وَيَوۡمَ يُعۡرَضُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ عَلَى ٱلنَّارِ أَلَيۡسَ هَٰذَا بِٱلۡحَقِّۖ قَالُواْ بَلَىٰ وَرَبِّنَاۚ قَالَ فَذُوقُواْ ٱلۡعَذَابَ بِمَا كُنتُمۡ تَكۡفُرُونَ ٣٤
Al-Ahqaf 46:34
سورة الأحقاف
Meccan
Verse: 34/35
Page 506
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Sa araw na isasalang sa Apoy ang mga tumangging sumampalataya [ay sasabihin]: "Hindi ba ito ang katotohanan?" Magsasabi sila: "Opo; sumpa man sa Panginoon namin." Magsasabi Siya: "Kaya lasapin ninyo ang pagdurusa dahil kayo noon ay tumatangging sumampalataya." -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Sa araw na isasalang sa Apoy ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya upang pagdusahin doon at sasabihin bilang paninisi sa kanila: "Hindi ba itong nasasaksihan ninyo na pagdurusa ay katotohanan, o na ito ay kasinungalingan gaya ng dati ninyong sinasabi sa Mundo?" Magsasabi sila: "Opo; sumpa man sa Panginoon namin, tunay na ito ay talagang katotohanan." Kaya sasabihin sa kanila: "Lasapin ninyo ang pagdurusa dahilan sa kawalang-pananampalataya ninyo kay Allāh."
Al-Ahqaf 46:34
Loading the recitation…
0:00