قُلۡ أَغَيۡرَ ٱللَّهِ أَبۡغِي رَبࣰّا وَهُوَ رَبُّ كُلِّ شَيۡءࣲۚ وَلَا تَكۡسِبُ كُلُّ نَفۡسٍ إِلَّا عَلَيۡهَاۚ وَلَا تَزِرُ وَازِرَةࣱ وِزۡرَ أُخۡرَىٰۚ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّكُم مَّرۡجِعُكُمۡ فَيُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمۡ فِيهِ تَخۡتَلِفُونَ ١٦٤
Al-An'am 6:164
سورة الأنعام
Meccan
Verse: 164/165
Page 150
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Sabihin mo: "Ang iba pa ba kay Allāh ay hahangarin ko bilang isang Panginoon samantalang Siya ay Panginoon ng bawat bagay? Walang [kasalanang] nakakamit ang bawat kaluluwa malibang laban dito. Hindi papasanin ng isang tagapasan ang pasanin ng iba. Pagkatapos ay sa Panginoon ninyo ang balikan ninyo at magbabalita Siya sa inyo hinggil sa anumang kayo noon ay nagkakaiba-iba." -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Ang iba pa ba kay Allāh ay hihilingin kong maging isang Panginoon samantalang Siya - napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya - ay Panginoon ng bawat bagay? Siya ay Panginoon ng mga sinasambang sinasamba ninyo bukod pa sa Kanya. Hindi papasanin ng isang inosente ang pagkakasala ng iba pa sa kanya. Pagkatapos ay sa Panginoon ninyo - tanging sa Kanya - ang balikan ninyo sa Araw ng Pagbangon at magbabalita Siya sa inyo hinggil sa anumang kayo noon ay nagkakaiba-iba sa Mundo sa usapin ng relihiyon."
Al-An'am 6:164
Loading the recitation…
0:00