Hindi nangyaring kay Propeta Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay may anumang kasalanan o panggigipit kaugnay sa ipinahintulot ni Allāh na pagpapakasal sa anak niya sa pag-aampon. Siya kaugnay roon ay sumusunod sa kalakaran ng mga propeta noong wala pa siya sapagkat siya ay hindi kauna-unahan sa mga sugo kaugnay roon. Laging ang itinatadhana ni Allāh na pagpapatapos sa kasal na ito at pagpapawalang-saysay sa pag-aampon - gayong ang Propeta ay hindi nagkaroon dito ng opinyon o mapagpipilian - ay isang pagtatadhanang matutupad nang walang makahahadlang dito.