سَأَصۡرِفُ عَنۡ ءَايَٰتِيَ ٱلَّذِينَ يَتَكَبَّرُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ بِغَيۡرِ ٱلۡحَقِّ وَإِن يَرَوۡاْ كُلَّ ءَايَةࣲ لَّا يُؤۡمِنُواْ بِهَا وَإِن يَرَوۡاْ سَبِيلَ ٱلرُّشۡدِ لَا يَتَّخِذُوهُ سَبِيلࣰا وَإِن يَرَوۡاْ سَبِيلَ ٱلۡغَيِّ يَتَّخِذُوهُ سَبِيلࣰاۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا وَكَانُواْ عَنۡهَا غَٰفِلِينَ ١٤٦
Al-A'raf 7:146
سورة الأعراف
Meccan
Verse: 146/206
Page 168
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ibabaling Ko palayo sa mga tanda Ko ang mga nagmamalaki sa lupa nang walang karapatan. Kung makikita nila ang bawat tanda ay hindi sila sasampalataya rito. Kung makikita nila ang landas ng kawastuhan ay hindi nila gagawin ito bilang isang landas; ngunit kung makikita nila ang landas ng kamalian ay gagawin nila ito bilang isang landas. Iyon ay dahil sila ay nagpasinungaling sa mga tanda Namin at sila noon sa mga ito ay mga nagpapabaya. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Ibabaling Ko palayo sa pagsasaalang-alang sa mga tanda Ko sa mga abot-tanaw at mga tao at palayo sa pagkaintindi sa mga talata ng Aklat Ko ang mga nagmamataas sa mga lingkod Ko at sa katotohanan nang walang karapatan. Kung makikita nila ang bawat tanda ay hindi sila maniniwala rito dahil sa pagtutol nila rito at pag-ayaw nila rito at dahil sa pagsalangsang nila kay Allāh at sa Sugo Niya. Kung makikita nila ang daan ng katotohanang nagpaparating sa kaluguran ni Allāh ay hindi nila tatahakin ito at hindi nila iibigin ito. Kung makikita nila ang daan ng kamalian at kaligawang nagpaparating sa pagkainis Ko ay tatahakin nila ito. Yaong dumapo sa kanila ay dumapo lamang sa kanila dahil sa pagpapasinungaling nila sa Aking mga dakilang tandang nagpapatunay sa katapatan ng anumang inihatid ng mga sugo, at dahil sa pagkalingat nila sa pagtingin doon.
Al-A'raf 7:146
Loading the recitation…
0:00