Magbabala ka, O Sugo, sa mga tao ng araw ng pagsisisi kapag magsisisi ang tagagawa ng masagwa dahil sa paggawa niya ng masagwa at ang tagagawa ng maganda dahil sa hindi niya pagpaparami ng pagtalima, kapag natiklop na ang mga kalatas ng mga tao, nakatapos sa pagtutuos sa kanila, at pumunta ang bawat isa sa gawang ipinauna niya. Sila, sa buhay nilang makamundo, ay mga nalinlang dito, mga nalilibang sa pagwawalang-bahala sa Kabilang-buhay, habang sila ay hindi sumasampalataya sa Araw ng Pagbangon.


الصفحة التالية
Icon