وَمَا جَعَلَهُ ٱللَّهُ إِلَّا بُشۡرَىٰ وَلِتَطۡمَئِنَّ بِهِۦ قُلُوبُكُمۡۚ وَمَا ٱلنَّصۡرُ إِلَّا مِنۡ عِندِ ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٌ ١٠
Al-Anfal 8:10
سورة الأنفال
Medinan
Verse: 10/75
Page 178
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Hindi ginawa iyon ni Allāh kundi bilang isang balitang nakalulugod at upang mapanatag doon ang mga puso ninyo. Walang pagwawagi kundi mula sa ganang kay Allāh. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Hindi ginawa ni Allāh ang pag-ayuda sa mga anghel malibang bilang pagbabalita ng nakalulugod sa inyo, O mga mananampalataya, dahil Siya ay nagpawagi sa inyo laban sa kaaway ninyo at upang mapanatag ang mga puso ninyo habang mga nakatitiyak sa pagwawagi. Ang pagwawagi ay hindi sa pamamagitan ng dami ng bilang at ng pagkakaroon ng mga kasangkapan. Ang pagwawagi ay mula sa ganang kay Allāh - napakamaluwalhati Niya - lamang. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihan sa paghahari Niya: hindi napananaigan ng isa man, Marunong sa batas Niya at pagtatakda Niya.
Al-Anfal 8:10
Loading the recitation…
0:00