Si Allāh ang nagpadala ng mga hangin, at saka nagpagalaw ang mga hanging ito ng mga ulap, at saka umakay Siya sa mga ulap sa isang bayang walang halaman doon, at saka bumuhay Siya sa pamamagitan ng tubig ng mga ito sa lupa matapos ng pagkatuyo nito sa pamamagitan ng pinatubo Niya rito na halaman. Kaya kung paanong binuhay Niya ang lupang ito matapos ng kamatayan nito sa pamamagitan ng inilagak Niya rito na mga halaman, gayon magaganap ang pagkabuhay na muli ng mga patay sa Araw ng Pagbangon.


الصفحة التالية
Icon