[Ito ay] noong naglagay ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya sa mga puso nila ng panghahamak: panghahamak ng Kamangmangan na hindi nauugnay sa pagsasakatotohanan ng katotohanan at nauugnay lamang sa pithaya. Humamak sila sa pagpasok ng Sugo ni Allāh - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - noong taon ng Ḥudhaybīyah dahil sa pangamba sa pagtuya sa kanila dahil siya ay nanaig sa kanila roon. Nagpababa si Allāh ng kapanatagan mula sa ganang Kanya sa Sugo Niya at nagpababa Siya nito sa mga mananampalataya kaya hindi naghatid sa kanila ang galit tungo sa pagtumbas sa mga tagatambal ng tulad sa gawain nila. Nagpanatili si Allāh sa mga mananampalataya sa pangungusap ng katotohanan: Walang Diyos kundi si Allāh, at na magsagawa sila ng karapatan nito kaya naman nagsagawa sila nito. Ang mga mananampalataya ay higit na may karapatan sa pangungusap na ito kaysa sa iba pa sa kanila. Sila ay ang mga alagad nito na mga karapat-dapat dito dahil sa nalaman ni Allāh sa mga puso nila na kabutihan. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Maalam: walang naikukubli sa Kanya na anuman.


الصفحة التالية
Icon