يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ ٱتَّقِ ٱللَّهَ وَلَا تُطِعِ ٱلۡكَٰفِرِينَ وَٱلۡمُنَٰفِقِينَۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلِيمًا حَكِيمࣰا ١
AlAhzab 33:1
سورة الأحزاب
Medinan
Verse: 1/73
Page 418
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
O Propeta, mangilag kang magkasala kay Allāh at huwag kang tumalima sa mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw. Tunay na si Allāh ay laging Maalam, Marunong. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
O Propeta, magpakatatag ka at ang sinumang kasama sa iyo sa pangingilag sa pagkakasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, mangamba ka sa Kanya - tanging sa Kanya, at huwag kang tumalima sa mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw sa pinipithaya ng mga sarili nila. Tunay na si Allāh ay laging Maalam sa anumang ipinapakana ng mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw, Marunong sa paglikha Niya at pangangasiwa Niya.
AlAhzab 33:1
Loading the recitation…
0:00