وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّمَآ أَمۡوَٰلُكُمۡ وَأَوۡلَٰدُكُمۡ فِتۡنَةࣱ وَأَنَّ ٱللَّهَ عِندَهُۥٓ أَجۡرٌ عَظِيمࣱ ٢٨
Al-Anfal 8:28
سورة الأنفال
Medinan
Verse: 28/75
Page 180
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Alamin ninyo na ang mga ari-arian ninyo at ang mga anak ninyo ay isang tukso at na si Allāh ay may isang gantimpalang sukdulan. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Alamin ninyo, O mga mananampalataya, na ang mga ari-arian ninyo at ang mga anak ninyo ay isang pagsubok mula kay Allāh para sa inyo at isang pagsusulit sapagkat maaring humadlang ang mga ito sa inyo sa paggawa para sa Kabilang-buhay at mag-udyok sa inyo ang mga ito sa pagtataksil. Alamin ninyo na si Allāh ay may isang gantimpalang sukdulan kaya naman huwag ninyong paalpasin sa inyo ang gantimpalang ito sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa mga yaman ninyo, mga anak ninyo, at pagtataksil alang-alang sa kanila.
Al-Anfal 8:28
Loading the recitation…
0:00