ﯦ
surah.translation
.
من تأليف:
مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام
.
ﰡ
Nagluwalhati kay Allāh ang anumang nasa mga langit at lupa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.
Sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa. Nagbibigay-buhay Siya at nagbibigay-kamatayan Siya. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.
Siya ay ang Una at ang Huli, at ang Nakatataas at ang Nakalalalim. Siya sa bawat bagay ay Maalam.
Siya ay ang lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito sa anim na araw. Pagkatapos ay lumuklok Siya sa trono. Nakaaalam Siya sa anumang lumalagos sa lupa at anumang lumalabas mula rito, anumang bumababa mula sa langit, at anumang pumapanik doon. Siya ay kasama sa inyo nasaan man kayo. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita.
Sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa. Sa kay Allāh panunumbalikin ang mga usapin.
Nagpapalagos Siya ng gabi sa maghapon at nagpapalagos Siya ng maghapon sa gabi. Siya ay Maalam sa nilalaman ng mga dibdib.
Sumampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya at gumugol kayo mula sa ginawa Niya kayo na mga pinag-iiwanan doon. Kaya ang mga sumampalataya kabilang sa inyo at gumugol, ukol sa kanila ay isang pabuyang malaki.
At ano ang mayroon sa inyo na hindi kayo sumasampalataya kay Allāh samantalang ang Sugo ay nag-aanyaya sa inyo upang sumampalataya kayo sa Panginoon ninyo, at tinanggap na Niya ang kasunduan sa inyo kung kayo nga ay mga mananampalataya?
Siya ay ang nagbababa sa Lingkod Niya ng mga malinaw na tanda, upang ilabas Niya kayo mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag. Tunay na si Allāh sa inyo ay talagang Mahabagin, Maawain.
At ano ang mayroon sa inyo na hindi kayo gumugugol sa landas ni Allāh samantalang sa kay Allāh ang pagpapamana sa mga langit at lupa. Hindi nagkakapantay sa inyo ang sinumang gumugol mula ng bago ng pagsakop sa Makkah at nakipaglaban. Ang mga iyon ay higit na dakila sa antas kaysa sa mga gumugol mula ng matapos [niyon] at nakipaglaban. Sa lahat ay nangako si Allāh ng pinakamaganda. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakababatid.
Sino itong magpapautang kay Allāh ng isang magandang pautang para magpaibayo rito para sa kanya? Ukol sa kanya ay pabuyang marangal.
Sa Araw na makakikita ka sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya habang sumisinag ang liwanag nila sa harapan nila at sa mga kanan nila. Ang balitang nakagagalak sa inyo sa Araw na ito ay ang mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog habang mga nananatili sa mga ito. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan.
Sa araw na magsasabi ang mga lalaking mapagpaimbabaw at ang mga babaing mapagpaimbabaw sa mga sumampalataya: "Maghintay kayo sa amin; kukuha kami mula sa liwanag ninyo!" Sasabihin: "Manumbalik kayo sa likuran ninyo at maghanap kayo ng isang liwanag." Kaya maglalagay sa pagitan nila ng isang pader na mayroon itong pinto, na sa loob nito ay ang awa at sa labas nito mula sa harap nito ay ang pagdurusa.
Mananawagan sila [na mga mapagpaimbabaw] sa kanila [na mga mananampalataya]: "Hindi ba kami noon ay kasama sa inyo?" Magsasabi sila: "Oo; subalit kayo ay nagpahamak sa mga sarili ninyo, nag-abang, nag-alinlangan, at luminlang sa inyo ang mga mithiin hanggang sa dumating ang pasya ni Allāh, at luminlang sa inyo kay Allāh ang mapanlinlang."
Kaya sa Araw na iyon ay hindi kukuha mula sa inyo ng isang pantubos ni mula sa mga tumangging sumampalataya. Ang kanlungan ninyo ay ang Apoy. Ito ay ang nararapat sa inyo. Kay saklap ang kahahantungan!
Hindi ba sumapit para sa mga sumampalataya na magpakaaba ang mga puso nila para sa pag-alaala kay Allāh at sa bumaba mula sa katotohanan, at hindi sila maging gaya ng mga nabigyan ng Kasulatan noon pa, ngunit humaba sa mga ito ang taning kaya tumigas ang mga puso ng mga ito. Marami sa mga ito ay mga suwail.
Alamin ninyo na si Allāh ay nagbibigay-buhay sa lupa matapos ng pagkamatay nito. Nilinaw na Namin para sa inyo ang mga tanda nang sa gayon kayo ay makapag-uunawa.
Tunay na ang mga lalaking nagkakawanggawa at ang mga babaing nagkakawanggawa at nagpapautang kay Allāh ng isang magandang pautang ay magpapaibayo Siya para sa kanila [ng gantimpala]. Ukol sa kanila ay isang pabuyang marangal.
At ang mga sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya, ang mga iyon ang mga mapagpatotoo. Ang mga martir sa ganang Panginoon nila, ukol sa kanila ang pabuya nila at ang liwanag nila. Ang mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa mga tanda Namin, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Impiyerno.
Alamin ninyo na ang buhay pangmundo ay isang laro, isang paglilibang, isang gayak, isang pagpapayabangan sa pagitan ninyo, at isang pagpaparamihan sa mga yaman at mga anak lamang, gaya ng paghahalintulad sa ulan na nagpagalak sa mga nagtatanim ang halaman nito. Pagkatapos ay nalalanta ito kaya makikita mo ito na naninilaw. Pagkatapos ito ay magiging dayami. Sa Kabilang-buhay ay may isang pagdurusang matindi, isang kapatawaran mula kay Allāh, at isang kaluguran. Walang iba ang buhay pangmundo kundi ang kasiyahan ng pagkalinlang.
Makipag-unahan kayo tungo sa isang kapatawaran mula sa Panginoon ninyo at isang paraiso na ang luwang nito ay gaya ng luwang [sa pagitan] ng langit at lupa, na inihanda para sa mga sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya. Iyon ay ang kabutihang-loob ni Allāh, na ibinibigay Niya sa kaninumang niloloob Niya. Si Allāh ay may kabutihang-loob na sukdulan.
Walang tumamang anumang sakuna sa lupa ni sa mga sarili ninyo malibang nasa isang talaan bago pa Kami lumalang niyon. Tunay na iyon kay Allāh ay madali.
[Iyon ay] upang hindi kayo magdalamhati sa anumang nakaalpas sa inyo at hindi kayo matuwa sa anumang ibinigay Niya sa inyo. Si Allāh ay hindi umiibig sa bawat palalong hambog.
Ang mga nagmamaramot at nag-uutos sa mga tao ng pagmamaramot [ay mga lugi]. Ang sinumang tatalikod, tunay na si Allāh ay ang Walang-pangangailangan, ang Kapuri-puri.
Talaga ngang nagsugo Kami ng mga sugo Namin kalakip ang mga malinaw na patunay at nagpababa Kami kasama sa kanila ng Kasulatan at Timbangan upang magpanatili ang mga tao ng pagkamakatarungan. Nagpababa Kami ng bakal, na taglay nito ay kapangyarihang matindi at mga kapakinabangan para sa mga tao, at upang maglantad si Allāh kung sino ang tutulong sa Kanya at sa mga sugo Niya nang lingid. Tunay na si Allāh ay Malakas, Makapangyarihan.
Talaga ngang nagsugo Kami kina Noe at Abraham at naglagay Kami sa mga supling nilang dalawa ng pagkapropeta at Kasulatan, kaya kabilang sa kanila ay napapatnubayan at marami kabilang sa kanila ay mga suwail.
Pagkatapos ay nagpasunod Kami sa mga bakas nila ng mga sugo Namin. Nagpasunod Kami kay Hesus na anak ni Maria at nagbigay Kami sa kanya ng Ebanghelyo. Naglagay Kami sa mga puso ng mga sumunod sa kanya ng habag at awa. May monastisismo na pinauso nila, na hindi Kami nagsatungkulin nito sa kanila malibang bilang paghahangad sa kaluguran ni Allāh, ngunit hindi sila nangalaga rito ayon sa totoong pangangalaga rito. Kaya nagbigay Kami sa mga sumampalataya kabilang sa kanila ng pabuya nila, ngunit marami sa kanila ay mga suwail.
O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh at sumampalataya kayo sa Sugo Niya; magbibigay Siya sa inyo ng dalawang bahagi mula sa awa Niya, maglalagay Siya sa inyo ng isang liwanag na maglalakad kayo sa pamamagitan nito, at magpapatawad Siya sa inyo. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
[Ito ay] upang makaalam ang mga May Kasulatan na hindi sila makakakaya sa anuman mula sa kabutihang-loob ni Allāh at na ang kabutihang-loob ay nasa kamay ni Allāh, na ibinibigay Niya sa kaninumang niloloob Niya. Si Allāh ay may kabutihang-loob na sukdulan.