Gaya ng ginawa Namin sa kanila kabilang sa nabanggit Namin na mga kataka-taka sa kakayahan Namin, ginising Namin sila matapos ng yugtong matagal upang magtanong ang isa't isa sa kanila tungkol sa yugto na namalagi silang mga natutulog. Kaya sumagot ang iba sa kanila: "Namalagi tayong mga tulog nang isang araw o isang bahagi ng araw." Sumagot naman ang iba pa sa kanila kabilang sa hindi nahayag sa kanila ang yugto ng pamamalagi nila habang mga natutulog: "Ang Panginoon ninyo ay higit na nakaaalam sa yugto ng pamamalagi ninyo habang mga natutulog, kaya ipaubaya ninyo sa Kanya ang kaalaman niyon at magpakaabala kayo sa nakatutulong sa inyo. Magsugo kayo ng isa sa inyo kalakip ng mga pilak na salapi ninyong ito patungo sa lungsod nating nakagisnan. Tumingin siya kung alin sa mga naninirahan doon ang higit na kaaya-aya sa pagkain at higit na kaaya-aya sa kinikita. Maghinay-hinay siya sa pagpasok niya, paglabas niya, at pakikitungo niya. Maging mahusay siya. Huwag niyang hayaang may isang makaalam sa pook ninyo dahil sa ibubunga dahil doon na isang kapinsalaang mabigat.