O Propeta, kapag nagnais ka mismo o nagnais ang isa sa kalipunan mo ng pagdiborsiyo sa maybahay niya ay magdiborsiyo siya roon sa simula ng panahon ng paghihintay niyon sa pamamagitan ng pagsasagawa sa diborsiyo sa panahong walang regla, na hindi siya nakipagtalik sa maybahay sa panahong iyon. Ingatan ninyo ang panahon ng paghihintay upang magawa ninyong manumbalik sa mga maybahay ninyo sa loob ng panahong iyon kung ninais ninyong manumbalik sa kanila. Mangilag kayong magkasala kay Allāh na Panginoon ninyo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Huwag kayong magpalayas sa mga diniborsiyo ninyo mula sa mga bahay na pinaninirahan nila at hindi sila lalayas mismo hanggang sa magwakas ang panahon ng paghihintay nila malibang nakagawa sila ng isang mahalay na lantad gaya ng pangangalunya. Ang mga patakarang iyon ay ang mga hangganan ni Allāh na itinakda Niya para sa mga lingkod Niya. Ang sinumang lalampas sa mga hangganan ni Allāh ay lumabag nga siya sa katarungan sa sarili niya yayamang naghatid siya rito sa mga hatiran ng kasawian dahilan sa pagsuway niya sa Panginoon niya. Hindi mo nalalaman, O nagdiborsiyo, marahil si Allāh ay magpangyari matapos niyon ng pagkaibig sa puso ng asawa para bumalik sa maybahay niya.


الصفحة التالية
Icon