ءَامَنَ ٱلرَّسُولُ بِمَآ أُنزِلَ إِلَيۡهِ مِن رَّبِّهِۦ وَٱلۡمُؤۡمِنُونَۚ كُلٌّ ءَامَنَ بِٱللَّهِ وَمَلَٰٓئِكَتِهِۦ وَكُتُبِهِۦ وَرُسُلِهِۦ لَا نُفَرِّقُ بَيۡنَ أَحَدࣲ مِّن رُّسُلِهِۦۚ وَقَالُواْ سَمِعۡنَا وَأَطَعۡنَاۖ غُفۡرَانَكَ رَبَّنَا وَإِلَيۡكَ ٱلۡمَصِيرُ ٢٨٥
Al-Baqarah 2:285
سورة البقرة
Medinan
Verse: 285/286
Page 49
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Sumampalataya ang Sugo sa anumang pinababa sa kanya mula sa Panginoon niya at ang mga mananampalataya [ay gayon din]. Bawat [isa] ay sumampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, at sa mga sugo Niya. [Sinabi:] "Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa man sa mga sugo Niya," Nagsabi sila: "Nakarinig kami at tumalima kami. [Humihingi kami ng] pagpapatawad Mo, Panginoon namin. Tungo sa Iyo ang kahahantungan." -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Sumampalataya ang Sugong si Muḥammad - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - sa lahat ng pinababa sa kanya mula sa Panginoon niya, at ang mga mananampalataya ay sumampalataya sa gayon. Lahat sila ay sama-samang sumampalataya kay Allāh, sumampalataya sa lahat ng mga anghel, sa lahat ng mga kasulatan Niyang pinababa Niya sa mga propeta, at sa lahat ng mga sugong isinugo Niya. Sumampalataya sila sa mga ito, na mga nagsasabi: "Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa man sa mga sugo ni Allāh." Nagsabi pa sila: "Nakarinig kami ng ipinag-utos Mo sa amin at sinaway Mo sa amin. Tumalima kami sa Iyo sa pamamagitan ng paggawa sa ipinag-utos Mo at pag-iwan sa sinaway Mo. Humihiling kami sa Iyo na magpatawad Ka sa amin, o Panginoon namin, sapagkat tunay na ang panunumbalikan namin ay sa Iyo - tanging sa Iyo - sa lahat ng nauukol sa amin."
Al-Baqarah 2:285
Loading the recitation…
0:00