْ مِنَ الْعِلْمِ ۚ إِنَّ رَبَّكَ هُوَ أَعْلَمُ بِمَنْ ضَلَّ عَنْ سَبِيلِهِ وَهُوَ أَعْلَمُ بِمَنِ اهْتَدَىٰ [53:30]

Iyon ay ang inaabot nila sa kaalaman. Tunay na ang Panginoon mo ay higit na nakaaalam sa sinumang naligaw palayo sa landas Niya at Siya ay higit na nakaaalam sa sinumang napatnubayan.

### الآية 53:31

> ﻿وَلِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ لِيَجْزِيَ الَّذِينَ أَسَاءُوا بِمَا عَمِلُوا وَيَجْزِيَ الَّذِينَ أَحْسَنُوا بِالْحُسْنَى [53:31]

At sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa upang gumanti Siya sa mga gumawa ng masagwa ng \[parusa sa\] ginawa nila at gumanti Siya sa mga gumawa ng maganda ng pinakamaganda.

### الآية 53:32

> ﻿الَّذِينَ يَجْتَنِبُونَ كَبَائِرَ الْإِثْمِ وَالْفَوَاحِشَ إِلَّا اللَّمَمَ ۚ إِنَّ رَبَّكَ وَاسِعُ الْمَغْفِرَةِ ۚ هُوَ أَعْلَمُ بِكُمْ إِذْ أَنْشَأَكُمْ مِنَ الْأَرْضِ وَإِذْ أَنْتُمْ أَجِنَّةٌ فِي بُطُونِ أُمَّهَاتِكُمْ ۖ فَلَا تُزَكُّوا أَنْفُسَكُمْ ۖ هُوَ أَعْلَمُ بِمَنِ اتَّقَىٰ [53:32]

Ang mga umiiwas sa mga malaki sa kasalanan at mga mahalay maliban sa mga kasalanang maliit, tunay na ang Panginoon mo ay malawak ang pagpapatawad. Siya ay higit na nakaaalam sa inyo noong nagpaluwal Siya sa inyo mula sa lupa at noong kayo ay mga bilig sa mga sinapupunan ng mga ina ninyo. Kaya huwag kayong magmalinis ng mga sarili ninyo; Siya ay higit na nakaaalam sa sinumang nangilag magkasala.

### الآية 53:33

> ﻿أَفَرَأَيْتَ الَّذِي تَوَلَّىٰ [53:33]

Kaya nakita mo ba ang tumalikod \[sa Islām\],

### الآية 53:34

> ﻿وَأَعْطَىٰ قَلِيلًا وَأَكْدَىٰ [53:34]

at nagbibigay ng kaunti at nagmaramot?

### الآية 53:35

> ﻿أَعِنْدَهُ عِلْمُ الْغَيْبِ فَهُوَ يَرَىٰ [53:35]

Taglay ba niya ang kaalaman sa Lingid kaya siya ay nakakikita?

### الآية 53:36

> ﻿أَمْ لَمْ يُنَبَّأْ بِمَا فِي صُحُفِ مُوسَىٰ [53:36]

O hindi siya binalitaan hinggil sa nasa mga kalatas ni Moises,

### الآية 53:37

> ﻿وَإِبْرَاهِيمَ الَّذِي وَفَّىٰ [53:37]

at ni Abraham na tumupad,

### الآية 53:38

> ﻿أَلَّا تَزِرُ وَازِرَةٌ وِزْرَ أُخْرَىٰ [53:38]

na hindi papasanin ng isang tagapasan ang pasanin ng iba,

### الآية 53:39

> ﻿وَأَنْ لَيْسَ لِلْإِنْسَانِ إِلَّا مَا سَعَىٰ [53:39]

na walang ukol sa tao kundi ang pinagpunyagian niya,

### الآية 53:40

> ﻿وَأَنَّ سَعْيَهُ سَوْفَ يُرَىٰ [53:40]

at na ang pagpupunyagi niya ay makikita.

### الآية 53:41

> ﻿ثُمَّ يُجْزَاهُ الْجَزَاءَ الْأَوْفَىٰ [53:41]

Pagkatapos ay gagantihan siya ng ganting pinakasapat.

### الآية 53:42

> ﻿وَأَنَّ إِلَىٰ رَبِّكَ الْمُنْتَهَىٰ [53:42]

At na tungo sa Panginoon mo ang pinagwawakasan.

### الآية 53:43

> ﻿وَأَنَّهُ هُوَ أَضْحَكَ وَأَبْكَىٰ [53:43]

at na Siya ay nagpatawa at nagpaiyak.

### الآية 53:44

> ﻿وَأَنَّهُ هُوَ أَمَاتَ وَأَحْيَا [53:44]

At na Siya ay nagbigay-kamatayan at nagbibigay-buhay.

### الآية 53:45

> ﻿وَأَنَّهُ خَلَقَ الزَّوْجَيْنِ الذَّكَرَ وَالْأُنْثَىٰ [53:45]

At na Siya ay lumikha sa magkapares: ang lalaki at ang babae,

### الآية 53:46

> ﻿مِنْ نُطْفَةٍ إِذَا تُمْنَىٰ [53:46]

mula sa patak kapag ibinuhos ito.

### الآية 53:47

> ﻿وَأَنَّ عَلَيْهِ النَّشْأَةَ الْأُخْرَىٰ [53:47]

At na bahala Siya sa iba pang pagpapaluwal.

### الآية 53:48

> ﻿وَأَنَّهُ هُوَ أَغْنَىٰ وَأَقْنَىٰ [53:48]

At na Siya ay nagpayaman at nagpasiya.

### الآية 53:49

> ﻿وَأَنَّهُ هُوَ رَبُّ الشِّعْرَىٰ [53:49]

At na Siya ay ang Panginoon ng \[bituing\] Sirius.

### الآية 53:50

> ﻿وَأَنَّهُ أَهْلَكَ عَادًا الْأُولَىٰ [53:50]

At na Siya ay nagpasawi sa \[liping\] `Ād na sinauna

### الآية 53:51

> ﻿وَثَمُودَ فَمَا أَبْقَىٰ [53:51]

at \[liping\] Thamūd, at hindi Siya nagtira.

### الآية 53:52

> ﻿وَقَوْمَ نُوحٍ مِنْ قَبْلُ ۖ إِنَّهُمْ كَانُوا هُمْ أَظْلَمَ وَأَطْغَىٰ [53:52]

At ang mga kababayan ni Noe noong bago niyon, tunay na sila noon ay higit na tagalabag sa katarungan at higit na tagapagmalabis.

### الآية 53:53

> ﻿وَالْمُؤْتَفِكَةَ أَهْوَىٰ [53:53]

At ang itinaob \[na mga lungsod\] ay nagpalagpak Siya,

### الآية 53:54

> ﻿فَغَشَّاهَا مَا غَشَّىٰ [53:54]

kaya bumalot Siya sa mga ito ng ibinalot Niya.

### الآية 53:55

> ﻿فَبِأَيِّ آلَاءِ رَبِّكَ تَتَمَارَىٰ [53:55]

Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon mo mag-aalinlangan ka?

### الآية 53:56

> ﻿هَٰذَا نَذِيرٌ مِنَ النُّذُرِ الْأُولَىٰ [53:56]

\[Ang Sugong\] ito ay isang tagapagbabala kabilang sa mga tagapagbabalang sinauna.

### الآية 53:57

> ﻿أَزِفَتِ الْآزِفَةُ [53:57]

Nalapit ang Papalapit.

### الآية 53:58

> ﻿لَيْسَ لَهَا مِنْ دُونِ اللَّهِ كَاشِفَةٌ [53:58]

Walang ukol dito, bukod pa kay Allāh, na isang tagahawi.

### الآية 53:59

> ﻿أَفَمِنْ هَٰذَا الْحَدِيثِ تَعْجَبُونَ [53:59]

Kaya sa salaysay na ito ba ay nagtataka kayo?

### الآية 53:60

> ﻿وَتَضْحَكُونَ وَلَا تَبْكُونَ [53:60]

At tumatawa kayo at hindi kayo umiiyak,

### الآية 53:61

> ﻿وَأَنْتُمْ سَامِدُونَ [53:61]

at habang kayo ay mga nagsasaya.

### الآية 53:62

> ﻿فَاسْجُدُوا لِلَّهِ وَاعْبُدُوا ۩ [53:62]

Kaya magpatirapa kayo kay Allāh at sumamba kayo.

## روابط ذات صلة

- [النص القرآني للسورة](https://quranpedia.net/surah/1/53.md)
- [كل تفاسير سورة النجم
](https://quranpedia.net/surah-tafsir/53.md)
- [ترجمات سورة النجم
](https://quranpedia.net/translations/53.md)
- [صفحة الكتاب: الترجمة الفلبينية (تجالوج)](https://quranpedia.net/book/1963.md)
- [المؤلف: مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام](https://quranpedia.net/person/1738.md)

---

زُر [Quranpedia.net](https://quranpedia.net/surah/1/53/book/1963) — موسوعة القرآن الكريم: التفاسير، الترجمات، التلاوات، والمواضيع.
