Tunay na Kami ay nagpadala sa iyo kalakip ang katotohanan na walang pag-aalinlangan hinggil dito, bilang isang tagapagbalita ng nakagagalak para sa mga mananampalataya hinggil sa inihanda ni Allāh para sa kanila na gantimpalang marangal at bilang isang tagapagbabala sa mga tagatangging sumampalataya laban sa inihanda Niya para sa kanila na pagdurusang masakit. Walang anumang kalipunan kabilang sa mga kalipunang nauna malibang may nagdaan doon na isang sugo mula sa ganang kay Allāh na nagbababala roon laban sa pagdurusang dulot Niya.


الصفحة التالية
Icon