أَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ سَخَّرَ لَكُم مَّا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَٱلۡفُلۡكَ تَجۡرِي فِي ٱلۡبَحۡرِ بِأَمۡرِهِۦ وَيُمۡسِكُ ٱلسَّمَآءَ أَن تَقَعَ عَلَى ٱلۡأَرۡضِ إِلَّا بِإِذۡنِهِۦٓۚ إِنَّ ٱللَّهَ بِٱلنَّاسِ لَرَءُوفࣱ رَّحِيمࣱ ٦٥
Al-Hajj 22:65
سورة الحج
Medinan
Verse: 65/78
Page 340
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Hindi mo ba nakita na si Allāh ay nagpalingkod para sa inyo ng anumang nasa lupa at ng mga sasakyang-dagat na naglalayag sa dagat ayon sa utos Niya. Pinipigilan Niya ang langit na bumagsak sa lupa malibang may kapahintulutan Niya. Tunay na si Allāh sa mga tao ay talagang Mahabagin, Maawain. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Hindi mo ba nakita, O Sugo, na si Allāh ay nagpasilbi para sa iyo at para sa mga tao ng anumang nasa lupa na mga hayop at mga bagay para sa mga kapakinabangan ninyo at mga pangangailangan ninyo, at nagpasilbi para sa inyo ng mga sasakyang-dagat na naglalayag sa dagat ayon sa utos Niya at pagpapalingkod Niya mula sa isang bayan papunta sa ibang bayan. Pinipigilan Niya ang langit upang hindi bumagsak sa lupa malibang may kapahintulutan Niya. Kaya kung sakaling nagpahintulot siya sa langit na bumagsak sa lupa, talaga sanang bumagsak iyon. Tunay na si Allāh sa mga tao ay talagang Mahabagin, Maawain yayamang pinaglingkod Niya para sa kanila ang mga bagay na ito sa kabila ng taglay nilang paglabag sa katarungan.
Al-Hajj 22:65
Loading the recitation…
0:00