يَوۡمَ يَبۡعَثُهُمُ ٱللَّهُ جَمِيعࣰا فَيَحۡلِفُونَ لَهُۥ كَمَا يَحۡلِفُونَ لَكُمۡ وَيَحۡسَبُونَ أَنَّهُمۡ عَلَىٰ شَيۡءٍۚ أَلَآ إِنَّهُمۡ هُمُ ٱلۡكَٰذِبُونَ ١٨
Al-Mujadilah 58:18
سورة المجادلة
Medinan
Verse: 18/22
Page 544
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
sa Araw na bubuhayin sila ni Allāh nang lahatan at manunumpa sila sa Kanya kung paanong nanunumpa sila sa inyo. Nag-aakala sila na sila ay [nakabatay] sa isang bagay. Pansinin, tunay na sila ay ang mga sinungaling. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
sa Araw na bubuhayin sila ni Allāh nang lahatan: hindi Siya mag-iiwan sa kanila ng isa man malibang bubuhayin Niya ito para sa pagganti. Manunumpa sila kay Allāh na hindi raw sila dati nasa kawalang-pananampalataya at pagpapaimbabaw, at sila raw dati ay mga mananampalataya na tagagawa lamang ng ikinalulugod ni Allāh. Manunumpa sila sa Kabilang-buhay kung paano sila dating nanunumpa sa inyo, O mga mananampalataya, sa Mundo na sila raw ay mga Muslim. Nagpapalagay sila na sila, dahil sa mga panunumpang ito na ipinanunumpa nila kay Allāh, ay [nakabatay] sa isang bagay na kabilang sa magdudulot para sa kanila ng isang pakinabang o magtutulak palayo sa kanila ng isang pinsala. Pansinin, tunay na sila ay ang mga sinungaling talaga sa mga panunumpa nila sa Mundo at mga panunumpa nila sa Kabilang-buhay.
Al-Mujadilah 58:18
Loading the recitation…
0:00