قَدۡ سَمِعَ ٱللَّهُ قَوۡلَ ٱلَّتِي تُجَٰدِلُكَ فِي زَوۡجِهَا وَتَشۡتَكِيٓ إِلَى ٱللَّهِ وَٱللَّهُ يَسۡمَعُ تَحَاوُرَكُمَآۚ إِنَّ ٱللَّهَ سَمِيعُۢ بَصِيرٌ ١
Al-Mujadilah 58:1
سورة المجادلة
Medinan
Verse: 1/22
Page 542
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Narinig nga ni Allāh ang pananalita ng [babaing] nakikipagtalo sa iyo hinggil sa asawa niya at dumaraing kay Allāh. Si Allāh ay nakaririnig sa pagtatalakayan ninyong dalawa. Tunay na si Allāh ay Madinigin, Nakakikita. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Narinig nga ni Allāh ang pananalita ng babae (si Khawlah bint Tha`labah) na sumasangguni sa iyo, O Sugo, kaugnay sa asawa niya (si Aws bin Aṣ-Ṣāmit) noong nagsagawa ito sa kanya ng diborsiyong dhihār (paghahalintulad sa maybahay sa ina ng asawa), at dumaraing kay Allāh ng ginawa sa kanya ng asawa niya. Si Allāh ay nakaririnig sa pagsasanggunian ninyong dalawa sa pag-uusap; walang naikukubli kay Allāh mula roon na anuman. Tunay na si Allāh ay Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, Nakakikita sa mga ginagawa nila: walang naikukubli sa Kanya mula sa mga iyon na anuman.
Al-Mujadilah 58:1
Loading the recitation…
0:00