فَإِذَا جَآءَتۡهُمُ ٱلۡحَسَنَةُ قَالُواْ لَنَا هَٰذِهِۦۖ وَإِن تُصِبۡهُمۡ سَيِّئَةࣱ يَطَّيَّرُواْ بِمُوسَىٰ وَمَن مَّعَهُۥٓۗ أَلَآ إِنَّمَا طَٰٓئِرُهُمۡ عِندَ ٱللَّهِ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ ١٣١
Al-A'raf 7:131
سورة الأعراف
Meccan
Verse: 131/206
Page 166
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ngunit kapag dumating sa kanila ang maganda ay nagsasabi sila: "Ukol sa atin ito;" at kung tinamaan sila ng masagwa ay nag-uugnay sila ng kamalasan kay Moises at sa sinumang kasama niya. Pakaalamin, ang kamalasan nila ay nasa kay Allāh lamang subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Ngunit kapag dumating sa angkan ni Paraon ang kasaganahan, ang kabutihan ng bunga, at ang kamurahan ng mga halaga ay nagsasabi sila: "Ibinigay sa amin ito dahil sa pagiging karapat-dapat namin dito at sa pagkanauukol sa amin nito." Kung nagtamo sila o dinapuan sila ng isang kasawian gaya ng tagtuyot, kawalang-ulan, dami ng mga sakit, at iba pa rito na mga kalamidad ay nag-uugnay sila ng kamalasan kay Moises at sa sinumang kasama niya kabilang sa mga anak ni Israel. Ang totoo ay na ang anumang dumapo sa kanila mula roon sa kalahatan niyon ay dahil sa isang pagtatakda lamang mula kay Allāh - napakamaluwalhati Niya. Sila at si Moises - sumakanya ang pangangalaga - ay walang kinalaman doon maliban pa sa bahagi ng panalangin ni Moises laban sa kanila, subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam kaya inuugnay nila iyon sa iba pa kay Allāh.
Al-A'raf 7:131
Loading the recitation…
0:00