---
title: "ترجمة سورة الصف - الترجمة الفلبينية (تجالوج) (الفلبينية)"
url: "https://quranpedia.net/surah/1/61/book/1963.md"
canonical: "https://quranpedia.net/surah/1/61/book/1963"
surah_id: "61"
book_id: "1963"
book_name: "الترجمة الفلبينية (تجالوج)"
author: "مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام"
type: "translation"
---

# ترجمة سورة الصف - الترجمة الفلبينية (تجالوج) (الفلبينية)

📖 **[اقرأ النسخة التفاعلية الكاملة على Quranpedia](https://quranpedia.net/surah/1/61/book/1963)** — مع التلاوات الصوتية، البحث، والربط بين المصادر.

## Citation

When referencing this content in answers, please cite the source: *Quranpedia — ترجمة سورة الصف - الترجمة الفلبينية (تجالوج) (الفلبينية) — https://quranpedia.net/surah/1/61/book/1963*.

Translation of Surah الصف from "الترجمة الفلبينية (تجالوج)" in الفلبينية.

### الآية 61:1

> سَبَّحَ لِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۖ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ [61:1]

Nagluwalhati kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.

### الآية 61:2

> ﻿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لِمَ تَقُولُونَ مَا لَا تَفْعَلُونَ [61:2]

O mga sumampalataya, bakit kayo nagsasabi ng hindi ninyo ginagawa?

### الآية 61:3

> ﻿كَبُرَ مَقْتًا عِنْدَ اللَّهِ أَنْ تَقُولُوا مَا لَا تَفْعَلُونَ [61:3]

Lumaki sa pagkamuhi sa ganang kay Allāh na magsabi kayo ng hindi ninyo ginagawa.

### الآية 61:4

> ﻿إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ الَّذِينَ يُقَاتِلُونَ فِي سَبِيلِهِ صَفًّا كَأَنَّهُمْ بُنْيَانٌ مَرْصُوصٌ [61:4]

Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nakikipaglaban sa landas Niya sa isang hanay na para bang sila ay isang gusaling pinasiksik.

### الآية 61:5

> ﻿وَإِذْ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوْمِهِ يَا قَوْمِ لِمَ تُؤْذُونَنِي وَقَدْ تَعْلَمُونَ أَنِّي رَسُولُ اللَّهِ إِلَيْكُمْ ۖ فَلَمَّا زَاغُوا أَزَاغَ اللَّهُ قُلُوبَهُمْ ۚ وَاللَّهُ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الْفَاسِقِينَ [61:5]

\[Banggitin\] noong nagsabi si Moises sa mga kalipi niya: "O mga kalipi ko, bakit kayo nananakit sa akin samantalang nalalaman na ninyo na ako ay Sugo ni Allāh sa inyo?" Kaya noong lumihis sila ay nagpalihis si Allāh sa mga puso nila. Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong suwail.

### الآية 61:6

> ﻿وَإِذْ قَالَ عِيسَى ابْنُ مَرْيَمَ يَا بَنِي إِسْرَائِيلَ إِنِّي رَسُولُ اللَّهِ إِلَيْكُمْ مُصَدِّقًا لِمَا بَيْنَ يَدَيَّ مِنَ التَّوْرَاةِ وَمُبَشِّرًا بِرَسُولٍ يَأْتِي مِنْ بَعْدِي اسْمُهُ أَحْمَدُ ۖ فَلَمَّا جَاءَهُمْ بِالْبَيِّنَاتِ قَالُوا هَٰذَا سِحْرٌ مُبِينٌ [61:6]

\[Banggitin\] noong nagsabi si Hesus na anak ni Maria: "O mga anak ni Israel, tunay na ako ay sugo ni Allāh sa inyo bilang isang nagpapatotoo sa nauna sa akin mula sa Torah at bilang isang tagabalita ng nakagagalak hinggil sa isang Sugo na darating matapos ko, na ang pangalan niya ay Aḥmad." Ngunit noong nagdala siya sa kanila ng mga malinaw na patunay ay nagsabi sila: "Ito ay isang panggagaway na malinaw."

### الآية 61:7

> ﻿وَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنِ افْتَرَىٰ عَلَى اللَّهِ الْكَذِبَ وَهُوَ يُدْعَىٰ إِلَى الْإِسْلَامِ ۚ وَاللَّهُ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الظَّالِمِينَ [61:7]

At sino ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng kasinungalingan samantalang ito ay inaanyayahan sa Islām. Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan.

### الآية 61:8

> ﻿يُرِيدُونَ لِيُطْفِئُوا نُورَ اللَّهِ بِأَفْوَاهِهِمْ وَاللَّهُ مُتِمُّ نُورِهِ وَلَوْ كَرِهَ الْكَافِرُونَ [61:8]

Nagnanais sila na umapula sa liwanag ni Allāh sa pamamagitan ng mga bibig nila samantalang si Allāh ay maglulubos sa liwanag Niya, kahit pa man masuklam ang mga tagatangging sumampalataya.

### الآية 61:9

> ﻿هُوَ الَّذِي أَرْسَلَ رَسُولَهُ بِالْهُدَىٰ وَدِينِ الْحَقِّ لِيُظْهِرَهُ عَلَى الدِّينِ كُلِّهِ وَلَوْ كَرِهَ الْمُشْرِكُونَ [61:9]

Siya ay ang nagsugo sa Sugo Niya dala ang patnubay at ang relihiyon ng katotohanan upang pangibabawin Niya ito sa relihiyon sa kabuuan nito, kahit pa man nasuklam ang mga tagatambal.

### الآية 61:10

> ﻿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا هَلْ أَدُلُّكُمْ عَلَىٰ تِجَارَةٍ تُنْجِيكُمْ مِنْ عَذَابٍ أَلِيمٍ [61:10]

O mga sumampalataya, magtuturo ba Ako sa inyo sa isang pangangalakal na magliligtas sa inyo mula sa isang pagdurusang masakit?

### الآية 61:11

> ﻿تُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ وَتُجَاهِدُونَ فِي سَبِيلِ اللَّهِ بِأَمْوَالِكُمْ وَأَنْفُسِكُمْ ۚ ذَٰلِكُمْ خَيْرٌ لَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ تَعْلَمُونَ [61:11]

Sasampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya at makikibaka kayo sa landas ni Allāh sa pamamagitan ng mga yaman ninyo at mga sarili ninyo - iyon ay higit na mabuti para sa inyo kung nangyaring kayo ay nakaaalam -

### الآية 61:12

> ﻿يَغْفِرْ لَكُمْ ذُنُوبَكُمْ وَيُدْخِلْكُمْ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ وَمَسَاكِنَ طَيِّبَةً فِي جَنَّاتِ عَدْنٍ ۚ ذَٰلِكَ الْفَوْزُ الْعَظِيمُ [61:12]

magpapatawad Siya sa inyo sa mga pagkakasala ninyo at magpapapasok Siya sa inyo sa mga Hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog at sa mga tahanang kaaya-aya sa mga Hardin ng Eden. Iyon ay ang pagwawaging sukdulan.

### الآية 61:13

> ﻿وَأُخْرَىٰ تُحِبُّونَهَا ۖ نَصْرٌ مِنَ اللَّهِ وَفَتْحٌ قَرِيبٌ ۗ وَبَشِّرِ الْمُؤْمِنِينَ [61:13]

At may iba pang maiibigan ninyo: isang pag-aadya mula kay Allāh at isang pagsakop na malapit. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga mananampalataya.

### الآية 61:14

> ﻿يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا كُونُوا أَنْصَارَ اللَّهِ كَمَا قَالَ عِيسَى ابْنُ مَرْيَمَ لِلْحَوَارِيِّينَ مَنْ أَنْصَارِي إِلَى اللَّهِ ۖ قَالَ الْحَوَارِيُّونَ نَحْنُ أَنْصَارُ اللَّهِ ۖ فَآمَنَتْ طَائِفَةٌ مِنْ بَنِي إِسْرَائِيلَ وَكَفَرَتْ طَائِفَةٌ ۖ فَأَيَّدْنَا الَّذِينَ آمَنُوا عَلَىٰ عَدُوِّهِمْ فَأَصْبَحُوا ظَاهِرِينَ [61:14]

O mga sumampalataya, maging mga tagaadya ni Allāh kayo gaya ng sinabi ni Hesus na anak ni Maria sa mga disipulo niya: "Sino ang mga tagaadya ko kay Allāh?" Nagsabi ang mga disipulo: "Kami ay ang mga tagaadya ni Allāh." Kaya may sumampalataya na isang pangkat mula sa mga anak ni Israel at may tumangging sumampalataya na isang pangkat. Kaya umalalay Kami sa mga sumampalataya laban sa kaaway nila, kaya sila ay naging mga tagapangibabaw.

## روابط ذات صلة

- [النص القرآني للسورة](https://quranpedia.net/surah/1/61.md)
- [كل تفاسير سورة الصف
](https://quranpedia.net/surah-tafsir/61.md)
- [ترجمات سورة الصف
](https://quranpedia.net/translations/61.md)
- [صفحة الكتاب: الترجمة الفلبينية (تجالوج)](https://quranpedia.net/book/1963.md)
- [المؤلف: مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام](https://quranpedia.net/person/1738.md)

---

زُر [Quranpedia.net](https://quranpedia.net/surah/1/61/book/1963) — موسوعة القرآن الكريم: التفاسير، الترجمات، التلاوات، والمواضيع.
