كَيۡفَ تَكۡفُرُونَ بِٱللَّهِ وَكُنتُمۡ أَمۡوَٰتࣰا فَأَحۡيَٰكُمۡۖ ثُمَّ يُمِيتُكُمۡ ثُمَّ يُحۡيِيكُمۡ ثُمَّ إِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ ٢٨
Al-Baqarah 2:28
سورة البقرة
Medinan
Verse: 28/286
Page 5
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Papaano kayong tumatangging sumampalataya kay Allāh samantalang kayo noon ay mga patay at nagbigay-buhay Siya sa inyo, pagkatapos ay magbibigay-kamatayan Siya sa inyo, pagkatapos ay magbibigay-buhay Siya sa inyo, pagkatapos ay tungo sa Kanya kayo panunumbalikin. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Tunay na ang lagay ninyo, o mga tagatangging sumampalataya, ay talagang kataka-taka! Papaano kayong tumatangging sumampalataya kay Allāh samantalang kayo ay nakasasaksi sa mga patunay sa kakayahan Niya sa mga sarili ninyo. Kayo nga noon ay wala, hindi umiiral, ngunit bumuo Siya sa inyo at nagbigay-buhay Siya sa inyo. Pagkatapos Siya ay nagbigay-kamatayan sa inyo sa ikalawang pagkamatay. Pagkatapos ay magbibigay-buhay Siya sa inyo sa ikalawang buhay. Pagkatapos ay magpapanumbalik Siya sa inyo sa Kanya upang tumuos Siya sa inyo sa mga [gawang] ipinauna ninyo.
Al-Baqarah 2:28
Loading the recitation…
0:00