۞ وَإِلَىٰ عَادٍ أَخَاهُمۡ هُودࣰاۚ قَالَ يَٰقَوۡمِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرُهُۥٓۚ أَفَلَا تَتَّقُونَ ٦٥
Al-A'raf 7:65
سورة الأعراف
Meccan
Verse: 65/206
Page 158
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
[Nagsugo sa] `Ād ang kapatid nilang si Hūd. Nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh; wala na kayong Diyos na iba pa sa Kanya. Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala?" -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Nagsugo si Allāh sa liping `Ād ng isang sugong kabilang sa kanila. Siya ay si Hūd - sumakanya ang pangangalaga. Nagsabi ito: "O mga kalipi, sumamba kayo kay Allāh - tanging sa Kanya - sapagkat walang sinasambang ukol sa inyo ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Kaya hindi ba kayo nangingilag magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya upang maligtas kayo sa parusa Niya?"
Al-A'raf 7:65
Loading the recitation…
0:00