يُجَٰدِلُونَكَ فِي ٱلۡحَقِّ بَعۡدَ مَا تَبَيَّنَ كَأَنَّمَا يُسَاقُونَ إِلَى ٱلۡمَوۡتِ وَهُمۡ يَنظُرُونَ ٦
Al-Anfal 8:6
سورة الأنفال
Medinan
Verse: 6/75
Page 177
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
nakikipagtalo sila sa iyo hinggil sa katotohanan matapos luminaw ito, para bang inaakay sila sa kamatayan habang sila ay nakatingin. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Nakikipagtalo sa iyo, O Sugo, ang pangkat na ito kabilang sa mga mananampalataya hinggil sa pakikipaglaban sa mga tagapagtambal matatapos na lumiwanag sa kanila na ito ay magaganap. Para bang inaakay sila sa kamatayan habang sila ay nakatingin doon nang mata sa mata. Iyon ay dahil sa tindi ng pagkasuklam nila sa paglabas para makipaglaban dahil hindi sila gumawa para rito ng paghahanda at hindi sila naglaan dito ng kasangkapan nito.
Al-Anfal 8:6
Loading the recitation…
0:00