يَمۡحَقُ ٱللَّهُ ٱلرِّبَوٰاْ وَيُرۡبِي ٱلصَّدَقَٰتِۗ وَٱللَّهُ لَا يُحِبُّ كُلَّ كَفَّارٍ أَثِيمٍ ٢٧٦
Al-Baqarah 2:276
سورة البقرة
Medinan
Verse: 276/286
Page 47
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Lumilipol si Allāh sa patubo at nagpapalago Siya sa mga kawanggawa. Si Allāh ay hindi umiibig sa bawat palatangging sumampalataya na makasalanan. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Pumupuksa si Allāh ng salaping galing sa patubo at nag-aalis Siya nito, sa pisikal na kahulugan sa pamamagitan ng pagsira rito at tulad niyon, o sa espirituwal na kahulugan sa pamamagitan ng pag-aalis ng biyaya mula rito. Nagdaragdag Siya sa mga kawanggawa at nagpapalago Siya sa mga ito sa pamamagitan ng pag-iibayo sa gantimpala sa mga ito sapagkat ang magandang gawa ay may ganting sampung tulad nito hanggang sa pitong daang ulit hanggang sa maraming ulit. Nagpapala Siya sa mga yaman ng mga nagkakawanggawa. Si Allāh ay hindi umiibig sa bawat mapagmatigas na tagatangging sumampalataya, na nagtuturing ng pagpapahintulot sa ipinagbabawal, na nagpupumilit sa mga pagsuway at mga kasalanan.
Al-Baqarah 2:276
Loading the recitation…
0:00