ﰁ
surah.translation
.
من تأليف:
مركز تفسير للدراسات القرآنية
.
ﰡ
Kapag ang langit ay nagkalamat-lamat para sa pagbaba ng mga anghel mula roon,
at nakinig ito sa Panginoon nito habang nagpapaakay at nagindapat para rito iyon,
at kapag ang lupa ay binanat ni Allāh gaya ng pagbanat sa balat,
at nagtapon ito ng nasa loob nito ng mga kayamanan at mga patay, at nagtatatwa ito sa kanila,
at nakinig ito sa Panginoon nito habang nagpapaakay at nagindapat para rito iyon;
O tao, tunay na ikaw ay gumagawa ng kabutihan o kasamaan kaya makikipagkita [ka] kay Allāh sa Araw ng Pagbangon upang gumanti Siya sa iyo dahil doon.
Kaya tungkol sa sinumang bibigyan ng pahina ng mga gawa niya sa kanang kamay niya,
magtutuos sa kanya si Allāh sa isang pagtutuos na madali: ilalahad sa kanya ang gawa niya nang walang paninisi sa kanya
at manunumbalik siya sa mag-anak niya na pinagagalak.
Tungkol naman sa sinumang bibigyan ng talaan niya sa kaliwa niya mula sa likuran ng likod niya,
tatawag siya ng pagkasawi sa sarili niya
ﮜﮝ
ﰋ
at papasok siya sa Apoy ng Impiyerno, na magdurusa sa init niyon.
Tunay na siya noon sa Mundo sa piling ng mga kapwa niya ay natutuwa sa taglay niyang kawalang-pananampalataya at mga pagsuway.
Tunay na siya ay nagpalagay na siya ay hindi manunumbalik sa buhay matapos ng kamatayan niya.
Bagkus, talagang magpapanumbalik nga sa kanya si Allāh sa buhay gaya ng paglikha sa kanya sa unang pagkakataon. Tunay na ang Panginoon niya ay laging sa kalagayan niya nakakikita: walang naikukubli sa Kanya mula roon na anuman, at gaganti sa kanya sa gawa niya.
Sumumpa si Allāh sa pamumula na nangyayari sa abot-tanaw matapos ng paglubog ng araw.
Sumumpa Siya sa gabi at sa tinitipon dito,
at sa buwan kapag nabuo ito, nalubos ito, at naging kabilugan;
talagang lululan nga kayo, O mga tao, sa isang kalagayan matapos ng isang kalagayan mula sa isang patak, pagkatapos ay isang malalinta, pagkatapos ay isang kimpal na laman, pagkatapos ay buhay, pagkatapos ay kamatayan, at pagkatapos ay pagkabuhay.
Kaya anong mayroon sa mga tagatangging sumampalataya na ito na hindi sila sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw?
At kapag binigkas sa kanila ang Qur’ān ay hindi sila nagpapatirapa sa Panginoon nila.
Bagkus ang mga tumangging sumampalataya ay nagpapasinungaling sa inihatid sa kanila ng Sugo nila.
Si Allāh ay higit na nakaaalam sa anumang nilalaman ng mga dibdib nila: walang naikukubli sa Kanya mula sa mga gawa nila na anuman.
Kaya magpabatid ka sa kanila, O Sugo, hinggil sa naghihintay sa kanila na isang pagdurusang nakasasakit,
maliban sa mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maaayos; ukol sa kanila ay isang gantimpalang hindi magpuputol.