وَلَمَّا وَقَعَ عَلَيۡهِمُ ٱلرِّجۡزُ قَالُواْ يَٰمُوسَى ٱدۡعُ لَنَا رَبَّكَ بِمَا عَهِدَ عِندَكَۖ لَئِن كَشَفۡتَ عَنَّا ٱلرِّجۡزَ لَنُؤۡمِنَنَّ لَكَ وَلَنُرۡسِلَنَّ مَعَكَ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ ١٣٤
Al-A'raf 7:134
سورة الأعراف
Meccan
Verse: 134/206
Page 166
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Noong bumagsak sa kanila ang kaparusahan ay nagsabi sila: "O Moises, manalangin ka para sa amin sa Panginoon mo sa pamamagitan ng ipinangako Niya sa ganang iyo; talagang kung papawiin mo sa amin ang kaparusahan ay talagang sasampalataya nga kami sa iyo at talagang ipadadala nga namin kasama mo ang mga anak ni Israel." -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Noong dinapuan sila ng pagdurusa dahil sa mga bagay-bagay na ito ay bumaling sila kay Moises - sumakanya ang pangangalaga - at nagsabi sa kanya: "O Moises, manalangin ka para sa amin sa Panginoon mo sa pamamagitan ng ipinantangi Niya sa iyo na pagkapropeta at sa pamamagitan ng ipinangako Niya sa iyo na pag-aalis ng parusa sa pamamagitan ng pagbabalik-loob, na alisin Niya sa amin ang dumapo sa amin na parusa. Kung aalisin Niya sa amin iyon ay talagang sasampalataya nga kami sa iyo, talagang ipadadala nga namin kasama mo ang mga anak ni Israel, at palalayain namin sila."
Al-A'raf 7:134
Loading the recitation…
0:00