ﯼ
ترجمة معاني سورة النازعات
باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
.
من تأليف:
مركز تفسير للدراسات القرآنية
.
ﰡ
ﮢﮣ
ﰀ
Sumumpa si Allāh sa mga anghel na humahatak sa mga kaluluwa ng mga tagatangging sumampalataya sa isang katindihan at isang karahasan.
ﮥﮦ
ﰁ
Sumumpa Siya sa mga anghel na humuhugot sa mga kaluluwa ng mga mananampalataya sa isang kadalian at isang kaginhawahan.
ﮨﮩ
ﰂ
Sumumpa Siya sa mga anghel na lumalangoy mula sa langit patungong lupa kalakip ng utos ni Allāh.
ﮫﮬ
ﰃ
Sumumpa Siya sa mga anghel na umuuna sa iba sa kanila sa pagganap sa utos ni Allāh.
ﮮﮯ
ﰄ
Sumumpa si Allāh sa mga anghel na nagpapatupad sa ipinag-utos Niya na pagpapasya Niya, tulad ng mga anghel na itinalaga sa mga gawain ng mga tao. Sumumpa Siya roon sa kabuuan niyon na talagang bubuhay Siya sa kanila para sa pagtutuos at pagganti,
sa araw na maaalog ang lupa sa sandali ng unang pag-ihip.
ﯖﯗ
ﰆ
susundan ang pag-ihip na ito ng ikalawang pag-ihip.
May mga puso ng ilan sa mga tao sa araw na iyon na kinakabahan.
ﯝﯞ
ﰈ
Lumilitaw sa mga paningin ng mga ito ang bakas ng pagkaaba.
Sila noon ay nagsasabi: "Manunumbalik ba kami sa buhay matapos na namatay kami?
Kapag ba kami ay naging mga butong nabulok na hungkag, manunumbalik pa kami matapos niyon?"
Magsasabi sila: "Kapag nanumbalik tayo, ang panunumbalik na iyon ay magiging lugi, na nadaya ang nanunumbalik."
Ang kalagayan ng pagbubuhay ay madali, at ito ay nag-iisang sigaw lamang mula sa anghel na itinalaga sa pag-ihip,
at biglang ang lahat ay mga buhay sa ibabaw ng lupa matapos na sila dati ay mga patay sa ilalim nito.
Dumating ba sa iyo, O Sugo, ang ulat hinggil kay Moises kaugnay sa Panginoon niya at kaugnay sa kaaway niyang si Paraon?
Nang nanawagan sa kanya ang Panginoon niya - kaluwalhatian sa Kanya - sa dinalisay na lambak ng Ṭuwā:
Nagsabi sa kanya hinggil sa sinabi: "Magtungo ka kay Paraon; tunay na siya ay lumampas sa hangganan sa paglabag sa katarungan at pagmamalaki.
at magsabi ka sa kanya: Ibig mo ba, O Paraon, na magpakadalisay ka mula sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway?
at gumabay ako sa iyo tungo sa Panginoon mo na lumikha sa iyo at nag-alaga sa iyo para matakot ka sa Kanya para gumawa ka ng nagpapalugod sa Kanya at makaiwas ka sa nagpapainis sa Kanya?"
Kaya naglantad kay Paraon si Moises - sumakanya ang pangangalaga - ng palatandaang pinakadakila na nagpapatunay na siya ay isang sugo mula sa Panginoon niya, ang kamay at ang tungkod,
ﭧﭨ
ﰔ
ngunit walang nangyari kay Paraon kundi siya ay nagpasinungaling sa palatandaang ito at sumuway sa ipinag-utos sa kanya ni Moises - sumakanya ang pangangalaga.
Pagkatapos ay umayaw ito sa pagsampalataya sa dinala ni Moises.
ﭮﭯ
ﰖ
Kaya bumalik ito upang magtipon ng mga kawal nito para daigin si Moises, at nanawagan sa mga tao niya, na nagsasabi:
at nagsabi: "Ako ay ang panginoon ninyong pinakamataas kaya walang pagtalima sa iba pa sa akin sa inyo."
Kaya nagpataw rito si Allāh at nagparusa rito sa Mundo sa pamamagitan ng pagkalunod sa dagat at magpaparusa rito sa Kabilang-buhay sa pamamagitan ng pagpapapasok dito sa pinakamatindi sa pagdurusa.
Tunay na sa ipinarusa kay Paraon sa Mundo at Kabilang-buhay ay talagang may isang pangaral para sa sinumang natatakot kay Allāh sapagkat siya ang makikinabang sa mga pangaral.
Ang pagpapairal ba sa inyo, O mga tagapasinungaling sa pagbubuhay, ay higit na mahirap kay Allāh o ang pagpapairal sa langit na ipinatayo Niya?
Gumawa Siya sa tugatog nito sa dakong kaitaasan na nakaangat, at gumawa Siya nito bilang pantay kaya walang mga lamat dito at walang mga biyak at walang kapintasan.
At nagpadilim Siya ng gabi nito nang lumubog ang araw nito at nagpalitaw Siya ng liwanag nito nang sumikat ang araw.
At ang lupa, matapos na nilikha Niya ang langit, ay naglatag Siya naglagak Siya rito na mga mapakikinabangan dito.
Nagpalabas Siya mula rito ng tubig nito bilang mga bukal na dumadaloy, at nagpatubo Siya rito ng halaman na kinakain ng mga hayop.
ﮞﮟ
ﰟ
At ang mga bundok ay ginawa Niyang matatag sa lupa.
Lahat ng iyon ay mga pakinabang para sa inyo, o mga tao, at para sa mga hayupan ninyo sapagkat ang lumikha nito sa kalahatan nito ay hindi nawawalang-kakayahan sa pagpapanauli ng paglikha sa kanila sa muli.
Ngunit kapag dumating ang ikalawang pag-ihip na pupuspos sa bawat bagay ng kahilakbutan nito at magaganap ang Pagbangon [ng mga patay] -
sa Araw na darating ito habang magsasaalaala ang tao sa ipinauna niyang gawain na kabutihan man o kasamaan
at maglalahad ng Impiyerno at ilalantad ito sa mga mata para sa sinumang titingin niyon -
kaya ang sinumang lumampas sa hangganan sa pagkaligaw
at nagmagaling sa buhay na pangmundo na nagmamaliw higit sa buhay na pangkabilang-buhay na mananatili,
tunay na ang Apoy ay ang pagtitigilan na kakanlungan niya;
40-41. at ang sinumang nangamba sa pagtayo niya sa harap ng Panginoon niya at pumigil sa sarili niya laban sa pagsunod sa pinipithaya niya kabilang sa ipinagbawal ni Allāh, tunay na ang Paraiso ay ang pagtitigilan niya na kakanlungan niya.
40-41. at ang sinumang nangamba sa pagtayo niya sa harap ng Panginoon niya at pumigil sa sarili niya laban sa pagsunod sa pinipithaya niya kabilang sa ipinagbawal ni Allāh, tunay na ang Paraiso ay ang pagtitigilan niya na kakanlungan niya.
Nagtatanong sa iyo, O sugo, ang mga tagapasinungaling na ito sa pagbubuhay kung kailan magaganap ang Huling Sandali?
Wala sa iyong kaalaman hinggil doon para bumanggit ka niyon sa kanila. Hindi kabilang sa nauukol sa iyo iyon. Ang nauukol sa iyo lamang ay ang paghahanda para roon.
Tungo sa Panginoon mo - tanging sa Kanya - ang pagwawakasan ng kaalaman sa Huling Sandali.
Ikaw ay isang tagababala lamang sa sinumang natatakot sa Huling Sandali dahil siya ay ang makikinabang sa pagbabala mo.
Para bang sila, sa Araw na makikita nila ang Huling Sandali bilang pagkasaksi, ay hindi namalagi sa buhay niya na pangmundo maliban sa isang hapon ng nag-iisang araw o isang umaga nito.