O mga sumampalataya, kapag nagnais kayo na tumayo para sa pagsasagawa ng pagdarasal, habang kayo ay mga nawalan ng kadalisayang na maliit, magsagawa kayo ng wuḍū sa pamamagitan ng paghuhusgas ninyo ng mga mukha ninyo, paghuhugas ninyo ng mga kamay ninyo kasama ng mga siko ng mga ito, paghahaplos ninyo sa mga ulo ninyo, at paghuhugas ninyo ng mga paa ninyo kasama ng mga bukungbukong na mga nakausli sa kasukasuan ng binti. Kung kayo ay nawalan ng kadalisayang malaki, maligo kayo. Kung kayo ay mga may-sakit, na nangangamba kayo ng paglala ng sakit o pagkaantala ng paggaling nito, o kayo ay mga naglalakbay habang nasa kalagayan ng kalusugan, o kayo ay mga nawalan ng kadalisayang maliit dahil sa pagtugon sa tawag ng kalikasan, halimbawa, o mga nawalan ng kadalisayang malaki dahil sa pakikipagtalik sa mga maybahay at hindi kayo nakatagpo ng tubig matapos ng paghahanap nito upang ipandalisay ninyo, magsadya kayo sa lupa, pumalo kayo rito ng mga kamay ninyo, magpunas kayo sa mga mukha ninyo, at magpunas kayo sa mga kamay ninyo mula rito. Hindi nagnanais si Allāh na gumawa sa inyo ng hirap sa mga patakaran Niya sa pamamagitan ng pag-oobliga sa inyo sa paggamit ng tubig na hahantong sa kapinsalaan ninyo sapagkat nagsabatas Siya para sa inyo ng isang pamalit doon sa sandali ng kaimposiblehan [ng paggamti ng tubig] dahil sa sakit o kawalan ng tubig, bilang paglulubos sa biyaya Niya sa inyo nang sa gayon kayo ay magpapasalamat sa biyaya Niya sa inyo at hindi kayo tatangging kumilala rito.