قُلۡ هَلُمَّ شُهَدَآءَكُمُ ٱلَّذِينَ يَشۡهَدُونَ أَنَّ ٱللَّهَ حَرَّمَ هَٰذَاۖ فَإِن شَهِدُواْ فَلَا تَشۡهَدۡ مَعَهُمۡۚ وَلَا تَتَّبِعۡ أَهۡوَآءَ ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا وَٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِ وَهُم بِرَبِّهِمۡ يَعۡدِلُونَ ١٥٠
Al-An'am 6:150
سورة الأنعام
Meccan
Verse: 150/165
Page 148
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Sabihin mo: "Magdala kayo ng mga saksi ninyo na sasaksing si Allāh ay nagbawal nito at kung sumaksi sila ay huwag kang sumaksi kasama nila. Huwag kang sumunod sa mga pithaya ng mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin at mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay samantalang sila sa Panginoon nila ay nagpapantay [sa iba]." -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito na nagbabawal sa ipinahintulot ni Allāh at nag-aangkin na si Allāh ay ang nagbawal niyon: "Padaluin ninyo ang mga saksi ninyo na sasaksing si Allāh ay nagbawal ng mga bagay na ito na ipinagbawal ninyo. Kung sumaksi sila, ayon sa kawalang kaalaman na si Allāh ay nagbawal niyon, ay huwag kang sumaksi sa kanila, O Sugo, sa pagsasaksi nila dahil ito ay isang pagsaksi sa kabulaanan. Huwag kang sumunod sa mga pithaya ng mga nagpapahatol sa mga pithaya nila sapagkat nagpasinungaling nga sila sa mga tanda ni Allāh nang ipinagbawal nila ang ipinahintulot ni Allāh sa kanila. Huwag kang sumunod sa mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay samantalang sila sa Panginoon nila ay nagtatambal kaya naman nagpapantay sila sa Kanya sa iba pa sa Kanya. Papaanong sinusunod ang sinumang ito ang saloobin niya sa Panginoon niya?"
Al-An'am 6:150
Loading the recitation…
0:00