وَإِذَا مَسَّكُمُ ٱلضُّرُّ فِي ٱلۡبَحۡرِ ضَلَّ مَن تَدۡعُونَ إِلَّآ إِيَّاهُۖ فَلَمَّا نَجَّىٰكُمۡ إِلَى ٱلۡبَرِّ أَعۡرَضۡتُمۡۚ وَكَانَ ٱلۡإِنسَٰنُ كَفُورًا ٦٧
Al-Isra 17:67
سورة الإسراء
Meccan
Verse: 67/111
Page 289
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kapag sumaling sa inyo ang kapinsalaan sa dagat ay nawawala ang mga dinadalanginan ninyo maliban sa Kanya ngunit nang nagligtas Siya sa inyo papunta sa kalupaan ay umaayaw kayo. Laging ang tao ay mapagtangging magpasalamat. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Kapag may sumaling sa inyo, O mga tagapagtambal, na isang pagsubok na kinasusuklaman sa dagat hangang sa natakot kayo sa kapahamakan ay nalilingid sa hinagap ninyo ang dating dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh. Wala kayong naaalaala kundi si Allāh at nagpapasaklolo kayo sa Kanya ngunit nang sumaklolo Siya sa inyo, nagligtas Siya sa inyo mula sa pinangangambahan ninyo, at napunta kayo sa kalupaan ay umaayaw kayo sa paniniwala sa kaisahan Niya at sa pananalangin sa Kanya - tanging sa Kanya - at bumabalik kayo sa mga diyus-diyusan ninyo. Laging ang tao ay mapagkaila sa mga biyaya ni Allāh.
Al-Isra 17:67
Loading the recitation…
0:00