وَلَقَدۡ خَلَقۡنَٰكُمۡ ثُمَّ صَوَّرۡنَٰكُمۡ ثُمَّ قُلۡنَا لِلۡمَلَٰٓئِكَةِ ٱسۡجُدُواْ لِأٓدَمَ فَسَجَدُوٓاْ إِلَّآ إِبۡلِيسَ لَمۡ يَكُن مِّنَ ٱلسَّٰجِدِينَ ١١
Al-A'raf 7:11
سورة الأعراف
Meccan
Verse: 11/206
Page 151
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Talaga ngang nilikha Namin kayo. Pagkatapos ay inanyuan Namin kayo. Pagkatapos ay nagsabi Kami sa mga anghel: "Magpatirapa kayo kay Adan," at nagpatirapa naman sila maliban kay Satanas; hindi siya naging kabilang sa mga nagpapatirapa. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Talaga ngang pinalitaw Namin, O mga tao, ang ama ninyong si Adan. Pagkatapos ay inanyuan Namin siya sa pinakamahusay na anyo at pinakamahusay na tikas. Pagkatapos ay ipinag-utos Namin sa mga anghel ang magpatirapa kay Adan bilang pagpaparangal sa kanya. Sumunod naman sila at nagpatirapa sila maliban kay Satanas; tumangi itong magpatirapa dala ng pagmamalaki at pagmamatigas.
Al-A'raf 7:11
Loading the recitation…
0:00