وَجَعَلۡنَٰهُمۡ أَئِمَّةࣰ يَدۡعُونَ إِلَى ٱلنَّارِۖ وَيَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ لَا يُنصَرُونَ ٤١
Al-Qasas 28:41
سورة القصص
Meccan
Verse: 41/88
Page 390
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ginawa Namin sila na mga pinuno na nag-aanyaya sa Apoy. Sa Araw ng Pagbangon ay hindi sila iaadya. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Ginawa Namin sila na mga huwaran sa mga tagapagmalabis at mga tagapagligaw patungo sa Apoy dahil sa ipinalalaganap nilang kawalang-pananampalataya at pagkaligaw. Sa Araw ng Pagbangon ay hindi sila iaadya sa pamamagitan ng pagsagi sa kanila mula sa Apoy. Bagkus pag-iibayuhin sa kanila ang pagdurusa dahil nagsakalakaran sila ng mga kalakarang masagwa at nag-anyaya sila ng kaligawan. Isusulat laban sa kanila ang kasalanan ng gawain nila dahil doon at ang kasalanan ng gawain ng sinumang sumunod sa kanila sa paggawa niyon.
Al-Qasas 28:41
Loading the recitation…
0:00