وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ ٱسۡجُدُواْۤ لِلرَّحۡمَٰنِ قَالُواْ وَمَا ٱلرَّحۡمَٰنُ أَنَسۡجُدُ لِمَا تَأۡمُرُنَا وَزَادَهُمۡ نُفُورࣰا۩ ٦٠
Al-Furqan 25:60
سورة الفرقان
Meccan
Verse: 60/77
Page 365
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kapag sinabi sa kanila: "Magpatirapa kayo sa Napakamaawain," nagsasabi sila: "Ano ang Napakamaawain? Magpapatirapa ba kami sa ipinag-uutos mo sa amin?" Nakadagdag ito sa kanila ng pag-ayaw. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Kapag sinabi sa mga tagatangging sumampalataya: "Magpatirapa kayo sa Napakamaawain," nagsasabi sila: "Hindi kami magpapatirapa sa Napakamaawain. Ano ang Napakamaawain? Hindi kami nakakikilala sa Kanya at hindi Kami kumikilala sa Kanya. Magpapatirapa ba kami sa ipinag-uutos mo sa amin na pagpapatirapaan samantalang kami ay hindi nakakikilala sa Kanya?" Nakadagdag sa kanila ang pag-uutos sa kanila na pagpapatirapa kay Allāh ng pagkalayo sa pananampalataya sa Kanya.
Al-Furqan 25:60
Loading the recitation…
0:00