إِنَّآ أَرۡسَلۡنَٰكَ شَٰهِدࣰا وَمُبَشِّرࣰا وَنَذِيرࣰا ٨
Al-Fath 48:8
سورة الفتح
Medinan
Verse: 8/29
Page 511
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Tunay na Kami ay nagsugo sa iyo bilang isang tagasaksi, isang tagapagbalita ng nakagagalak, at isang tagapagbabala, -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Tunay na Kami ay nagpadala sa iyo, O Sugo, bilang isang tagasaksing sasaksi sa Kalipunan mo sa Araw ng Pagbangon, isang tagapagbalita ng nakagagalak sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng inihanda para sa kanila sa Mundo na pag-aadya at pagpapatatag at sa pamamagitan ng inihanda para sa kanila sa Kabilang-buhay na ginhawa, at isang tagapagpangamba sa mga tagatangging sumampalataya sa pamamagitan ng inihanda para sa kanila sa Mundo na pagkahamak at pagkatalo sa mga kamay ng mga mananampalataya at sa pamamagitan ng inihanda sa Kabilang-buhay na pagdurusang masakit na naghihintay sa kanila.
Al-Fath 48:8
Loading the recitation…
0:00