ٱلۡمُلۡكُ يَوۡمَئِذࣲ لِّلَّهِ يَحۡكُمُ بَيۡنَهُمۡۚ فَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ فِي جَنَّٰتِ ٱلنَّعِيمِ ٥٦
Al-Hajj 22:56
سورة الحج
Medinan
Verse: 56/78
Page 339
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ang paghahari sa Araw na iyon ay sa kay Allāh; hahatol Siya sa pagitan nila. Kaya ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay nasa mga hardin ng ginhawa. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Ang paghahari sa Araw na Pagbangon - sa araw na pupunta sa mga ito ang dating ipinangangako sa kanila na pagdurusa - ay sa kay Allāh - tanging sa Kanya - walang makikipagtunggali sa Kanya roon. Siya - kaluwalhatian sa Kanya - ay hahatol sa pagitan ng mga mananampalataya at mga tagatangging sumampalataya. Hahatol Siya sa bawat isa sa kanila ayon sa kung ano ang karapat-dapat. Kaya ang mga sumampalataya at gumawa ng mga gawang maayos, ukol sa kanila ay isang gantimpalang sukdulan, ang mga hardin ng ginhawang mananatili, na hindi napuputol.
Al-Hajj 22:56
Loading the recitation…
0:00