Naghahabilin sa inyo si Allāh hinggil sa mga anak ninyo na ukol sa lalaki ay katumbas ng bahagi ng dalawang babae. Ngunit kung sila ay mga babaing higit sa dalawa, ukol sa kanila ay dalawang katlo ng naiwan niya; at kung ito ay nag-iisang babae, ukol dito ay kalahati. Ukol sa dalawang magulang niya, ukol sa bawat isa sa kanilang dalawa ay ang ikaanim mula sa naiwan niya kung nagkaroon siya ng isang anak. Ngunit kung hindi siya nagkaroon ng anak at nagmana sa kanya ang dalawang magulang niya, ukol sa ina niya ang ikatlo. Ngunit kung nagkaroon siya ng mga kapatid, ukol sa ina niya ang ikaanim noong matapos [kaltasan] ng isang habiling ihinahabilin niya o ng [pambayad sa] isang utang. Ang mga magulang ninyo at ang mga anak ninyo ay hindi kayo nakababatid kung alin sa kanila ang higit na malapit para sa inyo sa pakinabang. [Ang paghahating ito ay] isang tungkulin mula kay Allāh. Tunay na si Allāh ay laging Maalam, Marunong.


الصفحة التالية
Icon