أَفَحُكۡمَ ٱلۡجَٰهِلِيَّةِ يَبۡغُونَۚ وَمَنۡ أَحۡسَنُ مِنَ ٱللَّهِ حُكۡمࣰا لِّقَوۡمࣲ يُوقِنُونَ ٥٠
Al-Ma'idah 5:50
سورة المائدة
Medinan
Verse: 50/120
Page 116
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kaya ang hatol ng kamangmangan ba ay hinahangad nila? Sino pa ang higit na magaling kaysa kay Allāh sa paghatol para sa mga taong nakatitiyak? -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Umaayaw ba sila sa kahatulan mo habang humihiling ng kahatulan ng mga tao ng Panahon ng Kamangmangan kabilang sa mga mananamba ng mga diyus-diyusan, na mga humahatol bilang pagsunod sa mga nasa nila? Walang isang higit na magaling sa paghatol kaysa kay Allāh sa ganang mga alagad ng katiyakan, na mga nakauunawang buhat kay Allāh ang ibinaba sa Sugo Niya, hindi sa mga alagad ng mga mangmang at nasa na walang tinatanggap kundi ang umaalinsunod sa mga nasa nila kahit pa ito ay kabulaanan.
Al-Ma'idah 5:50
Loading the recitation…
0:00