أَفَأَصۡفَىٰكُمۡ رَبُّكُم بِٱلۡبَنِينَ وَٱتَّخَذَ مِنَ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ إِنَٰثًاۚ إِنَّكُمۡ لَتَقُولُونَ قَوۡلًا عَظِيمࣰا ٤٠
Al-Isra 17:40
سورة الإسراء
Meccan
Verse: 40/111
Page 286
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kaya ba humirang sa inyo ang Panginoon ninyo sa [pagkakaroon ng] mga anak na lalaki at gumawa Siya sa mga anghel bilang mga babae? Tunay na kayo ay talagang nagsasabi ng isang pananalitang sukdulan! -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
O kayong nagsasabing ang mga anghel daw ay mga babaing anak ni Allāh, nagtangi ba sa inyo ang Panginoon ninyo, O mga tagapagtambal, sa pagkakaroon ng mga lalaking mga anak at gumawa naman Siya para sa sarili Niya sa mga anghel bilang mga babaing anak? Pagkataas-taas ni Allāh sa mga sinasabi ninyo! Tunay na kayo ay talagang nagsasabi laban kay Allāh -napakamaluwalhati Niya - ng isang pananalitang labis-labis sa kapangitan yayamang nag-uugnay kayo sa Kanya ng anak, at nag-aakala kayo na ukol sa Kanya ay ang mga babaing anak bilang pagpapakalabis sa kawalang-pananampalataya sa Kanya.
Al-Isra 17:40
Loading the recitation…
0:00