لَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوۡمِهِۦ فَقَالَ يَٰقَوۡمِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرُهُۥٓ إِنِّيٓ أَخَافُ عَلَيۡكُمۡ عَذَابَ يَوۡمٍ عَظِيمࣲ ٥٩
Al-A'raf 7:59
سورة الأعراف
Meccan
Verse: 59/206
Page 158
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Talaga ngang nagsugo Kami kay Noe sa mga kalipi nito kaya nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh; wala na kayong Diyos na iba pa sa Kanya. Tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa pagdurusa sa isang sukdulang araw." -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Talaga ngang nagpadala si Allāh kay Noe bilang isang sugo sa mga kalipi nito, na nag-aanyaya sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at sa pag-iwan sa pagsamba sa iba pa sa Kanya, kaya nagsabi siya sa kanila: "O mga kalipi, sumamba kayo kay Allāh - tanging sa Kanya - sapagkat walang sinasambang ukol sa inyo ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Tunay na ako ay nangangamba para sa inyo, O mga kalipi, sa pagdurusa sa isang sukdulang araw habang nasa kalagayan ng pagpupumilit ninyo sa kawalang-pananampalataya."
Al-A'raf 7:59
Loading the recitation…
0:00