وَقَالُواْ مَا هِيَ إِلَّا حَيَاتُنَا ٱلدُّنۡيَا نَمُوتُ وَنَحۡيَا وَمَا يُهۡلِكُنَآ إِلَّا ٱلدَّهۡرُۚ وَمَا لَهُم بِذَٰلِكَ مِنۡ عِلۡمٍۖ إِنۡ هُمۡ إِلَّا يَظُنُّونَ ٢٤
Al-Jathiya 45:24
سورة الجاثية
Meccan
Verse: 24/37
Page 501
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nagsabi sila: "Walang iba ito kundi ang buhay naming pangmundo; namamatay kami at nabubuhay kami, at walang nagpasawi sa amin kundi ang panahon." Walang ukol sa kanila hinggil doon na anumang kaalaman. Walang iba sila kundi nagpapalagay. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya na nagkakaila sa pagbubuhay na muli: "Walang iba ang buhay kundi ang buhay naming pangmundong ito lamang sapagkat walang buhay matapos nito. May namamatay na mga salinlahi ngunit hindi nagbabalik at may nabubuhay na mga salinlahi. Walang nagbibigay-kamatayan sa amin kundi ang pagpapalitan ng gabi at maghapon." Walang ukol sa kanila sa pagkakaila nila sa pagbubuhay na muli na anumang kaalaman. Walang iba sila kundi nagpapalagay. Tunay na ang palagay ay hindi nakasasapat sa katotohanan sa anuman.
Al-Jathiya 45:24
Loading the recitation…
0:00