فَإِذَا قُضِيَتِ ٱلصَّلَوٰةُ فَٱنتَشِرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَٱبۡتَغُواْ مِن فَضۡلِ ٱللَّهِ وَٱذۡكُرُواْ ٱللَّهَ كَثِيرࣰا لَّعَلَّكُمۡ تُفۡلِحُونَ ١٠
Al-Jumu'ah 62:10
سورة الجمعة
Medinan
Verse: 10/11
Page 554
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kaya kapag natapos ang pagdarasal ay magsikalat kayo sa lupain, maghangad kayo ng kabutihang-loob ni Allāh, at mag-alaala kayo kay Allāh nang madalas nang sa gayon kayo ay magtatagumpay. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Kaya kapag winakasan ninyo ang pagdarasal sa araw ng Biyernes ay magsikalat kayo sa lupain sa paghahanap ng kitang ipinahihintulot at ng pagtugon sa mga pangangailangan ninyo, maghanap kayo ng kabutihang-loob ni Allāh sa pamamagitan ng kitang ipinahihintulot at tubong ipinahihintulot, at mag-alaala kayo nang madalas na pag-alaala kay Allāh sa sandali ng paghahanap ninyo ng panustos, at huwag magpalimot sa inyo sa pag-alaala kay Allāh ang paghahanap ninyo ng panustos sa pag-asa sa pagtatamo ng naiibigan ninyo at pagkaligtas mula sa pinangingilabutan ninyo.
Al-Jumu'ah 62:10
Loading the recitation…
0:00