Hindi nagkakapantay ang dalawang katubigan. Ang isa sa dalawa ay tabang na matindi sa katabangan, na madali ang pag-inom nito dahil sa katabangan nito. Ang ikalawa ay maalat na mapait, na hindi maaari ang pag-inom nito dahil sa tindi ng kaalatan nito. Mula sa bawat isa sa dalawang katubigang nabanggit ay kumakain kayo ng isang lamang sariwa, ang isda, at humango kayo mula sa dalawang ito ng perlas at koral, na isinusuot ninyo bilang gayak. Nakikita mo ang mga daong, o tagamasid, habang bumibiyak sa pamamagitan ng paglalayag ng mga ito sa dagat nang pasulong at paurong upang maghangad kayo ng kagandahang-loob ni Allāh at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat kay Allāh sa ibiniyaya Niya sa inyo mula sa maraming biyaya Niya.


الصفحة التالية
Icon