ﯢ
ترجمة معاني سورة النجم
باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج)
.
من تأليف:
مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام
.
ﰡ
Sumpa man sa bituin kapag naglaho ito,
Hindi naligaw ang kasamahan ninyo at hindi siya nalisya.
At hindi siya bumibigkas ayon sa pithaya.
Walang iba ito kundi isang kasi na ikinakasi sa kanya.
Nagturo sa kanya ang [anghel na] matindi ang lakas,
na may kapangyarihan, at saka lumitaw sa tunay na anyo,
habang ito ay nasa [bahagi ng] abot-tanaw na pinakamataas.
Pagkatapos ay lumapit ito at saka nagpakalapit-lapit ito.
Kaya ito ay naging nasa layong dalawang pana o higit na malapit.
Kaya nagkasi ito sa lingkod Niya ng ikinasi Niya.
Hindi nagsinungaling ang puso [ng Propeta] sa nakita niya.
Kaya makikipangatwiran ba kayo sa kanya sa nakikita niya?
At talaga ngang nakita niya ito sa isa pang pagkababa,
sa tabi ng punong Sidrah ng pinagwawakasan,
sa tabi nito ang paraiso ng kanlungan,
noong bumabalot sa punong Sidrah ang bumabalot.
Hindi luminga ang paningin [ng Propeta] at hindi ito lumampas.
Talaga ngang may nakita siya mula sa mga pinakamalaking tanda ng Panginoon Niya.
Kaya nagsaalang-alang ba kayo kina Allāt at Al`uzzā,
at kay Manah, ang ikatlong iba pa?
Ukol ba sa inyo ang lalaki at ukol sa Kanya ang babae?
Iyon, sa makatuwid, ay isang paghahating baluktot.
Walang iba ang mga [diyus-diyusang] ito kundi mga pangalang ipinangalan ninyo mismo at ng mga ninuno ninyo. Hindi nagbaba si Allāh sa mga ito ng anumang katunayan. Wala silang sinusunod kundi ang pagpapalagay at ang pinipithaya ng mga sarili. Talaga ngang dumating sa kanila mula sa Panginoon nila ang patnubay.
O ukol ba sa tao ang minithi niya?
Ngunit sa kay Allāh ang huling buhay at ang unang buhay.
Kay rami ng anghel sa mga langit na hindi nakapagdudulot ang pamamagitan nila ng anuman maliban noong matapos na magpahintulot si Allāh sa sinumang niloloob Niya at kinalulugdan Niya.
Tunay na ang mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay ay talagang nagpapangalan sa mga anghel ng pagpapangalan sa babae.
Walang ukol sa kanila dahil dito na anumang kaalaman. Wala silang sinusunod kundi ang pagpapalagay. Tunay na ang pagpapalagay ay hindi nakapagdudulot kapalit ng katotohanan ng anuman.
Kaya umayaw ka sa tumalikod sa pag-alaala sa Amin at walang ninais kundi ang buhay na pangmundo.
Iyon ay ang inaabot nila sa kaalaman. Tunay na ang Panginoon mo ay higit na nakaaalam sa sinumang naligaw palayo sa landas Niya at Siya ay higit na nakaaalam sa sinumang napatnubayan.
At sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa upang gumanti Siya sa mga gumawa ng masagwa ng [parusa sa] ginawa nila at gumanti Siya sa mga gumawa ng maganda ng pinakamaganda.
Ang mga umiiwas sa mga malaki sa kasalanan at mga mahalay maliban sa mga kasalanang maliit, tunay na ang Panginoon mo ay malawak ang pagpapatawad. Siya ay higit na nakaaalam sa inyo noong nagpaluwal Siya sa inyo mula sa lupa at noong kayo ay mga bilig sa mga sinapupunan ng mga ina ninyo. Kaya huwag kayong magmalinis ng mga sarili ninyo; Siya ay higit na nakaaalam sa sinumang nangilag magkasala.
Kaya nakita mo ba ang tumalikod [sa Islām],
at nagbibigay ng kaunti at nagmaramot?
Taglay ba niya ang kaalaman sa Lingid kaya siya ay nakakikita?
O hindi siya binalitaan hinggil sa nasa mga kalatas ni Moises,
at ni Abraham na tumupad,
na hindi papasanin ng isang tagapasan ang pasanin ng iba,
na walang ukol sa tao kundi ang pinagpunyagian niya,
at na ang pagpupunyagi niya ay makikita.
Pagkatapos ay gagantihan siya ng ganting pinakasapat.
At na tungo sa Panginoon mo ang pinagwawakasan.
at na Siya ay nagpatawa at nagpaiyak.
At na Siya ay nagbigay-kamatayan at nagbibigay-buhay.
At na Siya ay lumikha sa magkapares: ang lalaki at ang babae,
mula sa patak kapag ibinuhos ito.
At na bahala Siya sa iba pang pagpapaluwal.
At na Siya ay nagpayaman at nagpasiya.
At na Siya ay ang Panginoon ng [bituing] Sirius.
At na Siya ay nagpasawi sa [liping] `Ād na sinauna
at [liping] Thamūd, at hindi Siya nagtira.
At ang mga kababayan ni Noe noong bago niyon, tunay na sila noon ay higit na tagalabag sa katarungan at higit na tagapagmalabis.
ﭿﮀ
ﰴ
At ang itinaob [na mga lungsod] ay nagpalagpak Siya,
kaya bumalot Siya sa mga ito ng ibinalot Niya.
Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon mo mag-aalinlangan ka?
[Ang Sugong] ito ay isang tagapagbabala kabilang sa mga tagapagbabalang sinauna.
ﮑﮒ
ﰸ
Nalapit ang Papalapit.
Walang ukol dito, bukod pa kay Allāh, na isang tagahawi.
Kaya sa salaysay na ito ba ay nagtataka kayo?
At tumatawa kayo at hindi kayo umiiyak,
ﮤﮥ
ﰼ
at habang kayo ay mga nagsasaya.
Kaya magpatirapa kayo kay Allāh at sumamba kayo.