ثُمَّ بَعَثۡنَا مِنۢ بَعۡدِهِم مُّوسَىٰ بِـَٔايَٰتِنَآ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ وَمَلَإِيْهِۦ فَظَلَمُواْ بِهَاۖ فَٱنظُرۡ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُفۡسِدِينَ ١٠٣
Al-A'raf 7:103
سورة الأعراف
Meccan
Verse: 103/206
Page 163
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Pagkatapos ay ipinadala Namin matapos nila si Moises dala ang mga tanda Namin patungo kay Paraon at sa pamunuan nito ngunit lumabag sila sa katarungan sa mga ito kaya tingnan mo kung naging papaano ang kinahinatnan ng mga tagapanggulo. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Pagkatapos ay ipinadala Namin, matapos ng mga sugong iyon, si Moises - sumakanya ang pangangalaga - dala ang mga katwiran Naming malinaw sa katapatan niya at inihatid kay Paraon at sa mga tao nito. Walang nangyari sa kanila malibang nagkaila sila sa mga tandang ito at tumangging sumampalataya sa mga ito kaya magnilay-nilay ka, O Sugo, kung papaano ang naging kinahinatnan ni Paraon at mga tao nito sapagkat nilipol nga sila ni Allāh sa pamamagitan ng paglunod at pinasundan Niya sila ng sumpa sa Mundo at Kabilang-buhay.
Al-A'raf 7:103
Loading the recitation…
0:00